Chapter 22

57 6 0
                                    

Hans POV

Itinigil ko sa gilid ang kotse ko, nang tumigil ang kotse ni Lucas. Paglabas ni Elijah sa kotse ni Lucas, ay mabilis na umalis si Lucas.

Agad kong sinundan si Lucas, bakit ba ang bilis niya magpatakbo?

Sa sobrang bilis niya, ay hindi ko na siya nasundan, kaya dumiretso nalang kami ni Silver sa penthouse namin.

Elijah's POV

Paglabas ko sa kotse niya, ay agad akong pumasok sa mall.

Nagikot-ikot nalang muna ako, hanggang sa mapadaan ako sa national book store, kaya pumasok muna ako doon, at nag-tingin ng mga libro, kaso pagtingin ko sa presyo ng gusto kong libro, umalis nalang ako.

Ang mahal pala ng gusto kong libro, bakit kaya ganon? kahit hawak mo na, handa mo parin itong bitawan, dahil hindi mo kayang kunin, parang siya.

Hayst! ano ba itong mga sinasabi ko, pumunta nalang muna ako sa mang inasal, unli rice eh, pagkatapos kong mag-order ay kumain na ako, tutal may cr naman dito, ay nag-kamay nalang ako.

Habang kumakain, ay nakita ko na, kada may papasok dito na mga lalaki, napapatingin agad sakin. Hinayaan ko nalang, baka ngayon lang sila naka-kita ng nagkakamay babae.

Pinag-patuloy ko nalang ang pag-kain, hanggang sa matapos na ako. Agad akong pumunta sa cr, para mag-hugas ng kamay, bago ako umalis, ay napa-tingin pa ako sa babaeng nagre-retouch, dahil grabe ito maka-tingin sakin.

Hinayaan ko nalang, at nag-lakad-lakad nalang ulit ako papunta sa labas ng mall, hanggang sa makita ko ang Reese Coffee Shop, sino kaya ang may-ari nito?

Agad akong pumasok, at as usual, bumungad sakin ang mabangong amoy sa loob.

Sold by the MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon