Chapter 13

99 4 0
                                    

(Lian POV)

"Sayang hindi natupad ang mga plano ko. Masaya pa naman iyon."  Nanghihinayang ako sa sana'y gagawin namin. Masaya sanang mag-jogging.

"Balak ko sanang bumili ng libro ng Twilight, doon sa bookstore kanina. Sabi ni Nena sa akin noong huli tayong pumunta, mag-aangat daw sila ng libro ngayon at pwedeng may breaking dawn na." pagkukwento ko sa kanya. Nahilig kasi akong magbasa ng kung ano-ano. At naging paborito kong basahin ang Series na libro ng Twilight.

Nakangiti lang siyang nakikinig sa kwento ko habang marahang hinahaplos ang tiyan ko. Palaging ito ang pinapagawa ko sa kanya tuwing masakit ang puson ko.

Masarap kasi sa pakiramdam, parang nawawala ng sakit.

"Masakit pa ba?"

"Oo. Pero konti nalang kasi ginagamot muna." Mabilis siyang tumawa sa sinabi ko at hinalikan ng mabilis ang aking mga labi pero agad kong hinabol ang papalayo niyang labi at agad ko iyong hinalikan.

Ang bilis naman! Nabitin ako.

"Isa pa nga." Sabay ng  pagnguso ko. Masarap kasi sa pakiramdam kapag hinahalikan niya ako.

Nakangisi lang siya sa sinabi ko habang hinahaplos parin ang tiyan ko. Nagulat nalang ako ng marahan niyang hinalikan ang tiyan ko. Mabilis na nindig ang aking mga balahibo kasabay pag tibok ng aking puso na palagi kong nararamdaman tuwing hinahalikan niya ako.

"Masakit parin ba?" malambing na tanong niya.

Marahan akong umiling kahit ang totoo medyo kumikirot parin.

"Isa pa nga." Mas lalo kong binuksan ang damit ko para mas lalong makita ang tiyan ko. Halos makita narin ang Bra ko.

Marahan siyang yumuko habang pikit-mata kong ninanamnam ang halik niya.

Parang nanginig ako. May mamasa-masa akong maramdaman. Parang munting dila niya iyon na nararamdaman ko tuwing nagiging mapusok na ang mga halik namin. Pagkatapos non ay . . .

"Let sleep first and when you feel better, kakain na tayo." Mahinang sabi niya. At agad naman akong nadismaya ng hilahin na niya pababa ang damit ko para matakpan ang aking tiyan.

I want more pero hindi ko alam kung ano 'yon. Basta may bagay akong gustong mangyari tuwing hinahalikan ako ni Brandon.

Medyo umisod ako para makahiga siya. Tama lang ang kama sa aming dalawa. Medyo maluwag nga ito tuwing magkayakap kami.

Unti-unti niya akong niyakap kaya nasubsub ang mukha ko sa dibdib niya na palagi niyang ginagawa. Gusto ko rin ang ganitong posisyon dahil naririnig ko ang pintig ng puso niya na palaging nagpapakalma sa akin.

Dahan-dahan niyang hinalikan ang noo ko papuntang labi ko. Mabilis lang iyon kaya nabitin ako. "I love you." Malambing na sabi niya habang tiningnan ako sa aking mga mata. " I love you too." Agad na sumilay ang ngiti sa kanyang labi na para bang iyon ang hinihintay niya para mahimbing na makatulog.

Palagi kaming ganito. Before we sleep, we always say "I love you" to each other na nakasanayan ko namang gawin.

Tulad sa mga nababasa kong libro,  ganun na ganun ang ginagawa ni Brandon sa akin.

Yes, he's so sweet, so caring and so thoughtful. I am so lucky.

Sabi pa nga sakin ni Nena tuwing pumupunta kami ni Brandon sa bookstore niya, ay napakaswerte ko daw dahil patay na patay ang asawa ko sa akin.

Para lang akong sira dahil hindi ko maintindihan ang sinabi niyang patay na patay, e, buhay kaya si Brandon hindi siya patay. Medyo na galit pa ako sa kanya dahil ayaw ko makarinig ng patay kasi iyong mga nakikita ko sa mga teleserye palagi silang umiiyak kapag may namamatay.

At laking hiya ko lang ng tawanan niya ako. Halos maluha-luha pa siya habang tumatawa kaya sa galit ko ay umalis ako sa tindahan.

Nag-aalburuto pa ako habang nagsusumbong kay Brandon  tungkol doon at tinawanan niya lang din ako kaya agad akong nagtampo. Halos hindi ko pa nga siya pinatabi sa akin ng matulog na kami. Pero, ayon, nadala ako sa lambing niya kaya naging okay narin kami. Pinaliwanag niya sa akin kung ano ang patay na patay. Isa pala iyong "Idiomatic word"  meaning mga patalinghagang salita. Ito ay mga salitang iba ang meaning o may mas malalim na meaning.

Kaya mas lalo pa akong nahiya sa sarili ko. Natagalan nga kaming matulog dahil sunod-sunod ang naging mga tanong ko sa kanya.

You are my PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon