Elijah's P.O.V:
Pagbaba ko ay tulala parin ang tatlo, habang naka-tingin sakin, para naman silang naka-kita ng multo.
Unang naka-recover sa pagka-gulat, ay si Blue, na agad na nag-salita.
"You look... Stunning", hindi maka-paniwalang saad niya, ngumiti naman ako.
"Salamat", saad ko.
"Para akong naka-kita ng anghel na bumaba sa lupa", saad ni Lucas, grabe naman sa anghel na bumaba galing sa langit, bumaba lang naman ako sa hagdan haha.
"Sorry, dude! Pero nahulog na yata ako kay, Elijah", saad ni Silver, 'tsaka tinapik sa balikat si Connor, habang naka-tingin at naka-ngiti sakin.
"Tsk! Stop it, let's go, Elijah", saad ni Connor, 'tsaka niya inilahad ang kamay niya sa harapan ko, na agad ko naman hinawakan.
"Bye, Elijah!", paalam sakin ng dalawa, habang si Blue, ay ngumiti sakin ng mapait. Bakit naman parang hindi okay si Blue? ano kayang problema niya?
Habang nasa-biyahe, ay biglang nag-salita si Connor.
"Thank you!", out of the blue niyang saad, sabay halik sa kamay ko na kanina niya pa hawak.
Akala ko ba fake relationship lang ito? pero bakit ganito parin siya ka-sweet, kahit kaming dalawa lang ang magkasama.
"A-a....Wala yun", awkward na saad ko, napa-tingin ako sa kamay niya, na naka-hawak parin sa kamay ko. Hindi ko alam kung, ayaw niyang bitawan ang kamay ko, o naka-limutan niya lang na bitawan.
Aalisin ko na sana ang kamay ko, pero lalo lang niyang hinigpitan ang pag-hawak sa kamay ko.
Okay, mukhang wala nga talaga siyang balak bitawan ang kamay ko.
Nang makarating na kami sa isang restaurant, 'tsaka lang niya binitawan ang kamay ko, bago siya lumabas.
Bubuksan ko na rin sana ang pinto, nang bigla niya iyong sinarado,' tsaka niya binuksan ang pinto. Napaka-gentle man din naman pala ng taong ito.
Hindi lang halata.
"T-teka!", pigil ko sakanya, nang mag-oorder na sana siya.
"Bakit?", takang tanong niya sakin.
"Ang mahal naman ng pagkain dito", saad ko, ngumiti naman ito.
"It's okay! it's my treat", saad niya, na agad ko namang ikna-iling.
"Alam ko na, lipat nalang tayo, may alam akong lugar", saad ko, 'tsaka hinila siya palabas ng resto.
"What is this place?", tanong niya sakin.
"Food court, dito mas marami kang mabibili, at mas mura pa", saad ko sakanya.
"Tara! try natin yung barbecue", saad ko, at agad na pumunta sa pag-bilhan ng barbecue.
"Dalawa nga pong isaw", saad ko,'tsaka tumingin kay Connor, na mukhang hindi pamilyar sa mga pagkain dito.
"What's that?", tanong niya sakin, sabay turo sa dugo na barbecue.
"Dugo yan", sagot ko.
"Are you'll a vampire?", gulat na tanong niya sakin,halatang hindi pa talga nakaka-kain ng street food ang taong ito.
"Ten pesos, Neng", saad ng nag-titinda, 'tsaka inabot sakin ang pagkain.
Agad naman akong nag-bayad ng twenty pesos, kung nag-tataka kayo kung kanino galing ang pera ko, galing kay Blue, bale umutang ako sakanya ng limang daan.
"Tapos po dalawa nga po sa dugo", saad ko, para sakto na yung bayad ko.
"Tikman mo muna ito", saad ko, sabay abot sakanya ng isang stick ng isaw.
"I-ikaw?", nauutal na tanong niya.
"Huh?", tanong ko sakanya, anong sinasabi ng lalaking ito.
"I-i mean, itong zipper, titikman ko na", saad niya, tsaka kinuha ang isaw, 'tsaka kumagat ng konti.
"Zipper?", takang tanong ko.
"Oo, ito", saad niya, sabay turo sa hawak niyang isaw.
"Isaw ang tawag diyan", natatawang saad ko,'tsaka niya tinikman ang pagkain.
"Ano, masarap?", tanong ko, tumango naman siya, habang ngumu-nguya ng isaw.
"Yeah! masarap ka", bigla niyang saad, pero hindi ko narinig ang huli niyang sinabi.
"Neng, oh!", saad ng tindera, 'tsaka ibinigay sakin yung dugo na binili ko.
BINABASA MO ANG
Sold by the Mafia
RomanceManiniwala ka ba kung sasabihin ko sayo na ibinenta ako ng sarili kong ina? pero ang mas nakakagulat pa rito, isang Mafia pala ang naka-bili sakin. Pero ang kapalit nito, ay mag-kukunwari ako bilang girlfriend niya. Dahil gusto niyang protektahan a...
