Chapter 1

143 12 0
                                    

Elijah's P.O.V:

"Twenty million pesos", malamig na saad ng isang lalaki, na sa tingin ko ay kasing edad ko lang. Agad na nag-bulungan ang mga tao sa bar.

"Woah! that's a lot Mr. Suarez", gulat na saad ng mc, sigurado ako, pumapalakpak na ang tainga ng Nanay ko, sa laki ng pera na binid ng lalaking ito.

"Going once? going twice?", tanong ng mc, pero wala ng nag-balak na higitan ang binid ng lalaki.

"Okay! Bidding is over, Mr. Suarez, miss Elijah is now yours", saad ng Mc, nagulat nalang ako, nang bigla akong hilain ni Mama.

"Ano ba! masamang pinag-aantay si Mr. Suarez", saad nito, sabay tulak sakin, nakalimutan ba nito na pina-suot niya ako ng six inches na heels?

Agad akong natapilok, mabuti nalang ay nasalo ako ni Mr. Suarez daw.

"Dont. Touch. Her", simple at malamig nitong saad, agad namang nagkanda-utal si mama.

"Kasalanan niya po, babagal-bagal po kasi siya", magalang na saad ni mama, huwaw? big word, magalang.

"I don't care, let's go", saad nito, sabay hila sakin, pero agad akong napa-daing nang maramdaman kong sumakit ang paa ko. Siguro ay dahil ito sa pagkaka-tapilok ko.

Agad niya akong hinarap, bago tumingin sa paa ko,nagulat nalang ako nang bigla niya akong buhatin na parang sako, hanggang sa makarating kami sa parking lot.

"Get in", saad nito nang mabuksan niya ang pinto ng kotse niya sa passenger seat, masasabi ko na hindi ito basta-bastang lalaki, dahil galawan palang niya, ay sobrang kakaiba.

Nang maka-sakay ako, ay agad din itong pumunta sa driver's seat. Pero nagtataka ako, kung bakit hindi pa kami umaalis.

"Seat belt", malamig nitong saad, oo mas malamig pa sa baguio.

Nagtataka ako kung ano ang sinasabi niya, sinasampal ako ng kahirapan sa mga nakikita ko sa loob ng kotse.

"Tsk! stupid child", saad nito, atsaka lumapit sakin. Nahigit ko ang hininga ko nang maramdaman ko na sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.

Naka-hinga ako ng maluwag, nang lumayo na ito sakin.

"S-saan pala t-tayo pupunta?", kinakabahang tanong ko, naninibago ako, dahil ngayon lang ako naka-labas ng bahay.

Saksi ang kaputian ko, sa hindi ko pag-labas ng bahay. Mahigpit sakin si mama, at kahit kailan, hindi niya ako pinayagang mag-trabaho, o lumabas man lang ng bahay.

At dahil dun, nag-karoon ako ng takot, takot na may makasama o makitang tao na bago sa paningin ko.

"Don't ask, just keep quiet", saad nito, habang ang buong attention niya ay nasa, pagd-drive.

Itinuon ko nalang ang pansin ko sa bawat bahay na nadadaanan namin, napanga-nga ako sa ganda ng mga design ng mga bahay. Labas palang, ay malalaman mo ng mayayaman ang nakatira dito.

Sold by the MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon