Chapter 16

63 6 0
                                    

Hans P.O.V

Agad na binuksan ni Silver ang pinto, nang marinig naming may kumakatok.

Agad naming tinulungan si Jai, para alalayan si Connor, papunta sa kwarto niya.

Nang mai-higa na namin si Connor, ay kinausap kami ni Jai.

"Boys, sorry but, I have to go", paalam niya.

"Sige! mag-ingat ka", saad ni Silver, habang ako ay tinanguan lang siya.

"Balik nalang ako dito, bukas ng umaga", dagdag niya, bago tuluyang umalis.

Agad na pumunta si Silver, sa kwarto ni Elijah, nagtataka man, ay sumunod ako papunta sa kwarto.

"Elijah", saad ni Silver, 'tsaka tinapik ng mahina ang pisngi ni Elijah.

"Hmmm..", saad ni Elijah,' tsaka bumangon sa higaan niya.

"Bakit?", tanong niya.

"Aalis na kami ni Blue... I mean Hans, pwedeng ikaw muna ang mag-bantay kay Connor?", saad ni SIlver.

"Bakit? anong nangyari sakanya?", tanong ni Elijah.

"Lasing kasi si Connor eh", saad ni Connor, habang naka-hawak sa kaniyang batok.

"Ah, sige! ako na ang bahala sakanya", saad niya, agad naman kaming nagpa-salamat sakanya, 'tsaka umalis.

"Thankful talaga ako kay, Elijah", biglang saad ni Silver, pagkarating namin sa penthouse.

Naaawa din ako kay Connor, dahil maagang namatay ang nanay niyang si Tita Cora. Samantalang ang father-in-law niya, ay walang ibang ginawa, kundi ang kunin ang lahat ng naman ni Connor sa nanay niya.

Elijah's P.O.V

Agad akong pumunta sa harap ng kwarto ni Connor, nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako sa loob, o hindi.

Last time I checked, i'm not allowed to enter his room.

"Sorry! i'm sorry", rinig kong saad ni Connor, mula sa loob ng kwarto niya. Dahilan kaya natataranta akong pumasok sa loob.

Isa lang ang masasabi ko, madilim. Hindi na ako nag-abalang i-on ang ilaw, at agad na hinanap si Connor.

"Connor", tawag ko sa pangalan niya, napapikit nalang ako nang bigla niya akong hilain, 'tsaka ako niyakap.

"I' m sorry, baby", bulong niya, dahilan kaya tumaas ang balahibo ko, at parang kinikiliti ang tiyan ko sa kilig. Lasing lang siya elijah, hindi kayo pwede.

"Lasing ka", saad ko.

"No, i'm not drunk", pagmamatigas niya.

"Mag-pahinga ka na, lasing ka na", saad ko, habang ganoon parin ang posisyon naming dalawa. Pero laking gulat ko, nang nakawan niya ako ng halik. First kiss stealer, agad akong bumangon at humakbang paatras.

Siya yung lasing, pero bakit parang ako yata ang natamaan?

"Bahala ka nga diyan!", singhal ko, at aalis na sana, nang bigla niya akong hilain pabalik. Dahilan kaya napa-higa ako sa ibabaw niya, ano ba itong ginagawa mo sakin Connor? pinapaasa mo ako.

"Please stay with me, tonight", saad niya, napa-buntong hininga ako, mas lalo mo lang akong pinapahirapan na kalimutan ang nararamdamn ko para sayo.

"Please?", saad niya, ngayon lang ito Elijah, malay mo bukas, iba na yung gusto niyang makasama.

"Sige", saad ko, tsaka gumulong sa tabi niya.

Maaga akong nagising, habang si Connor ay tulog pa.

Pag-labas ko, ay nagulat ako, nang bumungad sakin si Blue, Silver, at Lucas.

"Natulog ka sa kwarto ni Connor?", gulat na tanong sakin ni Silver.

"Huh? hindi ah!", pagta-tanggi ko.

"Oh-kay", nang-aasar na saad ni Lucas, habang si Blue? ewan, hindi ko alam kung ano ang nasa-isip niya.

"Psh! tara na nga", saad ko, hindi pa ako kumain mag-mula kahapon, kaya magluluto ako ngayon.

Pero agad akong napa-tigil sa paglalakad, nang mapansin ko na si Blue lang ang kasama kong nag-lalakad, taka akong napa-tingin kina Silver at Lucas na naiwang nakatayo sa harap ng pinto ni Connor.

"Kakain tayo---", hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko, nang mabilis na nakababa ang dalawa, habang akmi ni Blue, ay naiwan.

"Ang tagal niyo namang bumaba, kanina pa namin kayo hinihintay", pagre-reklamo ni Silver.

"Tara na", natatawang saad ni Blue.

Pagkatapos kong mag-luto ng adobo, ay agad kong nilagay sa mangkok.

"Ang bango naman yan, Elijah", bungad na saad ni Silver, 'tsaka ako tinulungan na mag-hain ng pagkain sa mesa.

"Tara kain", saad ko, isa-isa kaming sumandok ng kanin, at nag-lagay ng ulam.

Pagkatapos naming kumain, ay saktong may kumatok sa pinto. Nag-presinta na si Blue, para buksan ang pinto.

"Hey, boys!", saad ng boses babae, sino kaya yun?

Sold by the MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon