Chapter 6

1.6K 100 11
                                        

Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Sobrang liwanag naman ata. Hinarang ng palad ang mata ko para hindi masilaw. Wait, panaginip lang pa lahat? What just happened? I looked at my surroundings. Nasa rooftop pa ako ng dorm. Was it only just a dream? Sobrang init na ata dito sa rooftop parang kakasikat palang ng araw. Everything that happened flooded though my mind. Hindi ba siya totoo? Yung ngiti niya at mga tawa hindi ba totoo? Yung pagningning ba ng mata niya kathangisip lang? Yung mala anghel niyang boses, guni guni lang ba yun? Naramdaman ko ang pagbaksak ng labi ko. Napasimangot na lang ako. Lungkot na lungkot akong nagligpit ng mga unan at sheets. Habang nagliligpit naalala kong birthday ko kahapon. Baka isipin ng pamilya ko nagbar talaga ko kaya hindi ako nakauwi. Hala. Kinapa ko ang bulsa ko para hanapin ang phone ko. WALA!! Ang lakas ng tibok ng puso ko. Baka nagaalala na yun! Gosh! My mother would be furious! Naghanap hanap ako sa rooftop. Hanggang sa makarating ako sa kabilang gilid. There was a space kasi na nagdidivide ng rooftop. Ung space na yun, nanduon ang stairs. Putuloy akong naghanap. Pero iba ang nahanap ko.

Bigla na lang napangiti ang mga labi ko. I can't explain this feeling. I also felt this the first time that she hugged me. Ano bang meron dito sa babaeng ito? She drives me crazy. Nagmumuni muni siya doon sa isang gilid. Natatakot nga rin ako kasi baka mahulog siya. Nasa pinaka dulo kasi siya. Naka laylay ang mga paa niya sa era. Dahan dahan ko siyang nilapitan. At niyakap ko siya galing sa likod. Nagulat naman siya at napatingin sakin. Hindi ko rin alam king bakit. I can't control myself whenever I'm with her. Sobrang saya ko lang siguro dahil nandito parin siya. Hinayaan niya lang akong yumakap. Pinapanood nga pala niya ang sunrise kaya siya nandito. Sabay naming pinanuod ang pag sikat ng araw. No one really tried to say something. The second time around malamig parin siya. Pero the sun provided the warmth for the both of us. Kahit ako lang ung humihinga, at kahit hindi ko nararamdaman ang paginhale at exhale nya, even though I can't feel the beat of her heart, I felt complete.

As she continue to watch the sunrise, I watch her intently. She's the focus of my mind right now. Pinagaral ko ang facial fearure niya. Ung lips parin niya talga ang unang kapansin pansin. I felt the urge to kiss that lips. Thomas ano bang nagyayari sayo? Wala pang 24 hours mo siyang kilala. Ang purpose mo lang ay tulungan siya na makacross. Mawawala din siya. I closed my eyes and felt... tired.
"Thomas?" Her angelic voice sang through my ears.

"Hmm?" Sabi ko habang nakasandal ang ulo ko sa balikat niya. Hindi parin ako dumidilat.

"Wag mo kong iiwan." At dahil duon napadilat ako. At tumingin sa kanya. Her eyes are watching me. Nakipagtitigan ako sa kanya. I found fear in her eyes.

"Hinding hindi." Maikli kong sinabi. Napangiti naman siya. Kahit pala ang isang ghost na there's nothing to loose na tatakot din. Bigla akong naawa. I was lucky enough to exist in this world with my life with me. Kumalas ako sa yakap. At naalala na hinahanap ko nga pala ang phone ko. Nakita ko din un sawakas. Sa isang vintage metal table. Naramdaman kong pinapanood pa rin niya ako.

I opened my phone and sent a brief text to my mom saying I'll explain to her later. Inayos ko ang mga gamit ko. At sunod lang ng sunod si Ara.

"Aalis ka na?" Napatigil ako sa pagaayos at tumingin din sa kanya. Nakita ko ang lungkot sa kanya. Naiintindihan ko naman siya. After 18 years may isang tao na nakakita sayo at nakausap.

"Babalik ako mamaya. I promise. Kailangan ko lang bumalik sa bahay at magpaliwanag. Iniwan ko kasi lahat ng bisita kahapon." Pageexplain ko.

"Ano bang meron kahapon?" Pagtataka niyang tanong saakin.

"Birthday ko kahapon. May party sa bahay." Ngumiti lang ako.

"Talaga? Happy Birthday. Teka ilang taon ka na?" Her sweet smile pwede nang regalo saakin.

Dorm 188 (Thomara fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon