Nagising ako ng maramdaman ko ang matinding lamig. Marahan akong napadilat at agad kong nakita ang pamilyar na kisame.
Pero hindi iyon kisame ng aking kwarto. Mabilis kong nilibot ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto at bigla kong nakita ang malaking picture frame.
Ako ang nasa larawan niyon. Napakalaki ng ngiti ko at hindi nakatingin sa camera.
Isa iyon sa stolen shots ko na nasa kay Brandon.
Brandon!
Mabilis akong napaupo at inalala ang nangyari.
Habang inaalala iyon ay parang nadudurog ang puso ko sa ginawa ni Brandon.
Wala na! wala na ang bagay na matagal ko ng iningat-ingatan.
Napaluha ako.
Demonyo siya!
Mabilis kong hinanap ang mga damit ko at agad itong sinuot.
Ilang beses na akong natulog at nagising sa kwartong ito pero iba ang nangyari ngayon. Parang gusto kong isumpa ang kwartong ito. Saksi ito sa kademonyuhan ginawa ni Brandon.
Hindi ko ma-imagine na kaya pala niya akong pagsamantalahan ng ganito. Pareho naming alam kung saan lang kami pwede at nirerespeto niya iyon. Nirerespeto niya ang opinion kong gagawin lang namin iyon sa gabi ng kasal namin. Sabay kaming nangarap at saksi ang kwartong ito sa mga bagay na gusto naming gawin.
Pero bakit niya ito nagawa?
BAKIT?
Nagpupunas ako ng luha nang maramdaman ko ang marahang pagbukas ang pinto. Agad na inuluwa ang taong sinusumpa ko na ngayon.
Nakita kong nagdalawang isip pa siya sa pagpasok.
"Are you okey?" demonyo ka at ngayon ka pa na awa sa akin. Agad akong tumalikod at sakto namang nakita ko ang sarili ko sa isang human size mirror.
Halos maluha ako sa nakita ko.
Buhaghag na buhok, medyo punit na damit dahil sa pwersahang paghuhubad at balat na may maraming pulang pantal pantal. Hinawi ko ang mangas ng Blouse ko at nakita ko ang maraming pulang pantal-pantal sa leeg ko.
Shit!
Napapikit ako dahil agad nag-flashback sa isip ko kung paano siya sabik na sabik na halikan ang leeg at buong katawan ko. Parang ramdam ko parin ang mga iyon.
Mabilis akong napabalikwas sa gulat ng yumakap siya sa akin galing sa likod.
Agad ko siyang pinalo pagkatapos ay buong lakas ko siyang sinampal nang dalawang beses.
"Huwag na huwag mo akong hahawakan. Demonyo ka!" buong lakas kong sigaw. Halos manginig ako sa galit.
"Pa'no mo 'to nagawa sa akin, Brandon? Ha? Paano?"
"Dahil mahal kita." Mahinang sabi niya. Sinapak ko siya. "MAHAL? KUNG MAHAL MO 'KO, HINDI MO GAGAWIN 'TO!" hindi siya pumalag sa mga sapak at sampal ko, nanatili lang siyang nakatayo. Iyak ng iyak ako habang ginagawa iyon.
"HAYOP KA! PINAGKATIWALAAN KITA! HINDI KO MATANGGAP NA NAGMAHAL AKO NG ISANG TULAD MONG DEMONYO!" mahina akong napaupo sa sahig habang umihikbi. Nawalan ako ng lakas dahil sa galit at sa sama ng loob sa kanya. Hindi ko akalaing hahantong kami sa ganito.
"HUWAG MO SABI AKONG HAWAKAN!" balik na sampal ko sa kanya ng magtangka siyang hawakan ako.
"I'm so sorry Baby."
"HUWAG MO AKONG MATAWAG-TAWAG NA BABY . . ." Dinuro ko siya. "ENOUGH WITH THIS BULLSHIT, BRANDON! HINDING-HINDI KITA MAPAPATAWAD. SINAMANTALA MO AKO. . .
YOU RAPE ME!" unti-unting lumaki ang mata niya pagkatapos kong sabihin iyon Napahilamos siya ng mukha sabay nang mabilis na pag-angat-baba ng balikat niya.
"I'm sorry" mahina siyang hikbi. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin. Puno ng luha at pulang pula ang mukha niya. Tinangka niya akong abutin pero agad akong umatras na para bang takot na takot ako kahit madampi lang ang balat niya sa balat ko.
"NGAYON SATISFIED KA NA BA HA? NAKUHA MO NANG LAHAT. KABALIWAN NA KUNG HINDI MO PA AKO PAPALAYAIN."
"No, Baby. Huwag mo akong iwan please. Hindi ko kaya." Marahan siyang lumuhod sa paanan ko at niyakap ang aking binti.
"Hindi mo kaya? Puwes ako? Kaya ko, Brandon! Kaya ko! Hindi ako mahina katulad mo. Maybe I don't love you anyway. I just love the fact that you love me . . . the thought of , you can give up everything if I say so and your world will crash if I will leave you. Yun lang yun, Brandon. Iyon lang 'yon."
Lumaki ang mata niya sa rebelasyon ko na para bang hindi makapaniwala.
"Let me go." Mahinang sabi ko. Unti-unti namang lumuwag ang pagyakap niya sa binti ko hanggang sa bumitaw na ito.
Tulala parin siya dahil sa sinabi ko.
Agad akong tumayo at tinungo ang pintuan.
This will be my last to step in in this DAMN place!
BINABASA MO ANG
You are my Possession
Romance"Too much love will kill you" sabi nga sa kanta. Pero masisi mo ba ang isang tao kung nagmamahal lang siya ng sobra - sobra, to the point na kaya niyang gawin ang lahat makasama at mahalin din siya tulad ng sobrang pagmamahal niya? Masarap mahalin...