(Lian Blue POV)
"Bakit magkasama naman kayo?" madiin nitong sabi.
Hay, naku! Ito na naman siya.
Binigyan ko lang siya ng napapagod na tingin bilang tugon sa tanong niya. Sa tuwing nagkikita kami ay puro diskusyon at away nalang. Nakakasawa at nakakapagod na!
Hinawakan niya ako sa braso pero hindi iyon tulad ng nararamdaman ko noon sa mga hawak niya na parang haplos nang purong pagmamahal kundi marahas na hawak na mas lalong nagpainis sa akin.
"Ganito nalang ba tayo palagi? Ha?" Pagod na sambit ko. "Kahit ngayon lang Brandon, pagod na pagod ako sa school at dadagdag ka pa."
"Pagod? Sa school?" Sarkastikong tumawa siya. "Kanina nga parang ang saya saya mo habang kasama siya. Bakit kapag ako ang kasama mo ganito ka?"
Naiinis na hinablot ko ang braso ko at tangkang tatalikuran na sana siya nang mabilis niya akong hawakan sa magkabilang balikat ko para iharap sa kanya.
"Ano? Kaya ba gustong- gusto mo ng makipag - break sa akin dahil may iba ka na? KAYO NA BA HA?" Galit na sabi niya. Habang marahas na hinahawakan ang magkabilang balikat ko. "Ano ba Brandon!" tulak ko sa kanya pero mas lalo niya lang hinigpitan ang hawak niya sa balikat ko.
Sawang-sawa na ako sa ganito. Palagi nalang kaming nagkakasakitan kaya gusto ko nang makipagkalas. Pero hindi siya pumapayag kaya palaging ganito ang eksena namin. He's so possessive to the point that he wanted me to obey all his roles which made me hate him. Ayaw niyang makisalamuha ako sa ibang lalaki ni makipag-usap kahit kakaklase ko pa. He wanted me to be all his, that my world is only him alone. Pero kahit anong paliwanag ko na may mga bagay na dapat naming gawin na mag-isa at magkahiwalay ay hindi niya maintindihan. Kaya narin siguro habang tumatagal ang relasyon namin unti-unti akong nawawalan ng gana. Noon, aminado akong nagustuhan ko siya dahil sa pagiging teritoryal niya. Noon una, kinikilig ako dahil alam kong ako lang talaga ang gusto niya kaya ganon siya ka possessive pero habang tumatagal nakakasakal at nakakairita. Minsan wala na sa punto ang gusto niya. Tulad nalang kanina, gusto niya kasi talagang masundo ako sa school at ihatid sa Dorm ko kaya nakita niya na naman kami ni Tyrone na magkasamang dalawa which is dapat talagang magkasama kami ni Tyrone kasi gumagawa kami ng aming Business Plan sa isang major subject namin at alam niya iyon pero nagagalit parin siya tuwing ganito ang eksena.
"Sabihin mo nalang kasi sa Professor mo na iba nalang ang kapartner mo at iyong babae." Medyo mahina na sabi niya sabay ng pagpapa-amo ng mukha niya. Mabilis akong napailing na siyang nagpabalik sa kaninang galit nito.
"You're out of your mind. Anong sasabihin ko, na gusto kong palitan si Tyrone dahil nagseselos ang Boyfriend ko. Ganun?" Naiiritang sabi ko. "It's unreasonable and unprofessional Brandon at alam mo iyan as an aspiring Businessman."
"Talaga bang iyan ang rason o gusto mo naman talagang siya ang partner mo. Baka nga your Prof just gave you the privileges to choose your partner and you happily chose him." Mabilis akong nairap sa sinabi niya. "Diba tama ako?" Sabay yugyog sa balikat ko.
"Ano ba, it's nonsense! Gusto ko nang umuwi." Tulak ko sa kanya pero wala parin.
"Brandon, just leave me alone! I'm exhausted with this topic. Paulit-ulit nalang!"mahina pero madiin kong sabi. Ayoko ng sumigaw o magtaray dahil punong-puno na ako sa araw na ito. PAGOD na ako.
Inilapit niya ako sa kanya kaya nagkalapit ang mukha namin sa isa't-isa. Agad ko namang binaling ang mukha ko sa ibang direksyon para umiwas sa kung ano man ang gustong niyang gawin. Narinig ko ang buntong-hininga niya.
BINABASA MO ANG
You are my Possession
Romance"Too much love will kill you" sabi nga sa kanta. Pero masisi mo ba ang isang tao kung nagmamahal lang siya ng sobra - sobra, to the point na kaya niyang gawin ang lahat makasama at mahalin din siya tulad ng sobrang pagmamahal niya? Masarap mahalin...