Elijah's POV
"What did you say, Jai?", tanong sakanya ni lucas, seryoso niya ngayon ah.
"Ipapatikim ko kay Connor yung niluto ko", pag-uulit niya sa sinabi niya.
"Isa sa pinaka-ayaw ni Lucas, yung sinungaling, kaya siya ganyan", bulong sakin ni Silver.
"Bye boys! punta lang kaming kitchen", paalam niya, 'tsaka naglakad papunta sa kusina.
"Ibang-iba na talaga si Jai", saad ni Lucas.
"Baka na-miss lang niya si Connor", pag-tatanggol ni Silver.
"Na-miss, na handang agawin ang ginawa ni Elijah!", inis na saad ni Lucas.
Pinag-patuloy na namin ang panonood ng t.v,nang biglang dumating sina Jai at Connor.
"Tara babe, manood tayo ng movie", rinig kong saad ni Jai, 'tsaka pumunta sa harapan ko.
"Sure! by the way, you' re a good cook", saad ni Connor.
"Ang galing mo daw mag-luto", bulong sakin ni Lucas.
"Pwedeng lumipat ka muna sa sahig, Elijah? kasi dito kami uupo ng BOYFRIEND ko", saad niya, at in-emphasised pa ang salitang boyfriend.
"Tumingin naman ako kay Blue, umiling ito, pero mas pinili ko nalang umalis, para walang gulo.
Napatingin pa ako kay Connor, nang makita ko siyang naka-tingin sakin, pero agad din siyang umiwas ng tingin sakin. Hayst! aasa ka parin ba Elijah? aasa ka parin, kahit may girlfriend siyang tunay?
Hans POV
Naoatingin ako sa pinto, kung saan lumabas si Elijah.
"Bro! can we talk?", biglang saad ni Lucas, siguro nakita niya rin ang reaction ni Elijah, halata naman kasing nag-seselos si Elijah, dahil yung tingin palang niya. Pero bakit, wala siyang ginawa, nang akuhin ni Jai lahat ng pinag-hirapan niya?
At kaming tatlo-i mean kami ni SIlver ay walang nagawa, dahil kaibigan din namin si Jai, pero si Lucas, meron, dahil ayaw na ayaw niya sa lahat, ay ang sinungaling.
"Privately", dagdag ni Lucas, pero hindi parin umaalis si Jai.
"Sorry Lucas, pero pwede ba na huwag mong sirain yung bonding namin ngayon?", sabat ni Jai.
"Hindi ko naman sisirain, kakausapin ko lang", saad naman ni Lucas.
"Alam ko kung anong sasabihin mo sakanya!", inis na saad ni Jai.
"Then? bakit parang takot ka?", tanong ni Lucas.
"Wala akong pake! let's go Connor", saad ni Jai, 'tsaka lumabas ng bahay. Bakit parang robot lang itong si Connor, tuwing nandito si Jai?
BINABASA MO ANG
Sold by the Mafia
عاطفيةManiniwala ka ba, kung sasabihin ko sayo na, ibinenta ako ng sarili kong ina? pero ang mas nakakagulat ay isang mafia pala ang naka-bili sakin. Pero ang kapalit nito, ay mag-kukunwari ako bilang girlfriend niya, dahil gusto niyang protektahan ang p...