(Brandon POV)
Hindi ako makahinga habang hinihintay na lumabas ang doctor sa loob ng Emergency room.
Oo, naaksidente si Lian. And I am the one to blame.
Me!
Me!
Me alone!.
Tumayo ako at mabilis na sinuntok ang pader. Parang gustong sumabog ang puso ko sa samot-saring emosyon na nararamdaman ko. Gusto kong mangbugbog, manggulpi at pumatay ng tao dahil sa sakit na nararamdaman ko. But I should do it to myself. Wala akong kwenta!
WALA AKONG KWENTA!
"Ah!" unti-unti akong napaupo at marahas na hinilamos ang aking mukha. Para akong nauupos na kandila sa nararamdaman ko. Wala akong magawa para bumalik ang dati.
Kung mababalik ko lang ang dati ay mas nanaisin kong hindi ko nalang nakilala ang isang tulad niya.
Sana hindi ganito kahirap.
Sana hindi ako nasaktan ng ganito.
Sana walang nangyaring ganito.
Sana! Sana!
Kung pwede lang na magpalit kami ng sitwasyon at sana ako nalang ang nadisgrasya.
Takot na takot ako kung anong pwedeng mangyari sa kanya. At hindi ko alam kong mapapatawad ko pa ba ang sarili ko kong may mangyaring masama sa kanya.
FUCK IT!
Halos ayaw ko ng huminga ng makita ko ang katawan ni Lian sa baba na ng bangin. Napakarami nitong sugat, halos buong katawan niya ay puno ng dugo.
Parang biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Ni kahit sa panaginip hindi ko iyon ma-imagine.
Tama siya, dahil sa pagmamahal ko sa kanya, iyon ang papatay din sa kanya.
At kung iiwan niya ako . . .
Hindi ako magdadalawang-isip na magpakamatay. Para saan pa ang buhay ko?
Wala na! wala nang saysay.
Kasalanan ko!
Kasalanan ko!
Nabalik ako sa realidad ng lumabas na ang doctor (tito ko), mabilis ang tibok ang puso ko. Gusto kong siyang kwelyuhan para sabihin niyang okay lang si Lian.
"Okay lang siya, diba Tito?" tarantang sabi ko.
"We are hoping for the best, Brandon. For now, kailangan i-monitor siya dahil hindi pa siya stable." Marahas kong hinawakan ang white gown niya. "I want to know that she's okay."
"I did my best, Brandon. Naoperahan na ang mga sugat na medyo malilim and you should thank God 'cause she only got minor injuries. Hindi masyadong malalim ang mga sugat niya at wala din nabaling mga buto." Agad akong tumingin sa loob kong saan nakahiga si Lian. "Bakit hindi parin siya nagigising."
"She's in coma. Maybe, magigising siya bukas, sa makalawa, sa isang lingo o sa isang buwan. At kailangan din nating i-consider ang possibility na hindi na siya magising pa dahil medyo mahina ang vital signs niya. Sa ngayon, Prayers will do, Brandon. Maya maya ay ililipat na siya sa ICU para mas ma-monitor pa siya." Hinawi niya ang kamay ko sa white gown niya.
"I got to go. May pasyente pa ako."
Tiningnan ko lang ang nakahigang si Lian. I feel like there is a big lump in my throat because of what he said. There are possibilities na hindi na siya magising pa.
No!
Uminit na naman ang gilid ng mata ko. I don't want to cry in front of many people but in my case, I am hopeless.
Tiningnan ko ang kabuuan ni Lian na mahimbing lang siyang natutulog. May malaking tubo na nakalagay sa bibig niya at may mga maliit din na mga tubo na nakalagay kong saan-saang parte ng katawan niya.
Nakakaawa siyang tingnan.
Hindi ko matatanggap na hindi ko na masisilayan ang masayahing mukha niya. Ang mga pangungulit niya, ang mga tawa niya, ang boses niyang kumukompleto sa araw ko.
Unti-unti akong naglakad papasok sa silid niya para damayan siya at hawakan ng mahigpit ang kanyang kamay.
Akmang papasok na sana ako ng . . .
"Leave me alone" agad na nanindig ang balahibo ko ng may maliit na tinig akong narinig. Mabilis akong napaatras.
Hindi ko alam kong hallucination lang ba iyon o ano. Agad akong tumingin sa likod ko pero walang tao.
Agad akong nakaramdam ng lungkot.
"Talaga bang ganoon mo ako ka gustong lumayo sa iyo na kahit tulog ka ay ayaw mo parin akong makasama?" naluluha kong bulong.
Umatras nalang ako at nahahapong umupo nalang sa silya kong saan ako naupo kanina.
I don't care what other people think about me. Why I am crying. The hell I care. All I care is Lian who is suffering all of this because of me.
Because of me!
Because of my fucking obsession!
BINABASA MO ANG
You are my Possession
Romance"Too much love will kill you" sabi nga sa kanta. Pero masisi mo ba ang isang tao kung nagmamahal lang siya ng sobra - sobra, to the point na kaya niyang gawin ang lahat makasama at mahalin din siya tulad ng sobrang pagmamahal niya? Masarap mahalin...