"Tinawagan mo na ba ang parents ni Ms. Lian." Umiling ako. Ang totoo takot akong iwanan si Lian dito. Takot akong habang wala ako may mangyaring masama sa kanya. Palagi kong che-ni-check ang paghiga niya at ang machine na nagmo-monitor ng kalagayan niya.
Ang Doctor na nagmo-monitor kay Lian ay isa sa mga kapatid ng Papa ko. Magaling siya kaya sa kanya ko lang pwedeng ipabuya ang babaeng mahal ko.
"Ano bang nangyari? Bakit may mga pulis na iniembestigahan ang nangyari?" nanatiling akong walang imik. Nakatingin lang ako kay Lian. Hindi lang siya ang nag tanong sa akin tungkol sa nangyari pati narin ang parents ko. Pero nanatiling sirado ang bibig ko. Abogado ko lang ang humaharap sa mga pulis.
Gusto nilang malaman ang totoong nangyari. Mayhinala kasi silang "attempted murder" ang nangyari.
Attempted murder?
Mga baliw pala siya e. How can I do that? At sa taong mahal na mahal ko?
"Bakit hindi mo magawang pumasok sa loob? Bakit nagtitiis ka lang dito?" nagtatakang tanong nito.
"Hindi ko kayang pumasok." Matipid na sabi ko. Marahan niya lang akong tinapik sa balikat ko. " you better rest kahit konti lang baka ikaw naman ang magkasakit sa ginagawa mo. Ilang araw kanang walang tulog." Pero agad akong umiling. Hindi ako magpapahinga hangga't hindi ko pa siguradong okay na siya.
Marahan na naman niya akong tinapik hudlat ng pamamaalam niya.
Apat na araw na rin pero hindi parin gumigising si Lian. Kahit manatili akong positibo hindi parin maiaalis ang takot sa puso ko sa pwedeng mangyari.
How many times, I silently spoke to Him. Bargain everything. Mabuhay lang si Lian.
And I come up to the hardest decision that I will do in the rest of life. I decided to let her go once she wakes up. Hinding-hindi na ako magpapakita sa kanya. Ni anino ko!
That's what I promise to Him just to let her wake up.
BINABASA MO ANG
You are my Possession
Romance"Too much love will kill you" sabi nga sa kanta. Pero masisi mo ba ang isang tao kung nagmamahal lang siya ng sobra - sobra, to the point na kaya niyang gawin ang lahat makasama at mahalin din siya tulad ng sobrang pagmamahal niya? Masarap mahalin...