Elijah's POV
"Okay ka lang?", tanong niya sakin, dahilan kaya napunta sakanya ang atensyon ko,tumango naman ako, pero agad na napa-kunot ng noo, nang makita ko siya na tulala, habang naka-tingin sa malayo.
"Okay ka lang?", this time, ay ako naman ang nag-tanong sakanya kung okay lang siya, pero tulala parin siyang naka-tingin sa malayo.
Agad kong sinundan ang tingin niya, and to my surprised, ay nandito din si Lucas, pero...... Sino yung kahalikan niyang babae?
"Si Lucas?", saad ko, 'tsaka napatingin sa kamay ni Blue, na naka-kuyom ang kamay niya.
Agad ko iyong hinawakan, para mapakalma siya, dahilan kaya nabalik siya sa sarili niya.
Nagulat nalang ako nang mag-lakad si Blue, palapit kina Lucas.
"Teka lang!", saad ko, dahilan kaya napatingin saamin sina Lucas, at ang babae.
"Sinong kasama mo, Lucas?", tanong ko sakanya, nag-tataka naman ito sa kinikilos ni Blue.
"Girlfriend ko", naka-ngiting saad niya.
"G*go ka! pati ba naman girlfriend ko inagaw mo!", galit na saad ni Blue, 'tsaka sinuntok si Lucas.
"Kalma pre! ano ba yang sinasabi mo?", nagta-takang tanong naman ni Lucas.
"Teka! ano ba kasing nangyayari?'', tanong ko, 'tsaka hinila si Blue papunta sa likuran ko.
Hindi ako t*nga para hindi makita ang maling kinikilos ng babae, hanggang sa, mapatingin ako sa leeg niya, may tattoo na maliit na bungo. Naloko na! mga bulag talaga itong mga kasama ko.
"G*go ka! bakit ung girlfriend ko pa?!", galit na saad ni Blue, mukhang sa maling tao sila nahulog, eh yan din yung tattoo na nakita ko sa lalaking nang-kidnapped sakin noon, pati yung tauhan niya may ganoon din na tattoo.
Speaking of that girl, bigla nalang siya nawala nang hindi namalayan ng dalawa.
"Teka! huwag kayong padalos-dalos, pinaglalaruan lang kayo ng babaeng yun", sabat ko sa away nila.
"Huh?", sabay na saad ng dalawa.
"Oo! Nakita ko yung tattoo sa leeg niya na bungo, ganun din ang tattoo ng kumidnapped sakin noon", kwento ko sakanila.
"What do you mean?", napakamot nalang ako sa ulo, dahil sa kalutangan nila.
"Kalaban yun! Sinet-up kayo, tara na, alam ko na ang target nila ay si Connor", explain ko sakanila, at agad silang hinila, papunta sa kung saan namin sila nakita kanina, pero..... Wala na sila doon.
"Maghiwa-hiwalay tayo, para mabilis", saad ko, 'tsaka nag-lakad papunta sa bench.
At doon ko nakita sina Lucas at jai, na nag-uusap.
"Bakit ka nandito? Did you change your mind na maki-third wheel samin, dahil iniwan ka na ni Blue?', maarte na saad ni Jai.
"Pwede ba? Kahit ngayon lang tumino-tino ka muna?!", inis kong saad, habang nililibot ang paningin sa kabuuan ng lugar.
Imposibleng wala dito ang kalaban, ilang beses na akong naka-encounter ng mga ganitong patibong, pero ngayon lang ako naka-encounter ng nahulog sa patibong ng kalaban.
"What the heck are you doing here?!", inis na sabat ni Connor, pero agad ko siyang natulak, nang makita ko na may naka-tapat na laser sa batok niya.
Natamaan ako sa tagiliran, pero nagulat ako, nang bigla niya akong itulak.
"Tignan mo ang ginawa mo kay Jai! Nabaril tuloy siya, dahil sa kahibangan mo!!", galit na saad niya, tsaka pinuntahan si Jai, na may daplis sa braso.
Kasalanan ko pa? Tinulugan ko lang naman sila ah.
"What happened? Where's the enemy??", bungad na tanong ni Lucas.
"Anong nangyari kay Jai?", tanong naman ni Blue.
"Nabaril, dahil sa ka-t*ngahan ng babaeng yan", saad naman ni Conoor, below the belt naman na yata yung sinabi niya.
"Wow! Ako pa talaga?! Edi sige! Tutal ako namana ng may kasalanan, edi go! Tulangan mo yang babaeng yan, sana lang hindi ka magsisi sa huli", huling saad ko, bago umalis sa lugar na yun. Hindi ko na ininda ang tama sa tagiliran ko, dahil mas masakit ang mga sinabi niya, talagang hindi ko na kinaya.

BINABASA MO ANG
Sold by the Mafia
RomansaManiniwala ka ba kung sasabihin ko sayo na ibinenta ako ng sarili kong ina? pero ang mas nakakagulat pa rito, isang Mafia pala ang naka-bili sakin. Pero ang kapalit nito, ay mag-kukunwari ako bilang girlfriend niya. Dahil gusto niyang protektahan a...