Chapter 15

64 5 0
                                    

Elijah's P.O.V

Pagkarating ko sa bahay, naabutan ko si Blue, at Silver sa sala.

"Asan si Lucas?", bungad na tanong ko kila Silver.

"Nasa-bar, opening ng bar niya eh", sagot ni Silver.

"Hindi kayo pumunta?", tanong ko sakanya.

"Kakarating lang namin, nanggaling na kami dun", sagot ni Silver, napatingin ako kay Blue, na takang naka-tingin sakin.

"Kamusta yung lakad niyo?",tanong sakin ni Blue.

"Hindi natuloy, sabi kasi sakin ni Connor, may pupuntahan siya", pagda-dahilan ko.

"Pero nagabihan ka", dagdag na saad ni Blue.

"Hmm.. Naglakad-lakad na din ako dun", sagot ko, tumango naman si Blue, pero mukhang hindi kumbinsido sa sinabi ko.

"Sige, pahinga lang ako", saad ko, 'tsaka pumunta sa kwarto ko.

Hans P.O.V

Nagtataka ako, dahil ang tamlay ni Elijah. Pero ang mas ipinag-tataka ko, bakit hindi naka-punta si Connor sa lakad niya, imposibleng dahil sa trabaho, at saan naman siya pumunta?

"Bro! pakiramdam ko, may hindi sinasabi satin si Elijah", biglang saad ni Silver, pareho pala kami ng naiisip.

"Me too", saad naman ni Lucas.

"Pakiramdam ko, may gusto si Elijah kay Connor... Ikaw Blue?", tanong sakin ni Silver.

"Bakit?", lutang na tanong ko.

"Anong feeling mo", tanong sakin ni Silver.

"Feeling ko, gusto ko si Elijah", lutang na sagot ko.

"Bro?!", gulat na saad ni SIlver.

"I-i mean, feeling ko, tama yung nasa-isip mo", saad ko, nang ma-realised ko ang nasabi ko kanina,bakit ba ako nalulutan ngayon?

Napa-tingin kami ni Silver sa cellphone namin, nang sabay itong tumunog, pag-tingin ko,, ay notification, dahil nag-post si Jai.

"Bro! is this for real?", gulat na tanong niya.

"Yeah! Jai is back", simpleng sagot ko.

"No! hindi yun, pre", saad niya, tsaka pinakita sakin ang post ni Jai.

Kasama ni Jai si Connor, at hindi lang yun, dahil magkahalikan sila sa picture.

"Alam kong hindi manloloko si Connor", saad ni SIver.

"Pero bro! kitang-kita ko sa picture, na naglo-loko si Connor", dagdag pa niya. Satingin ko parang may mali.

"Pero hindi ka ba nagtataka?", tanong ko sakanya.

"Na ano?", tanong niya.

"Na parang okay lang sakanya, na i-post ni Jai yung picture na yun", sagot ko.

"What do you mean by hat bro?", tanong niya sakin.

"Hindi naman ganon si Connor, I think... Elijah and Connor are pretending", saad ko.

"You mean?", takang tanong niya, slow talaga.

"Diba ang sabi ni Connor, ang girlfriend niya lang ang hahalikan niya? it means, girlfriend niya si Jai, dahil never hinalikan ni Connor si Elijah", pag-explain ko sakanya.

"You mean? gina-gamit lang ni Connor si Elijah, para protektahan si Jai, dahil naalala ko, ang girlfriend ni Connor ang puntirya ng mga kalaban", saad ni Silver, habang tuma-tango.

"Yes, exactly", saad ko.

"So si Elijah? wait! what if?", pabitin na saad niya.

"Ano?", tanong ko.

"What if? umalis dito si Elijah?", saad niya.

"No way!", bigla kong react, dahilan kaya gulat siyang napa-tingin sakin.

"Calm down, Bro! napag-hahalataan ka masyado", natatawang saad niya, sabay tapik sa balikat ko.

"By the way, Jai just texted me", saad niya.

"Anong sabi?", tanong ko.

"Pupunta daw siya dito, kasama niya si Connor, lasing na lasing daw", saad niya.

"Sige, antayin nalang natin", saad ko.

Sold by the MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon