Ilang buwan narin ang nakalipas mula noong tumalon siya ng kotse ko. Marami nang nangyari.
We came back to each others arms.
Halos pagaling narin ang mga sugat niya sa katawan at alam narin niya ang mga bagay na dapat niyang malaman o gawin pwera nalang sa totoong estado namin at sa mga nangyari.
I feed her with all my lies.
I make her believe that we are about to have our wedding when the accident happenned. And because she believes that lie, she never hesitates to say "YES" when I did my wedding proposal "AGAIN".
And now,
We are one month happily married.
I am so happy as she.
I don't want it to end.
Mas lalo ko lang siyang minahal at nararamdaman ko namang ganoon din siya sa akin.
We always did happy memories together and I can say, it's all worth it.
I hire the best wedding planner and coordinator to have our wedding be the memorable one. I don't care if I spend lots of money just to have it. The most important is to make my bride happy and satisfied.
And because the wedding is so rush, few of my friends, relatives and family came.
Wala akong pinapunta sa mga kaibigan, kamag-anak o kapamilya ni Lian.
Ayokong maging dahilan lang ito para may maalala siya.
Ayoko rin tanungin ako ng mga magulang ni Lian kong anong nangyari sa anak nila.
Yes, I never tell Lian's parents about her situation. Hindi ko pinaalam sa kanila dahil sa maraming rason at isa na doon na baka kunin nila si Lian sa sakin.
I don't want that to happen.
"Ang sexy naman ng hubby ko." Nagulat ako ng may yumakap sa bewang ko galing sa likod. Agad napataas ako ng dalawang kamay. Nagluluto ako para sa almusal namin na palagi kong ginagawa.
Narinig ko pa siyang tumawa sa reaksyon ko.
Amoy niya palang, alam ko na.
Ang asawa ko.
Lian Blue Grande-Tetangco.
Agad akong humarap sa kanya at mabilis siyang hinapit sa kanyang bewang. Inaamoy-amoy ko ang leeg niya sabay kiliti dito gamit ang mga maliliit na balbas sa mukha ko.
"Ano ba, ah! Nakikiliti ako." Nagtangka pa itong umiwas pero mas lalo ko lang hinapit ang bewang niya. Nagkatinginan kami. Agad kong inabot ang labi niya para halikan. Nakasanayan ko na kasing gawin iyon. Mula paggising namin sa umaga at pagtulog kinagabihan. Mababaw na halik lang sana iyon para lang pampagana sa umaga pero ng lumayo na sana ako, marahan siyang gumalaw at hinalikan ang pangbaba kung labi.
Damn this woman. So seductress.
Mas lalo ko siyang hinapit kasabay non ang pagsiil ko ng mapupusok kong mga halik sa kanya.
Halos pareho kaming hingal-hingal ng maglayo ang aming mga labi. Tiningnan ko siya, nakapikit ang mga mata niya at sumisilay sa mga labi niya kanyang matamis na ngiti.
"Dinidisturbo mo ako." Hingal parin na sabi ko.
"Anong niluluto . . . ano iyon? Parang may nasusu-" agad kong tiningnan ang niluluto ko.
Napailing ako sa nakita ko.
Sunog ang bacon na niluluto ko. Halos nabalot na iyon ng kulay itim. Mabilis kong pinatay ang Gas stove at hinarap siya.
"Ayan tuloy nasunog ang niluluto ko." Tumawa lang siya at hinawakan ang pisngi ko. Pagkatapos ay marahas niya akong hinalikan sa labi. Agad ko naman iyong tinugon pero agad din itong lumayo.
Nambitin pa.
Ngumiti siya ng makitang kumunot ang noo ko.
"Wait lang Mister, ha." Nilagay pa niya ang kanyang index finger sa labi ko ng tangkain ko siyang halikan muli.
"Sa bayan nalang kaya tayo kumain ng almusal may tinapay pa naman diyan. I-tost lang natin para makapag-jogging naman tayo. Sabi kasi doon sa napanuod ko sa TV, maganda daw sa kalusugan ang palaging mag-jogging."
"Ang dami mo ng natutunan sa panunuod mo ng TV ah." Sabay yakap ko sa kanya.
Madalas lang siyang nanunuod ng TV, wala kasi siyang magawa. Hindi ko siya pinapagawa ng gawaing bahay dahil may taga-linis at taga-laba naman kami.
But I always cook for her.
Gusto kong palaging ako lang asahan niya. Iyong tipong hindi niya kaya pag wala ako.
"Tsaka nagplano na pala ako sa gagawin natin ngayon. Nakasulat na nga e." humagikhik siya na parang natatawa siya sa ginawa niya. "Teka lang at kukunin ko sa kwarto natin." Bago pa ako makasagot ay agad na siyang pumiglas sa yakap ko at nagmadaling pumunta sa hagdan patungong kwarto namin.
Masaya ako ngayon. Bumabalik na ang dating makulit na si Lian na palaging hinahap ko noon nong nagkalamat ang relasyon namin.
Kahit parang nagpapalaki ako ng isang bata dahil palagi siyang tanong ng tanong tungkol sa maraming bagay pero naaaliw at nakakaramdam ako ng total completeness.
Ano pa ba ang hihingin ko? Noon pa ito na ang pinapangarap ko noon para sa aming dalawa.
Saktong natapos akong nag-tost ng tinapay namin ng bumalik siya.
"Bakit natagalan ka?" bumaling ako sa kanya at ngumiti pero agad din iyong naalis ng makita kong namumutla siya kaya agad akong nagpanic.
"Anong masakit sayo?" agad ko siyang binuhat at marahang pinaupo sa upuan. Namimilipit siya sa sakit ng tiyan.
"Masakit ang tiyan mo?" taranta kong hinawakan ang tiyan niya. "Ano dito ba?"
"Masakit ang puson ko. Parang meron ako." Bulong niya.
Halos mamula at uminit ang mukha ko sa sinabi niya. Kahit ilang beses ko ng nasaksihan ang ganitong bagay sa kanya ay hindi parin ako sanay. Naiilang parin ako.
"Diba may gamot ka pa para diyan?" agad siyang tumango. Kaya marahan ko siyang binuhat at agad tinungo ang kwarto namin.
Nang makapasok kami ay marahan ko siyang hiniga sa kama.
"Nasaan iyon?"
"Nasa lalagyan ng gamot doon sa may cabinet." Mahinang sabi niya. Pinunasan ko ang pawis sa noo niya gamit lang ang kamay ko.
Invisible parin sa mukha niya ang sakit.
"Hindi! . . . iyong ginagamit mo?" nahihiya kong sabi.
"Ano yon?
"Iyong ginagamit mo na kulay puti. Ano nga ba 'iyon?"
"Ah, 'yon. Nasa cabinet ng mga underwear ko." Tumango ako. Agad ko itong tinungo at hinanap. Ilang sandali lang ay agad ko naman iyong nakita.
"Here."
"Thank you, Hubby!" binuhat ko na naman siya papuntang CR.
Marahan ko siyang pinasok doon at pinaupo sa nakasarang toilet bowl.
"Sa labas lang ako. Call me kung okay na." malambing kong sabi. Sa mga ganitong sitwasyon noong hindi pa niya alam ang gagawin pinapagawa ko iyon sa Attending Nurse niya. Mahirap noong wala pa siyang alam. Para kaming nagtuturo ng isang bata. Ni magbihis ng tama hindi niya alam, ni maligo o subuan ang sarili niya. Halos ilang buwan kaming ganoon. Twenty four seven pa ang mga Nurse para alagaan siya. May mga bagay kasi na hindi ko magawa at wala akong alam na tulad nito.
Simula ng maging okay na siya at ikinasal na kami ay umalis na ang mga nurse na hi-nire ko. At sa ngayon, alam naman niya ang mga gagawin. Iyon nga lang madalas parin siyang nagtatanong kong anu-ano.
BINABASA MO ANG
You are my Possession
Romance"Too much love will kill you" sabi nga sa kanta. Pero masisi mo ba ang isang tao kung nagmamahal lang siya ng sobra - sobra, to the point na kaya niyang gawin ang lahat makasama at mahalin din siya tulad ng sobrang pagmamahal niya? Masarap mahalin...