Chapter 32

62 6 0
                                    

Elijah's Pov

Kasalukuyan kong binibihisan si Clein, habang si Blue naman ay naliligo pa. Kanina pa ako naka-bihis, pero nag-mamadali kami ngayon, hindi naman kasi sinabi ni Lucas na ngayon na pala yung binyag.

"Blue! bilisan mo, yung damit mo naka-hanger na dito--ayy!", napa-sigaw ako sa gulat, nang pag-harap ko, ay sobrang lapit niya na pala sakin.

Nabalik ako sa sarili ko, nang ngumiti siya ng nakakaloko.

"Nainlove ka na ba sakin? haha", natatawang saad niya, agad ko naman siyang binatukan.

"Baliw ka talaga, mag-bihis ka na nga, mal-late na tayo'', saad ko, habang naka-ngiti.

"Bakit ka naka-ngiti? di na-inlove, pero kinikilig sakin, asus", natatawang saad niya, tsaka nag-bihis.

"Gusto mo pa yata makita itong abs ko, kaya ka naka-harap sakin eh", nakangiting saad niya, ang lakas nito mang-asar ngayon ah.

"Lalabas na", irap kong saad,at agad naman akong lumabas dala si Clein, baka kung ano nanamang kahanginan ang isipin niya.

"Momma, do you love, daddy?", tanong ni Clein, natulala naman ako sa tanong niya. Sinong daddy kaya ang tinutukoy niya? si Blue, o yung totoong.... Tatay niya?

"Of course naman baby, I love your daddy", sagot ko, napatingin ako sa mahangin na taong lumabas sa kwarto.

"Talaga? you love me?", saad niya, habang naka-ngiti.

"Psh! hangin", saad ko naman, habang pinipilit na pigilan ang pag-ngiti.

"Ikaw ah, may hidden desire ka pala sakin, dapat sinabi mo agad sakin", nang-aasar na saad niya pa.

"Diba? baby, Clein?", dagdag niya pa, aba nag-hanap pa ng kakampi.

"Wala", saad ko.

"Asus! dapat hindi ka nag-sisinungaling, sabihin mo nga baby Clein, kung ano ang tinuro ko sayo", saad ni Blue, dahilan kaya taka akong napa-tingin kay CLein, ano naman kaya ang tinuro ng lalaking ito, kay Clein?

"Kasi po momma, bad ang nag-sisinungaling, kaya tell daddy Blue, na gusto mo po siya", saad nito, jusme! anak ko ba ito? bakit alam niya na ito, sinamaan ko naman ng tingin si Blue.

"Ohh! chill! si baby Clein na ang nag-sabi", nang-aasar na saad niya, agad ko naman sakanyang pina-buhat si Clein.

"Oh, bakit?", tanong niya.

"Mag-sama kayong dalawa, bahala kayo diyan", saad ko, haynako! talagang late na kami, dahil sa mga sinasabi nila.

Agad akong sumakay sa kotse, nang ma-realised ko na si Blue pala ang magd-drive at nasa-kanya ang susi.

"Dalian niyo!", nag-mamadaling saad ko.

Sold by the MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon