(Lian Pov)
Nang makita ako ni Brandon, agad niya akong niyakap ng mahigpit.
"I miss so much Baby." Sabi niya sabay amoy niya sa buhok ko na palagi niyang ginagawa tuwing yumayakap siya sa akin.
"Halika, pasok tayo." Yakap niya parin ako habang pinipilit niyang ipasok ako sa Condo niya.
"Teka, hindi na. Hindi rin naman ako magtatagal." Sabi ko pa, kaya agad naman niya akong inalayo sa kanya para makita niya ang mukha ko.
"Hindi, dito kana muna. Baka mapano ka pa sa daan kapag umuwi kang mag-isa." Mabilis akong umiling. "Hindi na talaga, may isasauli lang ako." Agad kong tiningnan ang kahong dala ko. Kaya napatingin narin siya sa mga ito. Ito iyong mga gamit na binigay niya. Halos hindi nga ito magkasya sa tatlong kahon. Nahirapan pa akong dalhin yan dito.
Mabuti nalang at napakiusapan ko si Tyrone na samahan akong magsauli nitong mga gamit na binigay niya.
"Anong mga iyan?" mahinang tanong niya pero naramdaman ko na ang galit niya.
"Isasauli ko na ang mga iyan." Mahinang sagot ko. Hindi ako makatingin sa kanya kasi ayaw kong salubungin ang galit na tingin niya.
"Sayo yan" matigas na sabi niya. Madiin narin ang paghawak niya sa mga balikat ko.
"Binabalik ko na"
"Sayo 'yan sabi e!" sigaw niya kaya nagulat ako. Napaangat ako ng tingin sa kanya at kita ko na parang nag-aapoy na sa galit ang mga mata niya at pulang-pula narin ang buo niyang mukha.
Nakakatakot siyang tinginan na parang anytime kaya niya akong saktan.
"Uuwi na ako!" sabi ko sabay tulak sa kanya.
"Hindi ka uuwi!" sigaw niya sabay yugyog ng balikat ko. Nanglilisik din ang mata niya.
Marahas niya akong pinasok sa loob, tinulak niya pa ako at mabilis na ni-lock ang pintuan.
"Ano ba Brandon!" sigaw ko. Natatakot na ako sa maari niyang gawin sa akin lalo pa na kaming dalawa lang dito.
"Uuwi na ako sabi!"
Pero embes na makinig, muli niya akong hinawakan sa magkabilang balikat ko. Napakahigpit nito na parang ilang segundo lang mababali na nang tuluyan ang mga buto ko. Tinulak niya ako sa nakasarang pinto at mabilis na ki-norner.
"Aray, Brandon!" daing ko. Masakit ang likod ko sa impact ng pagtulak niya. Galit na galit siya. Para na siyang isang halimaw.
Napapikit nalang ako ng maramdaman ko ang init ng hininga niya sa mukha ko. Humihingal siya na para bang tumakbo ng napakalayo.
"Talagang makikipaghiwalay kana sa akin, ha? You have the guts to do that?" sigaw niya.
"Pero hindi ganon kadali iyon Lian, pag-aari na kita. Akin ka lang, Akin KA LANG!"
"Hindi mo ako pag-aari." Sigaw ko rin sa kanya habang buong lakas ko siyang tinulak pero wala iyong epekto sa tulad niyang napakalakas para siyang pader.
"Pag-aari kita! Akin ka. . . " Mabilis akong umiling at sinalubong ang galit na titig niya.
"Puwes, mamarkahan kita para hindi ka na makuha ng iba." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay marahas niya akong hinalikan.
No! no!
Agad ko siyang sinampal pero hindi parin siya nagpaawat. Inabot niya lang ang dalawang kamay ko at pinako pataas sa gilid ng mukha ko.
"Bitawan mo ako!" sigaw ko. Binaling ko sa kaliwa't kanan ang mukha ko para makaiwas sa bibig niya pero nagpatuloy parin siya.
"Brando. . . "
BINABASA MO ANG
You are my Possession
Romance"Too much love will kill you" sabi nga sa kanta. Pero masisi mo ba ang isang tao kung nagmamahal lang siya ng sobra - sobra, to the point na kaya niyang gawin ang lahat makasama at mahalin din siya tulad ng sobrang pagmamahal niya? Masarap mahalin...