Chapter 12

66 5 0
                                    

Elijah's P.O.V

Maka-lipas ang ilang minuto, ay nagkakagulo na sa labas, agad akong lumabas, at bumungas sakin sila Yna, kasama ang dalawa.

Kahit talaga kailan, hindi nahu-huli ang mga ito.

Tinulungan ko sila sa pag-baril ng mga tauhan ng lalaki, hanggang sa lumabas na ang may pakana ng lahat.

Sakto din na kararating lang ng apat na sila Blue.

"Biglaang reunion ba ito?", natatawang saad ng kalaban.

"Oo, dahil balita ko, huling pagkikita na natin ito", saad ni Silver.

"Tama! dahil paglalamayan ka namin mamaya", dagdag naman ni Yna, dahilan kaya napa-tingin sakanya si Silver.

"Hindi kayo sigurado, dahil ang babaeng ito, ang mauunang mamamatay", saad ng kalaban, tsaka ako tinutukan ng baril,

Anong akala sakin ng lalaking ito? mahina? I'm not Elijah for nothing.

Agad ko din na tinutok sakanya ang baril na hawak ko.

"Satingin mo, matatakot ako sa baril mo? haha", natatawang saad nito, napangisi naman ako, dahil hindi niya napansin na walang bala ang baril niya.

"Bibigyan kita ng pagkakataon para tumakas, pag-bilang ko ng lima, dapat wala ka na", saad ko, pero tumawa lamang ito, 'tsaka kinalabit ang baril.

Pero walang balang lumabas, ngayon, ako naman. Agad kong ikinasa ang baril, pero nang itutok ko ito sakanya, ay naka-alis na siya.

Nang mawala na ang mga kalaban, ay agad akong humarap kay Yna, na naka-ngiting naka-tingin sakin. Agad kong binato sakanya ang hawak kong baril, 'tsaka napa-tingin kay Connor, na may nagta-takang tingin.

Sigurado akong, marami nanaman silang tatanungin sakin, pag-dating sa bahay.

"Una na ako", paalam ko kila Yna.

"Hatid na kita", saad ni Felix, mag-sasalita na sana ako, nang biglang sumingit si Connor.

"No need, bro! Sabay kaming uuwi sa bahay", sabat ni Connor.

"Kaano-ano ka ba niya?", tanong naman ni Felix.

"Boyfriend niya ako, bakit? may problema?", saad niya, pero hinid nag-salita si Felix, at umalis nalang, sumunod naman si Miguel, at yna sakanya. Pero nag-paalam muna sakin si Yna, bago sumunod na umalis.

Agad na din kaming umuwi, pero imbes na sa kotse ako ni Connor sumakay, ay sa kotse ni Blue ako sumakay.

Sold by the MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon