Elijah's P.O.V:
Tinanghali ako ng gising, dahil ang daming tanong sakin ng tatlo, at pati pag-punta ko sa kwarto, ay sinundan pa nila ako, atsaka tinanong ko kung bakit siya natawa sa itinawag kong nickname kay Blue.
Dahil na-imagine niya daw kung anong itsura ni Blue, bilang smurf.
Buti nalang ay, pinigalan sila ni Connor, kaya natahimik ang buhay ko.
Agad akong naligo, dahil sabi ni Connor, ay pupunta kami sa Mall, para bumili ng damit o gamit.
Pag-labas ko, ay sakto rin na pag-labas ni Connor sa kwarto niya.
"Goodmorning", bati ko sakanya, dahilan kaya napatingin siya sakin.
"Morning", saad nito, at nauna ng bumaba. Sumunod naman ako, pero dumaan muna ako sa sala, para kunin ang tsinelas na sinuot ni Mr. Blue kagabi, medyo malaki ito, pero keri na toh, kesa sa heels na suot ko pa noon sa bar.
"Bakit?", tanong ko sakanya, dahil nakatingin ito sa tsinelas na suot ko.
"Nevermid, let's go", saad nito, at pumunta sa labas. Nandoon na ang kotse niya, at naka-bukas na din ang gate. Agad akong sumakay sa passenger seat, nang maka-sakay na si Connor sa driver's seat.
Buong biyahe ay tahimik lang, kaya hindi ko napansin na nakarating na kami sa mall. Agad akong lumabas, at inantay si Connor na makapag-park.
Habang nag-aantay kay Connor, ay may lumapit saking lalaki. Mukhang ka-edad ko lang.
"Hi miss, magkano ka?", naka-ngisi nitong tanong, sa inis ko, ay nasampal ko ito. Anong akala niya sakin! pick up girl?
"Aba! pa hard to get ka pa? sakin ka nalang paliligayahin kita", saad nito, at hahawakan na sana ako sa mukha, nang dumating si Connor.
"Don't try to touch her, or else I will kill you!", malamig na saad ni Connor, dahilan kaya napa-tingin sakanya ang lalaki.
"B-boss? Sorry boss", saad ng lalaki, at nag-mamadaling tumakbo palayo saamin.
"Tara na", saad niya, sabay akbay sakin. Pag-pasok namin sa loob, ay nag-simulang magbulungan ang mga tao.
Halos lahat sila ay kinikilig saming dalawa, habang may isang babae ang lumapit samin.
"Excuse me, pwede po bang magpa-picture?", maarte nitong sagot, tumingin muna sakin si Connor, ngumiti nalang ako sakanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko eh.
Tumango naman si Connor, at kinilig naman ang babae, at agad na ikinawit ang kamay nito sa braso ni Connor.
"Miss, pwedeng picturan mo kami?", saad nito, atsaka iniabot sakin ang cellphone niya. Kinuha ko naman iyon, atsaka pinicturan ang dalawa.
Pero dahil salita ng salita ang babae, ay puro bad shot ang mukha niya sa mga picture.
Nang kunin niya sakin ay cellphone niya, ay tinignan niya muna ang mga picture. At puro blurred ang mukha niya.
"Teka! Ulit--", hindi ko na siya pinatapos sa sinasabi niya, at agad hinila si Connor, paalis.
"Bye! see you next time", pahabol ko pang saad, bago kami maka-layo sa lugar na iyon.
"Saan pala tayo pupunta?", tanong ko sakanya, kung kanina ay ako ang humihila sakanya, ngayon naman, ay siya na ang humihila sakin.
"We need to buy you a clothes", saad niyo habang hawak ako sa kamay.
"Sige po, tay", saad ko, nagmu-mukha kasi akong anak niya, dahil hawak niya ako sa kamay.
"I know na bata ka pa, pero wag mo akong tatawaging tatay mo, dahil girlfriend na kita", saad nito, na ikina-gulat ko.
Hindi ako ready sa sinabi niya.
"Girlfriend daw, baka fake girlfriend", bulong ko, pero hindi ko aakalaing maririnig niya yun.
"Pwede naman nating totohanin, kung gusto mo", saad nito, gulat akong napa-tingin sakanya, dahil sa sinabi niya.
"Nevermind", saad ko, at nauna ng nag-lakad papasok sa isang clothing shop.
"You can call me daddy, if you want!", pahabol na sigaw nito, nag-simula nanamang mag-bulungan ang mga taong naka-rinig sa isinigaw ni Connor.
Napa-takip nalang ako ng mukha, dahil sa kahihiyan, gawa ng isinigaw ni Connor.
"Don't be shy, baby", bulong nito, napataas ang balahibo ko, sa sobrang smooth ng boses niya.
Bakit ko ba ito nararamdaman?, ikalma mo heart, isa lang itong fake relationship, isa lang itong palabas, sa lahat ng taong nandito.
![](https://img.wattpad.com/cover/345746759-288-k972864.jpg)
BINABASA MO ANG
Sold by the Mafia
RomansaManiniwala ka ba, kung sasabihin ko sayo na, ibinenta ako ng sarili kong ina? pero ang mas nakakagulat ay isang mafia pala ang naka-bili sakin. Pero ang kapalit nito, ay mag-kukunwari ako bilang girlfriend niya, dahil gusto niyang protektahan ang p...