Chapter 4

98 5 0
                                    

Elijah's P.O.V:

"Lalapit ka sakin o lalapit ka sakin?", nagulat ako nang mag-salita si Mr. Suarez, na nasa harapan na pala ni Mr. Blue, yung asul yug buhok.

Umiling-iling naman ako, at kumapit sa damit ni Mr. Blue.

"Puntahan mo na siya, kung gusto mo pang mabuhay", banta sakin ni Mr. Blue, pero umiling ako at napa-upo sa sahig.

"Natatakot ako", saad ko, habang nanginginig, nagulat nalang ako nang yakapin ako ni Mr. Blue.

"Shhh! don't be afraid", saad nito, pero nanginginig parin ang kamay ko.

Nagulat ako nang hawakan ni Mr. Suarez ang kamay ko, atsaka ako itinayo.

"Sorry, I just want to ask what is your name, I didn't meant to scare you", saad nito, huminga muna ako ng malalim, hanggang sa naramdaman ko na medyo kuma-kalma na ako.

Habang ang kaibigan niyang si Silver hair at si Green hair ay nag-react, habang si Mr. Blue ay naka-ngiti.

"Woah bro, is that chou?", saad ni silver hair, at prinonounce pa na chou ang you na word.

"Parang hindi ka si Connor pre! kakaiba ka, ang haba ng sinabi mo, at.. Narinig niyo ba na nag-sabi siya ng sorry mga pre? diba sabi niya wala yun sa vocabulary niya?", natatawang mahabang saad ni Green hair.

"Tapos, bumili pa ng bra bro! haha para kanino ba yun?", nang-aasar na saad ni silver hair.

Agad na uminit ang magkabila kong pisngi, dahil sa sinabi ni silver,bigla akong nahiya, kaya walang paalam na pumunta ako sa kusina.

"Sorry about that", malamig na saad ni Mr. Suarez, na sumunod pala sakin  dito sa kusina.

"Okay lang, mukha naman silang masaya kasama", saad ko, at isa lang ang masasabi ko ngayon. Awkward.

"Uhm.. Anong pangalan mo?", tanong nito sakin, tumingin namana ko sakanya.

"Elijah... Elijah Mendoza", saad ko, tumango naman ito, atsaka inilahad ang kamay sa harapan ko.

"I'm Connor Suarez, you can call me what ever you want", saad niya, atsaka nakipag-kamay sakin. Parang ang cute kung Conan ang itawag ko sakanya.

"Okay! Can I call you, Conan?", patanong na saad ko, tumango naman ito, at nag-simulang mag-timpla ng kape.

Binigay niya sakin ang nauna niyang natimplang kape, at kinuha niya ang isa pang kape.

"Punta na ako sa kwarto ko", paalam nito, tumango naman ako.

Bakit ganon? napaka-bait niyang makipag-usap sakin?

Sabagay, kailangan naming magkaroon ng closure sa isa't isa dahil, makakatulong yun sa pag-acting namin na mag-kasintahan kaming dalawa.

Pero, para saan nga ba talaga ang lahat ng iyon? Pero kung ano man ang dahilan, ay labas na ako dun.

Pumunta na ako sa sala, at nadatnan kong nanonood sila ng cartoons.

"Spong bob, square pants!", sabay na kanta ni Green, at silver hair. Habang si Mr. Blue naman, ay naiirita sa sintunadong boses ng dalawang kasama niya.

Agad akong pumunta sakanila, at naki-siksik sa sofa. At dahil ang design ng sofa dito, ay walang harang sa gilid, ay nahulog si silver hair.

Tumingin ito sakin, nang maka-tayo siya, at sinamaan ako ng tingin.

Nag-peace sign naman ako sakanya, at ngumiti.

"Sowwy", saad ko, tumango naman ito, at umupo sa parang unan na upuan.

Nag-simula na ang palabas, kaya nag-focus na doon si silver at green.

"Hi, Mr. Blue!", bati ko sa katabi ko, at kumaway sa harapan niya.

"Hi, what's your name?", tanong nito sakin,good question, dahil iyon din ang gusto kong itanong sakaniya.

"Elijah Mendoza, how about you?", tanong ko sakaniya, kina-kausap ko siya, dahil, ayokong maging awkward, kapag kasama ko sila.

"Hans Leister, Lei for short", pagpapakilala nito saakin, atsaka nakipag-kamay.

"I'm Silver", bigla namang saad ni Silver hair, habang naka-focus sa tv,

"I'm Lucas", pakilala naman ni green hair, na katabi ko. Oh-kay, kakaiba ang pangalan ni Silver.

"Uhm, Hans", tawag pansin ko sakanya, tumingin naman ito sakin.

"Hmm?", tanong nito.

"Pwedeng, Mr. Blue ang itawag ko sayo?", tanong ko, sabay kaming napa-tingin nang mabuga ni Silver ang ini-inom niyang juice.

"Clean it", biglang singit ni Connor, na kakababa lang ng hagdan,habang hawak ang tasang walang laman. Naubos niya agad ang sakanya? habang yung akin sobrang init pa.

Nang pumunta si Connor sa kusina, ay agad kinuha ni Lucas ang basahan na nasa pinto, at ibinato kay Silver.

"Paksho dude", saad nito, atsaka pinang-punas ang basahan, sa sahig kung saan natapunan ng inumin niya.

"Welcome bro", naka-ngising saad ni Lucas, bago tumingin sakin.

"By the way, Elijah. Are you single?", tanong sakin ni Lucas, mag-sasalita na sana ako, nang sumabot si Connor, na kagagaling lang sa kusina.

"Come on, Lucas, can't you see, that she is still a flat chaested child", saad nito.

"Aba, hindi mo lang ako tinawag na bata, nilait mo pa ang pagka-flat ko, kahit nakita---", napatigil ako sa pag-sasalita, at napa-takip ng bibig.

Habang ang tatlo, ay gulat na gulat na napa-tingin sakin.

"Really?", nang-aasar na saad ni Connor, na agad kong ikina-iling.

"Ang programang ito, ay rated SPG, ito'y kailangan ng patnubay, at gabay, para sa batang manonood", saad sa tv, dahilan kaya nadagdagan ang kahihiyan ko.

"Matutulog na pala ako, inaantok na ako", saad ko, at nag-lakad paalis.

Sold by the MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon