CAPITULUS UNUS

247 7 5
                                    


Marian's POV

Malakas ang ulan halos magtumbahan Ang mga Puno sa lakas ng hangin. Parang may kung anong bagyo ang dadating. Napakalamig ng buong paligid. Halos bahain na rin ang aking munting taniman. Nagulat ako ng may matanawan akong malaking bulto ng tao o masmasasabi kong halimaw.

Unti-unti itong lumapit sa pinto ng Kubo ko. Panginoon ko! Nanlaki ang mga mata ko .

"Belphegor?!" Siya ang Demonyong kumuha sa anak ko. Pero hindi ako Galit sa kanya alam kong malayang sumama sa kanya ang anak ko.

Nakatitig lamang ito sa akin. Basang basa siya ng ulan. Natatakpan ng mahabang Kapa niya ang kanyang katawan.

"Bakit andito ka? Asan ang anak ko?" Hindi ito sumagot kaya sinilip ko ang  likurang bahagi nito ngunit wala itong ibang kasama. Tanging madilim na tanawin lamang hanggang sa may umiiyak. Isang sanggol?!

Napatitig ako kay Belphegor. Marahan niyang inalis ang pakakatakip ng Kapa sa harapan niya at nakita ko ang Isang sanggol na may napakagandang mukha. Kamukha siya ng anak kong si Monica.

Napahawak ako sa bibig ko sa pagkabigla nanganak na ang anak ko pero nasaan siya. Bakit hindi siya kasama ni Belphegor. Iniabot nito sa akin ang sanggol na siya namang kinalong ko ng buong puso.

"N-nasaan ang anak ko."  Para akong nabulunan sa sarili kong tanong umaasa akong makita ko man lang siya.

"Wala na po siya..."  Malungkot na wika nito.

Matagal bago rumehistro sa utak ko ang sinabi ni Belphegor. Alam kong hindi niya kayang saktan ang anak ko kahit Demonyo pa siya. Ramdam ko ang malalim niyang pagmamahal para kay Monica. Hinagkan ko ang kaisa-isa kong Apo. Hindi na ako nagtanong pa kay Belphegor naunawaan ko naman. Lahat nang bagay sa Mundo may katapusan pero may bago ding simula. At ang batang kalong ko ngayon ang bago kong simula mamahalin ko siya gaya ng kanyang Ina.

"Ang ganda niya Belphegor. Anong pangalan niya?"

"Roseta Belpepper. Si Monica ang nagbigay sa kanya ng pangalang yon."

"Talaga? So magiging Belpepper pala ang apilyedo ng Apo ko."  Dinuyan-duyan ko pa ito sa mga braso ko.

"Oho. Yun ho kasi ang madalas itawag sa akin ni Monica. Wag ho kayong mag-alala si Roseta ay anak ko kaya hindi kayo maghihirap na mag-Lola hanggang sa lumaki siya at magdalaga. Hindi ko ho siya kayang alagaan pero hindi ibig sabihin nun ay pababayaan ko na siya. Babalik balikan ko ho kayo dito."

Tumango ako.

Hinagkan muna nito ang kanyang anak bago ito umatras at maglaho sa gitna ng malakas na ulan.

Pinagmasdan ko si Roseta. Siya ang Buhay na alaala ng kanyang Ina, iingatan at mamahalin ko siya tulad nang ginawa ko kay Monica.

***

Amie's POV

"ANONG NANGYARI KAY MONETTE!" nagsisisigaw ako habang itinatakbo namin siya sa Emergency room ng Ospital na pinagtatrabauhan namin.

"Hindi ko alam Amie. Basta na lang siyang tumumba nung nag-umpisang bumuhos ang malakas na ulan." hingal na sagot ni Malou kapwa namin Nurse sa Royale Hospital.

Hindi na kami pinayagan pangmakapasok sa loob ng Emergency room.

"Sabihin mo nga Malou nabagok ba siya?". nag-aalalang tanong ko.

"Hindi ko alam basta malakas kasi ang pagkakabagsak niya. Nagulat kaming lahat doon sa Nurse Station kaya itinakbo na namin siya sa E.R."

Nagpalakadlakad ako pabalik balik sa harap ng pinto ng E.R. mga ilang minuto pa at bumukas ang pinto inilabas nila si Monette. Kasalukuyan siyang walang malay. Nilipat siya sa isang private room tutal privilege namin yon bilang employee ng Ospital. Sinundan namin sila hanggang tuluyan ng maihiga sa kama si Monette."

RosetaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon