Nagising ako ng makarinig ako ng kumusyon galing sa silid ni Lian. Atomatikong bumilis ang tibok ng puso ko. Agad akong nag panic at mabilis na tumingin sa salamin kung saan banayag na makikita si Lian.
My heart jump and my heartbeat become doubled when I see her open her eyes like she is examining where she was. WaIa na ang mga aparatong nakaturok sa kanya.
I felt I was paralyzed.
Naestatwa ako na para bang hindi makapaniwala sa nakita.
Parang nanginig ang katawan ko at nanlamig iyon. I open my mouth but no words came out. Parang gusto kong uminom ng tubig dahil nanunuyo ang lalamunan ko.
Tumingin ang mga nurse sa akin para siguro sabihin ang magandang balita pero mas nabaling ang atensyon ko ng unti-unti din siyang bumaling sa kinaroroonan ko. Ilang segundo lang ay nahanap niya ang mata ko.
I cried! My heart was full of undefined emotion.
Tumigil ang ikot ng mundo ko ng magkatitigan kami. I am so happy seeing her like this.
Halos gusto tumakbo sa kinaroroonan niya at yakapin siya ng mahigpit na mahigpit.
Ilang minuto lang kaming nasa ganoong sitwasyon ng maramdaman ko ang intesidad ng titig niya sa akin.
Nakakunot ang noo niya. Wala doon ang inahaasan kong galit, pagkamuhi at nasusuklam na titig. Kundi titig na para bang nagtatanong kung sino ako.
Tiningnan ako ni tito na parang sinasabing pumasok ako. Nagdadalawang-isip pa akong pumasok parang iyon ang pinakamahirap na desisyong gagawin ko.
Parang sinusundot ako ng konsensya ko na pangako ko sa Kanya.
Once she wakes up I will let her go and never bother her again. Pero mas nanaig sa akin ang nais kong lumapit at mayakap siya.
Lian!
Unti-unti akong pumasok. Nanginginig pa ang buo kong katawan habang napakabilis ng pintig ng puso ko.
Nanatili lang ang titig niya sa akin. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at agad akong lumapit sa kanya. Mabilis kong inabot ang kamay niya at nilagay sa pisngi ko.
"I'm scared, Baby. So scared of losing you." Nanghihinang sabi ko. Inilapat ko ang labi ko sa likod ng kamay niya. Tiningnan ko siya habang ginagawa iyon.
Pero ganoon parin siya.
Nagtataka.
Mabilis kong ibinalingan si Tito August. "What's happening?"binigyan niya lang ako ng assuring smile bago tumingin kay Lian.
"Kilala mo ba siya, iha?" mahinahong tanong niya kay Lian.
Nagulat ako ng unti-unti itong umiling. Mas lalong kumunot ang noo ko.
"Ano pong nangyayari Tito? Bakit hindi niya ako kilala?" mas lalo kong hinigpitan ang paghawak ko sa kamay niya. Doon ako humuhugot ng lakas.
Nakatingin lang sa amin si Lian.
"Maybe she's suffering in memory loss resulting from her accident. Hindi pa natin alam kong anong klaseng Amnesia ito so we should conduct more test para malaman."
"Is it temporary?"
"Some cases like this, minsan temporary lang. Babalik din ang memorya niya sa loob ng ilang buwan lalo na kapag may mag-trigger para maalala niya ang mga ito pero may posibilidad din naman na maging hindi na. Iyon ay cases minsan ng mga taong inoperahan sa utak dahil sa sakit na Brain Cancer. Pero sa case naman niya, matagal na ang isang taon para mabalik ang memorya nito. We are hoping for the best, Brandon."
"Ano po ang bagay na hindi niya maalala?"
"Hindi pa natin iyon tukoy, iho. Pwedeng ang past event ng buhay niya o ang nangyari lang at pwede rin lahat. Iyong tipong para siyang babalik sa pagkabata na hindi alam ang gagawin. Ni kumain, magbihis at minsan magsalita ay hindi niya alam. Lahat burado sa isip niya. "
Nanlumo ako sa narinig ko. Pwedeng maging ganon?
Pero kahit ganun hindi ako magdadalawang-isip na alagaan siya.
I will take care of her.
May saya sa puso ko dahil hindi na niya naalala ang lahat. Siguro okay narin iyon para narin magsimula kaming muli.
Magsisimula kami nang bagong mga memories together.
Me and Lian together.
"Iha, siya ang boyfriend mo si Brandon." Pagpapakilala sa akin ni Tito August. Tiningnan ako ni Lian at unti-unti siyang ngumiti sa akin." Parang napuno ng saya ang puso ko sa pagngiti niya. Hindi ako makapaniwalang ngingiti pa siya sa akin ng ganito.
Mabilis kong inilapit ang labi ko sa noo niya at hinalikan ito.
"Thanks God" tiningnan ko ang mga mata niya pagkatapos 'non.
Bumaba ang halik ko papuntang ilong niya hanggang lumapat ito sa kanyang mga labi.
The feeling is so warm and so familiar.
Ilang sandali kaming ganoon, wala akong pakialam sa mga tao sa paligid basta masayang-masaya ako dahil nandito na naman siya ulit.
"I love you Lian." Marahan akong lumayo sa kanya at matamis siyang nginitian. Medyo nahihiyang ngumiti rin siya sa akin at agad siyang tumingin sa mga tao sa paligid.
Mahiyain parin.
Mas lalong lumapad ang ngiti ko.
BINABASA MO ANG
You are my Possession
Romance"Too much love will kill you" sabi nga sa kanta. Pero masisi mo ba ang isang tao kung nagmamahal lang siya ng sobra - sobra, to the point na kaya niyang gawin ang lahat makasama at mahalin din siya tulad ng sobrang pagmamahal niya? Masarap mahalin...