Chapter 12

1.5K 83 2
                                        

Ilang araw na lang at pasukan na. Natapos na ang dorm namin at the result is really wonderful. Maaliwalas nang tingnan ung dorm ngayon kaya masarap nang huminga. Tinanggl ung wall sa may salas at pinalitan ng glass walls. Kaya kitang kita ang view pagpasok na pagpasok palang. Ung apple green na pinili ni Ara, really fits in with the white. Pinalitan rin ng wood floor ung sagig. Ung sofa namin L shaped na color white. May coffee table sa gitna. Green naman ung carpet sa harap ng sofa. May flat screen na tv na nakahang sa wall. Ung kama namin hindi na rin pinlitan. Ung kuson na lang. The kitchen is also wonderful. Napalitan na ng marble tiles at fully equipped narin ito. Ung dining table, round at wooden na may kulay rin na white. Pati ung Batnroom bago narin ang tiles at may tub na. Ung walk in closet maayos narin. Overall we both loved it. Pero ang pinabomb talaga sa lahat ay ung nakaframe na jerseys. Nagsilbi pa nga siyang headboard.

Simula nung incident tinangal na namin sa listahan ng hahanapin si #18. Pero hindi namin tatanggalin ang posibilidad na makilala namin siya sa ginta ng paghahanap kung sino ba ang totoong Ara. Nakauwi narin sila mom. At sa paguwi nilang iyon ay may kasama silang magandang balita. Magkakarenewal of vows sila after 9 months. yes after 9 months. Hindi lang kasi yun ang magandang balita nila Mom. Gusto kasi nila kasama na namin ang bagong member ng family sa renewal of vows nila. And yes, oo MY MOM IS PREGANT. Isang buwan na si baby. Lahat kami natuwa actually. Pero ang pinaka masaya ay si Dad. Nainggit na nga agad ako kay bunso eh. Hindi pa siya pinapanganak mahal na mahal na siya. Eh ako? Ni hi ni Ho hindi ako matanong. Ni hindi niya masabing mahal niya ako. I'm not saying that I'm jealous, well sige nagseselos ako. Kasi ba naman, nagdagdagsiya nang dayoff every week para lang makasama siya sa progress ni baby. Samantalang ako kahit isang family day hindi siya dumalo. Puro sila Tito at sila Tita lang ang kasama. Hindi pa naman sila ganun ka tanda, pero mas maganda na ito. At least ung isa samin mararamdaman ang love ng isang ama.

Speaking of progress, ayun wala paring lead kung ano ang susunod naming plano. Naubusan na kasi ako ng ideya. Hindi ko alam kung saan maghahanap. Pero pinangako ko naman na sisimulan ulit namin yun pag nagpasukan na. Ilang araw na lang naman. Ngayon may training ang Green Archers. Kasabay kasi ng pagstastart ng classes ang palapit ng palapit na basketball season. Kaya napagdesisyonan ko na isama ulit si Ara. Iba naman kasi ung nangyari nung isang araw. May party sa loob ng court kaya hindi siya masyadong nakapagfocus.

Hindi ko namalayan na nagtagal na pala ako sa closet sa pagiisip lang nang nangyayari these past few days. Kinuha ko ang mga gamit ko at nilagay sa bag. Nagpunta ako sa salas at nakita ko si Ara na nakaupo sa sofa. Nanonood lang naman siya ng tv. Ayun volleyball ang napili. Gabi ang napiling oras ng training kaya madilim na sa labas. Kitang kita ito dahil sa glass walls namin. Parang may libreng stargazing. Ung rooftop ay inayos din. Ung mga lumang gamit tulad ng sofa at iba pa ay nakalagay sa rooftop. Pwede na akong magtawag ng barkada para makihangout. Pero un na nga ang problema. Wala pa akong mga bagong kaibigan. Sinuot ko ang rubber shoes at inaya na si Ara na lumabas. Hindi na kami nagsasakyan dahil malapit lang naman. Instant warm up na rin to. Wala namang masyadong nangyari matapos ang rebelasyon na patay na si #18 T. Hindi pa siya masyadong nagsasalita at nakikipagkulitan. Ung polaroid picture lang ang patuloy niyang tinitingnan.

"Ara?" Kinausap ko siya. Wala pa kasing naging heart to heart na paguusap simula nun.

"Hm?" Tumingin siya sakin at nagtatanong kung bakit.

"Ok ka lang ba?" I asked the million dollar question.

"To be honest, hindi ko alam." Malungkot niyang sinabi at napayuko. Patuloy lang kaming naglalakad. Pati tuloy ako napatahimik.

"Hindi ko alam kung may kakalabasan pa ba tong ginagawa natin." Is she crazy? Sya ung nagmakaawa sakin natulungan ko siya tapos siya tong susuko na? Napataas na lang ang isang kilay ko.

Dorm 188 (Thomara fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon