Elijah's P.O.V:
Tumigil kami sa isang malaking bahay, grabe ang ganda. Sabay kaming lumabas ng kotse, at tinitigan bahay.
"Close your mouth", saad ng katabi ko, at nauna ng pumasok sa loob ng bahay. hmp! kill joy.
Tumakbo ako palapit sakanya, mahirap na at baka mawala ako sa ganito kalaking bahay.
"This is you room, and that's my room, wag na wag kang papasok sa kwarto ko", saad nito, tumango-tango naman ako. Nang maka-pasok na ito sa kwarto niya, ay pumasok na ako sa kwarto ko.
Napanga-nga ako, dahil mula sala hanggang dito, ay kulay gray ang lahat. Nagmukha tuloy akong color blind, dahil dito.
Humiga muna ako sa kama, atsaka napa-buntong hininga. Magiging maayos kaya ang buhay ko dito? dahil ang alam ko, lahat ng babaeng nabibili sa bar, ay napapahirapan sa taong naka-bili sakanya.
Hindi ko aakalain na mararanasan ko yung napapanood ko lang noon sa tv, ang sakit lang sa part ko na, kahit ang sarili kong ina ang nag-benta sakin, ay hindi ako maka-tanim ng sama ng loob sakanya. Dahil sakanya ako nanggaling, siya ang nag-palaki sakin.
Siguro ay, ito ang kapalit ng lahat. Umupo ako at napa-buntong hininga, hanggang sa napansin ko ang suot kong jacket. Hindi ko pa pala nababalik sakanya ito.
Nag-hanap ako ng damit na pagpa-palitan sa cabinet, pero puro pang-lalaki ang mga damit na nandito.
Kinuha ko ang isang itim na polo at isang boxer na kakasya sakin, sinukat ko muna ang polo, at nag-mukha itong bistida sakin.
Pumunta ako sa cr ng kwarto, at agad nag-simulang maligo, pagka-tapos kong maligo, ay nag-bihis na ako.
Pag-labas ko, ay nag-patuyo muna ako ng buhok, gamit ang tuwalya ko.
Nagulat nalang ako, nang mag-bukas ang pinto, at bumungad sakin si Mr. Suarez.
"U-uhm... Sorry", saad nito, at lumabas na muli sa kwarto ko, anyare dun?
Napatingin ako sa dibdib ko ng maalala ko na wala kong suot ng bra, hala! Huwag mong sabihin na nakita niya na.... Na.
Lupa, lamunin mo na ako please, wala na akong mukhang mahaharap sakanya.
Alam ko na, dito nalang ako, hindi na muna ako lalabas.
Napatingin ako sa pinto nang may kumatok, agad kong iniharang ang tuwalya sa dibdib ko.
"Pasok", saad ko, agad namang pumasok si Mr. Suarez.
"S-stay here", makahulugang saad nito, atsaka mabilis na lumabas ng kwarto.
Bakit? para saan? ano ba ang ibig niyang sabihin?
Nauuhaw na ako, bahala na, siguro naman ay wala siya sa kusina o sa sala.
Binuksan ko ang pinto, at tumingin sa kaliwa at kanan, okay clear walang tao.
BINABASA MO ANG
Sold by the Mafia
RomanceManiniwala ka ba, kung sasabihin ko sayo na, ibinenta ako ng sarili kong ina? pero ang mas nakakagulat ay isang mafia pala ang naka-bili sakin. Pero ang kapalit nito, ay mag-kukunwari ako bilang girlfriend niya, dahil gusto niyang protektahan ang p...