Chapter 11

71 5 0
                                    

Elijah's P.O.V

Nang makarating ako sa kusina, ay wala namang tao. Aalis na sana ako, nang pag-tingin ko, ay may lalaking naka-itim ang biglang nag-takip ng bibig at ilong ko, gamit ang panyo.

Nagising ako sa isang warehouse, medyo sumakit ng konti ang ulo ko, pero maka-lipas ang ilang minuto, ay nawala din, dahil ito sa lalaking nag-paamoy sakin ng panyo kanina, teka! sino na ulit yun?

Napatingin ako sa pinto, nang pumasok ang isang lalaking naka-itim, siguro siya yung lalaking pumasok sa bahay kanina.

"Kita mo nga naman, ang dali talagang paikutin ang mga taong yun", saad nito, 'tsaka may tinawagan sa cellphone nito.

"Hayop ka! huwag mong idamay si, Elijah!", rinig kong sigaw ni Silver, mula sa kabilang linya.

"Kung hindi kayo pupunta dito, papatayin ko ang babaeng ito", banta ng lalaki.

"Huwag kayong pumunta dito!", saad ko, pero bigla nalamng nagpa-putok ng baril ang lalaki.

"Alam niyo na kung nasaan ako, Connor", huling saad niya, bago putulin ang linya.

"Huwag kang tatakas", saad ng lalaki, 'tsaka umalis.

Nang maka-labas na siya, ay agad akong nag-hanap ng kung ano-anong patalim, na pwedeng gamitin na pang putol ng tali. Pero malas ko lang, dahil wala akong nahanap.

Inikot-ikot ko ang tali sa kamay ko, swerte ko, dahil hindi mahigpit ang pagkakatali, dahilan kaya natanggal ko agad ang tali sa kamay ko. Sunod kong tinanggal, ay ang tali sa paa ko.

Pero saktong pag-tanggal ko ng dali sa paa ko, ay may pumasok na lalaki, mabuti nalang ay nai-patong ko ang tali sa paa ko.

"Hi miss!", bungad na saad ng lalaki.

"HI", balik na bati ko, magagamit ko ang lalaking ito.

"Sarap mo naman, miss", saad niya, yuck!

Nang maka-lapit siya, ay agad kong sinuntok ang mukha niya, 'tsaka kinuha ang baril sa likuran niya.

Agad ko iyong itinutok sakanya, nang may dumating ulit na isang lalaki, agad itong naalerto, nang makita nitong may hawak akong baril. Agad ko itong binaril, at sinunod kong binaril ang naunang lalaki kanina.

Agad kong kinuha ang cellphone ng lalaking sinuntok ko, 'tsaka tinawagan ang kaibigan ko.

"Hello? who' s this?", rinig kong tanong ni Yna.

"Si black rose ito, I need back up", saad ko, 'tsaka in-on ang location ng cellphone.

Sold by the MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon