"Saan mo gustong i-celebrate ang monthsary natin." Tanong ko habang hinihimas ang balikat niya. Kasalukuyan kaming umuupo sa sofa. Nakahilig siya sa akin at yakap ko naman siya. Nanunuod lang kami sa paborito niyang panoorin tuwing tanghali.
"Dito nalang natin i-celebrate. . ." tumingala siya at pilyang ngumiti. Alam ko ang iniisip nito.
Shit, mabilis ang respond ni Junior.
"Doon sa kwarto. . ." nginuso pa niya ang kwarto namin. Kaya napahalakhak ako.
"So naughty." Sabi ko habang mahigpit na niyakap siya.
"Paano kaya kung magkaanak tayo na tulad ni Xian. Ang cute tas ang talino pa." si Xian iyong baby nila sa showtime na palagi niyang pinapanood.
Malaki na ang naging improvement niya. Siguro dahil iyon sa mga libro na binabasa niya at napapanood. Marami na siyang nalalaman, iyong nga lamang mas naging curious siya sa mga nakaraan namin. Kung nasaan na ang parents niya kung bakit dito kami nakatira at kung ano ano pang nagpapairita sa akin.
"Sana mabuntis na ako. Ang saya kaya non." Masayang sabi niya.
"Ilan ang gusto mo?"
"Sana kambal agad." Mabilisang sabi niya. Napahalakhak naman ako. Iyong mga batang kamukha niya. Nai-imagine ko palang parang napupuno ng kaligayahan ang dibdib ko.
"Pero kapag hindi naman, gusto ko ang panganay natin lalaki tapos kamukha mo." Hinawakan niya pisngi ko. "Maliit na ikaw, ang cute siguro." Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya. Pangiti ako at ginawaran siya ng mabilis na halik sa labi.
"Ang pangalawa, babae na kamukha mo" Sabi ko. Ngumiti rin siya.
Kahit noon pa ganito parin ang mga gusto niya. Alam kong magiging mabuting ina siya.
#���S�B��
BINABASA MO ANG
You are my Possession
Romance"Too much love will kill you" sabi nga sa kanta. Pero masisi mo ba ang isang tao kung nagmamahal lang siya ng sobra - sobra, to the point na kaya niyang gawin ang lahat makasama at mahalin din siya tulad ng sobrang pagmamahal niya? Masarap mahalin...