Violet's PoV
"Himala hindi bad mood si Ms. Salvador ngayon." saad ng isa naming ka trabaho.
"Oo nga, may nagpadala raw kasi ng bulaklak sa office nito kanina kaya mukhang good mood."
Palagi kasing angry bird ang babaeng 'yun kapag pumapasok sa office nito.
Akala mo naman palaging may kaaway.
"Ang balita mukhang galing yata kay Sir Mike, 'yung matagal nang nanliligaw sa kaniya. Bagay naman sila kasi ang pogi naman ni Sir."
Sino naman 'yun? Kailan pa naging M ang Y na initial? Ano 'yan Yike?
"Sino si Mike?" curious na tanong ni Naomi.
Nandito kasi kami sa canteen at inaya niya akong kumain dito kaya sumama na rin ako.
"Siya 'yung matagal na nanliligaw kay Ms. Salvador. Hindi nga namin alam kung bakit hanggang ngayon hindi pa niya sinasagot pero ang sabi malapit na sila maengaged kaya siguro nagparamdam ulit." kinikilig na saad na babae.
Yuck! Bakit ba siya kinikilig?
"Saan ka punta, Yve? Hindi mo pa ubos ang kinakain mo."
"Mauna na ako sa inyo. May need pa kasi akong tapusin para sa next project na pinapagawa kay Sir Castro."
Magaling talaga ako magdahilan.
"Grabe! Baka mabalitaan na lang namin na promoted ka na. Congrats in advance agad."
Ngumiti na lang ako sa mga ito at bumalik sa office.
Daming trabaho! Gusto ko na lang matulog sa kama at hindi na magising.
Mabuti na lang walang pasok bukas kaya free time ko na ulit.
Tumunog naman ang phone ko kaya tinignan ko ito.
Come to my office.
Ayaw ko, no, i decline.
Nilagay ko naman ito sa silent mode at nagtrabaho na lang ulit para madivert ang nasa utak ko.
Kapag talaga ako na promote rito tatambay talaga ako sa site at hindi na magpapakita rito sa office.
Iuutos ko na lang ang mga gawain sa may lower position para sila naman maghirap.
Kairita!
Tinapos ko talaga lahat ng gawain ko rito sa office bago puntahan si Naomi sa department nito.
"Uuwi na ako, sasabay ka ba?"
"Hindi, may pupuntahan ako ngayon after work."
"Okay, una na ako. Ingat ka."
Nagtataka naman ako nitong tinignan pero tinalikuran ko na ito at bumaba sa parking lot.
Gamit ko pa rin ang motor na binili ko dati kasi tinago pala nila ito sa garahe.
Napapreno naman ako dahil may biglang humarang na kotse sa daanan.
Bumaba naman ang driver nito at lumapit sa akin.
BINABASA MO ANG
Blissful Reality (GxG)
FantasyGirlxGirl Story | Taglish | Fantasy Fiction | Major Revision Morozov Sister Series #1 - Violet Yvette Morozov is a happy-go-lucky person. Dahil sa impluwensya ng kanyang mga kaibigan, napilitan ang kanyang mga magulang na ilipat siya sa ibang school...