Violet’s PoV
Tumikhim naman si Momma para basagin ang katahimikan naming lahat.
Si Naomi naman ay mukhang naguguluhan sa nangyayari kaya tumahimik na lang muna ito.
“Guys, kumain lang kayo at huwag mahiya.” saad ni Momma.
Nagpatuloy lang kami sa pagkain at hindi naman ako nahihiya pero ’yung katabi ko parang hindi mapakali.
Paano ba naman kasi ’yung kapatid ko kung makatingin sa amin parang investigator.
Akala naman niya hindi siya ang nagset up nito.
After breakfast ay umakyat naman kami sa kwarto ko at naligo naman ito dahil didiretso na raw siya sa work.
Boss nga namin ang babaeng ’to.
Pinahiram ko naman siya ng mga kailangan niya bago ihatid sa baba kung nasaan ang kotse nito na ginamit ko.
Naalala ko na naman tuloy ang nangyari kagabi.
Ibinaba naman nito ang window ng sasakyan at tumingin sa akin.
“Our company is strict so don't be late.”
Nagmaneho naman ito paalis kaya naiwan ako ritong tulala.
“Baby, kapag hindi mo ’yan niligawan, lagot ka sa Mommy mo. Alam mo naman ang rule diba?”
Tumango naman ako.
Ang rule ay bawal magpatulog sa kwarto naming tatlo unless engaged na kami.
Pwedeng mag-uwi pero dapat sa guest room patulugin pero wala na akong time.
Kaya nga hindi ako makatingin kay Mommy kanina kasi for sure lagot ako rito.
Umakyat na ako at naligo para pumasok sa trabaho. May hang-over pa si Naomi pero nakainom naman siya ng gamot.
“Yve, alam mo ba kung sino ang nag-uwi sa akin kagabi? Feeling ko kasi nagkiss kami, ang lambot nga, e. Tapos parang babae pero straight naman ako.”
Tinignan ko naman ito ng bahagya at wala naman akong nakita sa leeg nito.
“Baka dahil lang ’yun sa kalasingan mo at nanaginip ka lang.”
“Feeling ko hindi talaga, kasi ramdam ko kung paano niya ako hawakan. Alam mo ’yun? Ang gentle tapos parang ayaw niya ako saktan.”
Kakausapin ko talaga mamaya si Pam tungkol dito. Sabi ko huwag niya iwan pero hindi ko sinabi na halikan niya ang babaeng ’to.
Napaka innocent pa naman ni Naomi.
“Tama na muna ang krimstick at bumaba na tayo kasi 5 minutes na lang late na tayong dalawa.”
Bumaba na kami ng kotse at pumasok sa building kung saan kami magtatrabaho.
Sumakay naman kami sa elevator at ang daming tao. Bakit kaya hindi na lang sila magprovide ng maraming elevator?
Pagkarating namin sa office ay busy na ang mga ito kaya pumunta na kami sa cubicle namin.
Naorient na rin naman kami dito noong nakaraan at hindi lang naman kami ni Naomi ang bago rito.
BINABASA MO ANG
Blissful Reality (GxG)
FantasyGirlxGirl Story | Taglish | Fantasy Fiction | Major Revision Morozov Sister Series #1 - Violet Yvette Morozov is a happy-go-lucky person. Dahil sa impluwensya ng kanyang mga kaibigan, napilitan ang kanyang mga magulang na ilipat siya sa ibang school...