Lian POV
Palinga-linga ako sa mga taong nandito sa palengke. Para kasing may nakatitig sa akin.
Para akong kinikilabutan.
Nasa harap ko lang si Tres isa sa mga bodyguard ni Brandon, pinaiwan niya kasi ito para may magbantay sa amin ni mama. Kambal sila ni Dos iyong bodyguard at the same time secretary ni Brandon, identical twin sila. Noong una hindi ko pa malaman kung sinong Dos o Tres sa kanilang dalawa pero ng magtagal napoint out ko na ang pinagkakaiba nila. Ibang-iba ang ugali nila sa isa't-isa. Napakaseryuso ni Dos iyong tipong kung ano lang tinanong mo iyon lang din ang sasagutin niya pero iba si Tres, mapagbiro ito at napaka-talkative.
"Naiinitan ka po ba? Kukuha lang po ako ng paying." Tumango lang ako at hindi ininda ang sinabi nito. Aligaga parin. Iba ang raramdaman ko.
Halos tumalon ako ng may kumalabit sa akin galing sa likuran ko. Nang tingnan ko siya nagulat ako sa facial expression niya.
Para itong nakakita ng multo.
"I-ikaw pa 'yan . . ." nanginig pa ang boses niya na nagpakunot lalo ng noo ko.
Sino 'to?
"L-Lian." Sambit nito sabay nang pagyakap sa akin ng mahigpit. Sa gulat ko hindi ako nakagalaw. Ramdam na ramdam ko ang nginig ng katawan niya habang yakap ako. Naririnig ko pa ang bilis ng tibok ng puso niya.
Nang magbalik ako sa katinuan ay agad ko siyang tinulak kaya napakalas siya ng yakap sa akin.
"Sino ka?" malilitong tanong ko sa kanya. Ang noong gulat na ekspresyon na mukha niya ay napalitan ng paglito. Kumunot pa ang noo nito at mabilis na ineksamin ang buong mukha at katawan ko.
"Mister, hindi po kilala? Bakit ka po nangyayakap." Tanong ko uli sa kanya kasi parang wala parin kasi siya sa katinuan ang lalaki sa harap ko.
"Lian." Mahinang bulong niya pero umabot ito sa pandinig ko. Kaya marahan akong tumango.
"Kilala ba kita?" nahihiyang nginitian ko nalang siya. Para kasing may bombilyang umilaw sa ulo ko at naisip ko na baka isa ito sa mga kakilala ko noon na hindi ko na nakikilala.
Nanatili parin siyang mawala sa sarili. Hindi ko alam kung namamangha ba siya, gulat o ano ba.
"Kilala ba kita noon?" tanong ko ulit. Pero mas lalo ata itong naguluhan.
Ano magtitigan nalang kami dito? Parang wala ata itong balak na magpakilala e.
Hay naku ang init pa naman. Asan na ba 'yon si Tres. Luminga-luminga ako para hanapin si Tres pero wala parin ito.
Binalingan ko nalang iyon lalaki pero iyon parin nakakunot ang noo at kinakabisa ang mukha ko.
"Sorry po ha kung hindi kita makilala." Nahihiyang sabi ko. "May amnesia kasi ako, halos mag-iisang taon narin."
At doon parang natauhan ang lalaki at agad akong hinawakan sa braso.
"Teka lang po." Pagpapanic ko. Medyo mahigpit kasi ang pagkahawak niya.
"Ako 'to si Tyrone." Tarantang sabi niya. Kinabig niya pa ako at mabilis na niyakap. "Thank God your safe." Halos hindi ko na alam ang gagawin. Alam kong hindi tama ang makipag-usap sa hindi ko kakilala pero parang iba ito. Nararamdaman kong kilala niya ako.
Kinalas niya ang yakap para siguro tingnan ako pero nanatiling hawak niya parin ang magkabilang braso ko.
"I miss you!" Sabi nito. Hindi pa ito magkaugaga sa pagtingin sa akin na para bang gulat na gulat siyang makita ako.
BINABASA MO ANG
You are my Possession
Romance"Too much love will kill you" sabi nga sa kanta. Pero masisi mo ba ang isang tao kung nagmamahal lang siya ng sobra - sobra, to the point na kaya niyang gawin ang lahat makasama at mahalin din siya tulad ng sobrang pagmamahal niya? Masarap mahalin...