Chapter 34

121 7 0
                                    

Elijah's P.O.V

I miss this house, saad ko sa isipan ko nang makarating kami sa bahay ni Connor. Walang nagbago sa bahay niya, ganon na ganon parin ang itsura.

"Wait lang umupo muna kayo, magluluto lang ako", saad ni Connor, tumango naman ako bago kami umupo sa sofa dito sa sala.

Habang ang anak naman namin ay sumama sakanya, hinayaan ko nalang sila para makapag-bonding silang mag-ama. I can't believe na pagkatapos ng paglayo ko sakanya, sakanya din lang pala ako magi-stay.

Nagpaalam na ako kay Blue kanina, naiyak pa ako nang magpaalam ako sakanya kanina. Kasi what if? Hindi na kami ulit mag-kita, pero sabi niya dadalawin niya naman daw kami dito paminsan minsan.

Sa sobrang tagal ng mag-ama, ay hindi ko namalayang naka-tulog na pala ako. Ginising naman ako ng mag-ama ko para kumain, ang saya lang na kahit ngayon palang sila nagkita, ay parang matagal na silang magkakikala.

Pagkatapos naming kumain, ay bumalik ang sa sala, habang ang mag-ama naman ay naiwan sa kusina, at ewan ko kung bakit nag-luluto pa sila.

Ang sarap sa pakiramdam na malinaw na sakin ang lahat, ang buong akala ko ay ang pagmomoved-on ang susi para makalimutan ang lahat ng sakit yun pala ay kailangan lang namin mag-usap para malinawan kami. Yes napatawad ko na si Connor, at lahat ng away namin o hindi namin pagkakaintindihan, ay misunderstanding lang.

Kwinento na sakin lahat ni Connor, kung bakit naging magulo ang buhay namin, at dahil yun kay Jai.

Siniraan ako ni Jai, at sinabi niya na may nangyari samin ni Blue, kahit wala naman. Nainis lang ako na pinaniwalaan niya si Jai, pero sinabi niya sakin na ako parin ang mahal niya, dahil blinack mail lang siya ni Jai, oo noong una ayoko din maniwala, pero ang sabi ni Jai kay Connor noon ay buntis siya, at si Connor ang ama,at ang sabi niya ay magpapakamatay siya, kapag pinili niya ako,pero ang sabi sakin ni Connor, ay walang nangyari sakanila, pero isang beses ay nalasing siya, at hindi niya alam ang nangyari noong gabing iyon.

Pero nalaman niya din na hindi talaga buntis si Jai, dahil nahuli niya ito na nakipag-kita sa isang lalaki, rinig na rinig niya kung paano niya pilitin ang lalaki para buntisin siya, pero hindi natuloy ang plano niya.

Nang malaman niya yun noon, sobra daw ang pagsisisi niya, dahil nasaktan niya ako, dahil sa kasinungalingan  ni Jai, hindi ko din naman siya masisisi, syempre kung malaman mong may anak ka, dapat panagutan mo.

Pero noong araw na nalaman niya na buntis si Jai, ay dinala niya ako sa malayo, at dahil nagse-selos din siya dahil puro ako Blue, paano ba namang hindi Blue ang bukang-bibig ko, eh si Blue lang naman ang mabait sakin,'tsaka sabi niya bawal akong mahulog sakana, tapos siya pala itong nahulog sakin.

Natigil ako sa pag-alala ng mga sinabi ni Connor, nang biglang tawagin ako ni Yna.

"Elijah!", tawag sakin ni Yna, dahilan kaya napatingin ako sakanya.

"Anong meron? bakit nandito kayong lahat?", tanong ko, dahil talagang nandito silang lahat, well-bukod kay Connor at sa anak ko na nasa kusina.

"Hindi mo ba alam?", tanong ni Blue, kinabahan naman ako bigla.

"Ang alin?", tanong ko, pero yung mga mukha nila, parang kinakabahan na ewan. Ano ba talagang meron?

"May picnic tayo, doon sa likod ng bahayniyo, sabi ng asawa mo--I mean sabi ni Connor", saad ni Blue, huh? bakit hindi ko alam yun? at bakit ako kinakabahan ngayon? parang may mangyayari.

"Tara na, at nandoon na sina Connor, at ang inaanak ko", aya sakin ni Yna, 'tsaka ako hinawakan sa kamay,maglalakad na sana kami nang biglang tumigil sa paglalakad si Felix na nasa-unahan namin, dahilan kaya napatigil din kami.

"Wait lang pala! kailangan naka-blindfold si Elijah, kasi nga diba dapat surprise", saad ni Felix, napa-tango naman silang lahat, bago kinuha ang panyo ni Blue na ipinang-takip sa mata ko.

"Huwag niyo akong taguan ah", saad ko, habang naka-hawak parin sa kamay ni Yna.

Dahan-dahan lang akong nag-lakad, hanggang sa tumigil kami sa paglalakad, at dahan-dahan na tinanggal ni Yna ang naka-takip sa mata ko.

Ang una kong nakita ay si Connor na nakaluhod, sunod ay napatingin ako sa tarpaulin na naka-sabit sa dalawang puno, noong una ay hindi ko pa mabasa, dahil medyo malabo. Pero nang maka-adjust na ang paningin ko, ay lumabo nanaman dahil sa luha ko.

"Elijah, my love, soon to be wife, marry me", saad nito, dahilan kaya nag-tawanan ang mga kasama namin, at pati ako ay napa-tawa habang umiiyak. Hindi naman kasi tanong yun eh, parang inuutusan niya ako.

"I-i mean, will you marra me", kinakabahan na saad niya, habang naka-tingin sakin. Nilibot ko ang paningin ko, at naka-abang silang lahat sa sasabihin ko.

"No", sagot ko, dahilan kaya nagsi-react sialng lahat, at isa na din si Connor.

"Why?", malungkot na tanong ni Connor.

"It's a prank! yes kasi", natatawang saad ko, kung makikita niyo lang yung reaction niya, napaka-priceless.

"Yownn! it's a yes! Magpapainom na yan", biglang react ni Silver, habang si Lucas at Blue naman ay nakangiti.

Agad namang sinuot sakin ni Connor ang sing-sing, bago ako yaapin ng mahigpit.

"Prinank mo pa ako, akala ko kung ayaw mo sakin, pero dahil diyan, you willl face the consequence love", bulong nito sakin.

"Mabubusog ka ng nine months, pagnaka-uwi na sila", dagdag nito.

"Parang kaya mo naman, kung gagawin mo yan, baka mamaya hindi ako maka-punta sa kasal natin noh", react ko naman.

"Huwag niyong unahin ang honey moon guys, baka madagdagan ang inaanak ko ng di-oras", singit ni Yna.

"Sus! iisa lang naman inaanak mo, 'tsaka kung ayaw mo ng inaanak, gawa nalang tayo ng magiging inaanak nila", kumikindat na saad ni Felix kay Yna, okay mukhang nag-sisimula na nga ang love story nilang dalawa.

"I love you, Connor", saad ko, habang nasa-simbahan kami.

"I love you too, Elijah", saad naman ni Connor.

Hindi pa kami kina-kasal, next week pa, nag-simba lang kami para magpa-blessing kay lord, at mag-thank you dahil okay na ang lahat, at kami parin ni Connor ang nagkatuluyan.

Sold by the MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon