Chapter 21

61 2 0
                                    

BRANDON POV

"Kailan mo sasabihin sa kanya ang totoo?" mabilis kong nilingon si Mama.

What the F!

Bakit siya nagsasalita ng ganito sa papamahay ko.

Luminga-linga ako para masiguradong wala nga si Lian.

"I don't want to talk about that." Malamig na sabi ko sa kanya.

"Anak, she deserves the truth."

Nagpanting ang tenga ko sa sinabi ni Mama. Parang biglang kumulo ang dugo ko sa pag-uungkat ng topic na matagal ko ng pinatay. Ito ang isa sa mga bagay na ayaw ko ng pag-usapan pa.

"Paano kapag bumalik na ang ala-ala niya? She will hate you anak."

"Stop it Ma." Pagbabanta ko sa kanya.

"Pero anak, nagiging unfair ka sa kanya."

"I don't care Ma. Masaya ako, masayo kami. Tapos ang usapan!" nanlaki ang mata nito sa gulat dahil sa pagtaas ng boses ko.

Marahas akong napapikit.

"Bakit ba kasi inuungkat mo pa ito Ma?"

"I just want to . . ."

"To mingle my affair AGAIN Ma! What? Did you see I am happy? Makontento ka na 'don." Putol ko sa kanya.

Hindi ko mapigilan ang galit ko. Maging masaya nalang sila para sa akin. Para sa amin.

"I don't want to think this but ito ang pinahihiwatig mo Ma e. Kapag may sinabi ka kay Lian sa nakaraan niya when I am away, just. . ." isipin ko palang na sinasabi ni mama kay Lian ang mga bagay bagay parang ayaw ko ng tumuloy.

I hate it!

Paano nalang kung sabihin nga?

"Just . . . huwag mo na akong kilalaning anak. Hindi mo na ako makikita Ma. Just remember that." Para itong natuklaw ng ahas sa sinabi ko. Gulat na gulat ito at hindi maipinta ang mukha.

That is the truth!

Hinding-hindi na nila ako makikita. Call me immature but I don't care.

Ngayon lang ako naging masaya dahil iyon kay Lian. Bata palang ako naghahangad na ako ng kahit konting pagmamahal galing sa kanilang mga magulang ko.

They always work, work and work! They don't even care if I already eat my meals or did I do my homework. I am the only child for Pete's sake. Kahit nga Christmas, they are working! I don't need their money and wealth, I just need their love and care.

But when I grew up, naging manhid na ako sa pagiging wala nila everytime. That's why I become delinquent, addict and irresponsible. Nagrebelde ako at ginawa ang gusto ko. I go to jail every now and then but because our family has money and power, I easily got out. Ganoon lang umiikot ang buhay ko until such time Lian came into the picture. She is my angel, my salvation from that devastated life of mine. She changed me because of her genuine love. And by then, I know how to love and feel to be loved. She is my life and my half.

No one will keep us apart even my family!

"Anak . . ." bulong niya. Tumingin ako sa kanya at agad ko naman nakita ang naluluha niyang mga mata.

Naging bato na ang puso ko sa kanila pero ng makasama ko na si Lian, she taught me to forgive them even though they never ask for it.

And because she asked for it so I did. Kaya ngayon binibigyan ko sila ng pagkakataon na bumawi at nakita ko naman na bumabawi na sila.

I think so!

"Sorry, Anak!" she reached out my hand and I let her. Dahan-dahan niya akong niyakap. "Sorry, hindi na mauulit"

"Iyon lang ang hinihiling ko Ma. Pabayaan mo na ako, huwag na kayong mangialam."

Naramdaman kong tumango siya.

"Just take care of her when I'm away." Sabi ko sabay yakap narin sa kanya. Pagkatapos naming makasal ni Lian madalas na kung dumalaw dito si Mama pati narin si Papa. Naramdaman ko naman na bumabawi na sila sa mga taong hindi ako naging priority nila. They love Lian kaya narin siguro ganito nalang akong kombinsihin ni Mama. Aminado naman akong nagiging unfair ako sa asawa ko. Tuwing bago matulog napapaisip ako kung paano na ako kapag dumating ang araw na bumalik ang memorya niya, alam kong kamumuhian niya ako sa mga ginawa ko sa kanya.

Nakokonsensya ako tuwing sinasabihan niya ako kung gaano siya ka swerte sa akin kung gaano niya ako ka mahal.

Parang ikamamatay ko ako kapag nangyari na iyon.

Napakalas ako ng yakap ng may magsalita.

"Ops, sorry. . ." napatingin ako kay Lian. Nakangiti ito na parang napakasaya na naabutan kaming ganon ni mama.

"Nakaistorbo pa ako." Mas lalo pa siyang ngumiti ng magtama ang mata namin.

I just love this woman. Just a smile from her makes me whole again.

Kumalas narin si mama at nagsalita. "Hindi naman iha. Halika nga." Niyakap niya ito at hinagkan sa noo. Kahit hindi sabihin ni mama si Lian ang katuparan sa pangarap niyang magkaanak ng babae.

Nabuntis siya noon pero nalaglag ito ng ikalimang buwan nito. Ito ay dahil subsob siya sa trabaho at napabayaan ang kalusugan niya. Iyon din ang lalong nagpalayo ng loob ko sa kanya. Naging masaya na ako ng malaman kong magkakaroon na ako ng kapatid pero nawala rin pala dahil sa pagiging pabaya din niya.

"O, bakit po kayo umiiyak?" tiningnan niya si Mama at hinawakan ang pisngi nito. "Nalulungkot din po ba kayo dahil aalis si Brandon?" Pinunasan ni Lian ang luha nito.

"Sus,Huwag na po. Malaki na po ang anak ninyo." Biro nito kaya napangiti na si Mama.

"Magbo-bonding na naman po tayo." Tumingin siya sa akin at kahit nakangiti ito pero alam kung nalulungkot din ito. Sabi pa nga niya kagabi kung pwede ba daw'ng huwag nalang akong tumuloy. Pero kahit gustuhin namin, hindi na pwede. Malaking investor ito at kailangan ito ng kompanya ngayon dahil sa higpit ang kompetisyon sa merkado.

Hindi na ako nakatiis kaya nilapitan ko na ito. Kumalas na siya sa yakap ni mama at mabilis na yumakap sa akin.

Niyakap ko siya ng mahigpit sabay ng paghalik sa buhok niya. "I will miss you." Bulong ko. "Mamis-miss din . . . k-kita" at umiyak na nga ito. Mas lalo ko siyang niyakap.

"Sssh, don't cry. Diba sabi mo hindi mo ako papahirapang umalis. Bakit ganito?" Kumalas siya at tiningnan ako.

Nagkatitigan kami. Just seeing her eyes I know she's the only one for me. She is!

"I love you," Hikbing sabi nito. "I lov-." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil mabilis niyang inangkin ang labi ko. Atomatiko naman akong tumugon.

If she's not made for me then why does my heart tells me that she is?

A/N

Tyrone is coming. Be ready! Comment and vote po para malaman ko kung may nagbabasa. Ma inspired narin. HEHE

Keep smiling :)

You are my PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon