Chapter 21

57 5 0
                                    

Elijah's POV

"Sorry", out of the blue na saad niya, dahilan kaya napatingin ako sakanya.

"Para saan?", natatawang saad ko, last time i've checked, wala siyang dahilan para mag-sorry, dahil wala naman siyang kasalanan sakin.

"Kasi na damay ka, dahil ang akala ng kalaban, ay ikaw ang girlfriend ni Connor", saad niya.

"Bakit naman ang girlfriend ni Connor, ang pinupuntirya nila?", tanong ko sakanya.

"Dahil alam nila, na yun ang kahinaan ni Connor", sagot niya.

"Pero si Jai ang girlfriend ni Connor, it means?", saad ko.

"It means.. Ginamit ka lang ni Connor, para protektahan si Jai", saad niya, napangiti naman ako ng mapait.

"Okay lang, tanggap ko na... Ako yung talo", saad ko.

"Pero para sakin, palagi kang panalo", saad niya, nagtataka naman akong napatingin sakanya.

"Para samin, pero bakit tanggap mo na agad?", pag-uulit niya.

"dahil siya yung bumili sakin sa bar, noon ibinenta ako ng sarili kong Ina, pagkatapo, nagkasundo kami na magiging peke niya akong girlfriend, pero hindi ko alam ang dahilan",kwento ko sakanya.

"Sorry", saad ulit niya, kanina pa siya nagso-sorry eh.

"Bakit?", tanong ko.

"Dahil sa, muntik na kitang mapatay, dahil sa maling akala", saad niya, habang naka-tingin sa daanan. Malapit na kami, kaya agad ko siyang tinanong kung bakit.

"Noong gabi na nakidnapped ka, ako yung tao na nakita mo, bago a mawalan ng malay, pero blinack-mail lang ako ng kalaban noon, na kung hindi ko papatayin ang girlfriend ni Connor, hihina ang grupo namin. Pero nang malaman ko na ikaw pala si Black Rose, agad akong umatras, 'tsaka sinamahan sila Connor, para tulungan ka", mahabang saad niya,' tsaka huminga.

"At mabuti nalang, ay nandoon si Yna, para tulungan ka, kaya laking pagsisisi ko noon, na nilagay kita sa kapahamakan", saad niya. Napangiti ako, na kahit siya ang dahilan, ay inamin niya naman ang side niya.

Agad akong nag-paalam sakanya, nang nasa tapat na kami ng mall.

Sold by the MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon