Elijah's POV
Pagdating namin sa simbahan, ay nag-tatakbo ako papunta sa bakanteng upuan. Habang nakasunod naman sakin sina Blue, na tumabi sakin.
Patapos na, dahil sa traffic at pag-stop ni Blue sa drive-thru, nagugutom na daw kasi siya. Haysst! kahit kailan talaga.
Agad kaming tumayo, at nilapitan si Lucas at ang asawa niya.
"Na-late kayo ah, anong ginawa niyo?", nang-aasar na saad ni Lucas, habang buhat ang anak niya.
"Woii ikaw lucas kung ano-anong iniisip mo, na miss lang akong katabi ni Elijah, kaya pinilit akong tumabi sakanya, tapos ayun, grabe pala siya katabi, nanghahawak ng abs", pasimpleng saad ni Blue, dahilan kaya napa-bilog ang mata ko.
"Hoy! anong hawak-hawak ka diyan?! ih! kilabutan ka nga, wala kang abas", sabat ko naman.
"Sus! wala daw, pero ayaw lumabas ng kwarto, para makita yung abs ko habang nag-papalit ng damit", saad niya, hindi maipinta ang mukha ko sa inis, nakakagigil talaga.
"Hoy! ang kapal",reklamo ko sakanya haha.
Nagtawanan lang kami, nang may umubo ng peke mula sa likuran ko.
"Ehem!", pekeng ubo nito, dahilan kaya napatingin kami sa taong yun. Na sana hindi ko nalang ginawa, ibang-iba na siya ngayon, lalong gumwapo, at... Ewan.
"Elijah?", gulat na tanong nito, habang hindi maka-paniwalang nakatingin sakin.
"Ikaw na ba yan? ang tagal kitang hinanap", kinakabahan na saad niya, at hahawakan na sana ako sa kamay, nang ilayo ko ang kamay ko sakanya.
"Momma, sino po siya?", tanong ni Clein, isa ito sa kinakatakutan ko, ang malaman niyang may nabuo dahil sa kababuyan niya, hindi ko alam kung itatakwil niya ang anak ko, o ilalayo niya ang anak ko sakin.
"Can we talk, privately?'', tanong nito, tumingin ako kila Lucas, at Blue, [ero tumango lang sila.
Bakit pumapayag sila na mag-usap kami ng taong ito? alam naman nila na sobrang sama ng trato niya sakin noon.
Ayoko man, ay sumama parin ako kay Connor, iniisip ko kung anong sasabihin niya.
"Elijah, i'm sorry for what i've done to you before", panimula niya, habang hawak ang kamay ko, nasa labas kami ng simbahan sa gilid, at walang katao-tao.
"Paano kita papatawarin? kung sobrang sama ng trato mo sakin noon, na muntik ng ikamatay ng....", napatigil ako sa sasabihin ko, nang marealised ko ang sinabi ko.
"Muntik mamatay? sino??", naguguluhang tanong niya sakin, walang sikreto ang hindi nabubunyag. May karapatan siyang bumawi sa anak namin.
"Muntik ikamatay ng anak,,,,, natin", saad ko, at halos mawalan ng hinga sa huli kong sinabi, dahil sumikip ang dibdib ko.
"A-anak natin? m-may anak tayo? '', gulat niyang saad, dahan-dahan naman akong tumango.
"Oh my--I'm sorry my love, s-sorry", umiiyak na saad niya, he is crying?
"Please, hayaan mo akong maka-bawi sainyo", saad niya, habang hawak ang kamay ko.
Tumingin ako sa iang direksyon, nahihirapan akong mamili. Kung hindi ko siya pag-bibigyan magmu-mukha akong selfish sa harap ng anak ko.
"Please, Elijah? kung gusto mong lumuhod ako sa harapan mo, gagawin ko", saad niya, napatingin ako sakanya nang bigla siyang lumuhod.
"You don't need too", saad ko at pinipilit ko siyang tumayo, pero ayaw niya.
"Please. Elijah? give me another chance", pagmamakaawa niya.
"Give me a one reason to give you a another chance", saad ko.
"Sasabihin ko sayo lahat ng dahilan kung bakit ko nagawa ang lahat, just give me another chance, i'm ready to risk my life to be with you again", pagmamakaawa niya, ako na siguro ang pinaka-marupok.
"Okay, sana hindi mo na sayangin ang chance na ibibigay ko, dahil huling chance mo na ito, Connor", saad ko, at itinayo siya, mula sa pagkaka-luhod.
"Thank you! promise, I will never waste the chance that you gave to me", saad niya, 'tsaka ako niyakap.
Napa-iyak naman ako dahil sa yakap na yun, for the first time, niyakap niya ako ng ganito kahigpit. Sana ay hindi mo na sayangin ang chance na binigay ko sayo, sana.......
BINABASA MO ANG
Sold by the Mafia
RomanceManiniwala ka ba, kung sasabihin ko sayo na, ibinenta ako ng sarili kong ina? pero ang mas nakakagulat ay isang mafia pala ang naka-bili sakin. Pero ang kapalit nito, ay mag-kukunwari ako bilang girlfriend niya, dahil gusto niyang protektahan ang p...