Chapter 14

65 6 0
                                    

Elijah's P.O.V

Maaga akong nagising, dahil sinabi sakin ni Connor, na may pupuntahan daw kami.

Pagkatapos kong maligo, ay nag-bihis ako agad. Black pants, white t-shirt, at white shoes. Nang mag-sawa akong tignan ang kabuuan ko sa salamin, ay bumaba na ako.

"Woah! ang cool mo tignan, Elijah", bungad na saad ni Silver.

"Hindi naman, nasan pala si Connor?", tanong ko sakanila, nagtataka namang tumingin sakin si Lucas.

"May pupuntahan kayo?", tanong sakin ni Lucas, tumango naman ako,sakto na kadarating lang ni Connor.

"Saan?", tanong ulit ni Lucas, inginuso ko naman si Connor.

"Tanong niyo siya", saad ko.

"Secret", saad ni Connor.

"Can we talk?", tanong sakin ni Connor, tumango naman ako.

"In private", saad niya, agad namang lumabas ng bahay ang tatlo.

"Yung pupuntahan natin, ay sa Reese Coffee shop", saad niya, tumango naman ako.

"Yun lang?", tanong ko, bakit niya pa pina-alis ang tatlo, yun lang pala ang sasabihin niya?

Sasagot palang sana si Connor, nang tumunog ang cellphone niya, hudyat na may nag-text sakanya.

"Mauna ka na, may gagawin lang ako sandali sa kumpanya, sunod din ako agad", saad niya, tumango naman ako, 'tsaka nauna nang lumbas, pero pag-bukas ko ng pinto, ay biglang natumba si Silver, na naka-sandal pala sa pinto.

"Walang swimming pool dito, bro!", natatawang saad ni Lucas.

"Psh! bahala nga kayo diyan", saad niya,'tsaka pumunta sa sala.

"Anyare dun?", tanong ko.

"May chismoso kasi na idinikit ang mukha sa pinto", natatawang saad ni Lucas, habang si Blue ay naka-ngiti.

Pagkatapos naming pag-tawanan si Silver, ay nag-paalam na ako sakanila, na mauna na ako.

Pumara nalang ako ng taxi, para mabilis akong makarating sa shop.

Ilang minuto na akong nandito sa taxi, naabutan kami ng traffic, may kotse kasi kanina na ine-eskortan ng mga police.

Sawakas ay nakarating na ako sa shop, medyo mainit din kasi kanina, buti nalang ay may aircon ang shop na ito.

Bumili muna ako ng best seller nilang Reese Coffee, may kamahalan lang dito, dahil two hundred pesos ang pinaka-murang kape na tinitinda nila.

Agad akong umupo, at uminom ng kape.

Lumipas ang ilang minuto, ay napatingin ako sa wall clock ng shop, dahil wala pa si Connor. Siguro marami lang siyang ginagawa.

Balak ko sanang ipag-tapat na gusto ko siya, kaso pinapangunahan ako ng kaba, dahil sa deal naming dalawa.

Hindi naman kasi bato itong puso ko, para hindi mahulog sa isang Connor Suarez na yun.

Lumipas ang ilang oras, at hapon na, pero wala parin siya, hindi ko alam kung marami ba siyang ginagawa, o baka na-traffic lang.

Pagabi na nang biglang tumunog ang cellphon ko, pagtingin ko, ay hindi ko kilala kung sino ang nag-chat sakin.

Pinindot ko iyon, at may isang message siya, at isang video.

"Huwag ka ng umasang darating siya, dahil dumating ang girlfriend niya", basa ko sa chat, sino naman kaya itong nag-chat? Isa ba ito sa mga nangp-prank?

May girlfriend siya?

Pinanood ko ang video na sinend ng anonymous sender na yun, at doon nag-simulang tumulo ang luha ko. Pinapunta ba ako dito ni Connor, para ipa-mukha sakin na hindi pwedeng maging kami?

Nakita ko sa video si Connor, may kahalikan na babae, sabagay, maganda yung babae. Itsura palang ay talo na ako,hindi ko na kayang patapusin ang video, kaya agad kong pinatay ang cellphone ko.

Pinunasan ko ang luha ko, 'tsaka umalis sa shop.

Sold by the MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon