Chapter 14

97 3 1
                                    

"Hubby ko." Tiningnan niya ako gamit ang inaantok niyang mata.

Pasado alas nuwebe na pero hindi parin kami natutulog. Nakasanayan na kasi naming matulog ng sabay kaya kapag hindi pa natutulog ang isa sa amin pareho kaming hindi pa matutulog.

May tinatapos pa kasi siya sa laptop niya.

Sabi kasi niya kailangan daw niya itong tapusin ngayon kasi bukas daw ang deadline nito.

Ito daw ang trabaho niya. May business daw kasi siyang naiwan sa Manila at sa tulong ng laptop lang niya itong nagagawa.

"Gusto mo na bang matulog?" umiling ako.

"May tanong lang ako." Bumaling muli ito sa laptop niya at ginawa ulit ang ginawa niya kanina.

"Go ahead." Habang busy sa pagta-type.

"Ano yung Honeymoon?" kaswal na tanong ko sa kanya. Dito kasi sa binabasa kong librong twilight na may subtitle na Breaking dawn ay pagkatapos ikasal si Bella at si Edward ay pumunta sila sa isang magandang lugar kung saan sila magha-honeymoon.

Gulat na napabaling siya sa akin. "Bakit? Ano ba iyon? Dito kasi sa libro nag-honeymoon sila Bella at Edward pagkatapos nilang ikasal. Iyon ba yung pumunta sa ibang place?"

Parang hindi makapaniwalang napailing ito habang tinitingnan ako.

Ini-off muna niya ang laptop bago pumunta sa akin kaya napangisi ako.

"Matutulog na tayo?"

"Hindi pa, diba? Dahil bubugbugin mo na naman ako sa mga tanong mo." Pinisil niya ang pisngi ko at mabilis niya akong hinalikan.

"Higa kana rito. Dali!" pangungulit ko. Humiga naman siya pagkatapos ay pinaunan niya sa akin ang dibdib niya habang yakap ang bewang ko.

"Ano iyong Honeymoon?"

Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita.

"Iyon yung ginagawa ng bagong kasal.   . ."

"Pumupunta sa  magandang lugar?" putol ko sa sasabihin niya.

"Pwede rin at pwede ring sa bahay lang sila."

"Tulad natin?" tumango siya.

"Ah, so anong ginagawa nila pagnagha-honeymoon."

Marahan niya akong tiningnan at mabilis na umiling habang ngumingisi.

"Para talaga akong nagtuturo sa isang bata."

"Diba, Baby mo nga ako." Mahina siyang tumawa. "Tayo ba ay nag-honeymoon?" dagdag ko pa.

Mas lalo siyang natawa. "Gusto mo bang magha-honeymoon?" natatawang sabi niya.

Tumango ako na mas lalong nagpatawa sa kanya.

"Gusto ko sa ibang lugar. Doon sa may magandang tanawin." Mahigpit niya akong niyakap. "Okay, gusto mo bukas agad?"

Tumawa ako. "Bukas agad? Saan naman tayo?"

"Hmmm." Nag-isip muna siya bago nagsalita. "I want to go to Japan. That's one of our dreams. To go to Japan together and to see and play with the snow." Nakingiting sabi niya.

"Gusto ko rin sa Japan." Excited na sabi ko."Nakita ko sa TV na maraming snow ngayon doon dahil winter ngayon doon. I want snow." Hinaplos niya muna ang pisngi ko bago nagsalita.

 "Maybe 1 month or less to process the paper for us to go to Japan so we should muna."

"Okay lang, dito muna tayo."

"Gusto mo bukas punta tayo sa Puerto Prinsesa."

"Doon muna tayo magha-honeymoon?"

Natawa siya sa sinabi ko pero tumango din agad.

"Okay."

"Yes!" sigaw ko. Mabilis ko siyang niyakap at hinagkan sa labi. Ngumisi lang siya.

"May tanong pa ako?"

"Hindi pa ba iyan mauubos?" nag-aasar na tanong niya.

"Isa nalang. Bukas ulit." Pinisil niya ang tungki ng ilong ko. "Ano iyong lovemaking?"

Ay, gulat uli?

Lumaki ang mata niya sa tinanong ko .

"Ano bang pinagbabasa mo at ganyang ang mga tanong mo ngayon?"

"Bakit?? Masama ba iyon? Diba lovemaking kung sa tagalog gumagawa ng pagmamahal?" muli siyang umiling.

"Iyan ang gusto kong gawin sa iyo ngayon." Natatawang sabi niya.

"O, di gawin mo na." nagtataka kong sagot. Ano ba kasi iyon. Naiiling na naman siya habang mahinang tumatawa.

"Matulog na nga tayo." Pumikit na siya at mahigpit na niya akong niyakap.

"Ano nga kasi iyon." Dumilat siya at mahinang nagbuntong-hininga.

"Ang kulit mo talaga." Nakangiting sabi niya kaya tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Ginagawa iyon ng mga taong nagmamahalan."

"Anong ginagawa nila?"

"Baby, may mga bagay na dapat ay ginagawa in private. Ewan ko ba kung anong ginagawa nila." Natatawang sabi ko.

"May napanuod akong movie tapos sinabi ng babae "make love to me" kaya ayun naghalikan sila. Iyon ba 'yon?"

Tumango siya at dahan-dahang pumikit.

"Mas malalim pa sa halikan, baby. At huwag ka ng magtanong kong  ginagawa ba natin iyon. Baby, gagawin natin iyon sa tamang panahon." Hinalikan niya ako sa labi at sinubsob na sa dibdib niya.

"I love you." Malambing na bulong niya sa tenga ko.

"I love you too." 

You are my PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon