Chapter 2

177 6 0
                                    

"Isa pa nga" sabi ko bartender na nasa tapat ko. Maingay, magulo at mausok ang paligid. Masaya ang mga tao sa paligid ko. Pero ako?

Nandito sa isang sulok naglalasing na naman. Parang gusto kong bumalik sa dating ako. Iyong patapon at walang pakialam sa mundo.

Wala akong pakialam kung makakauwi pa ba ako ngayon, basta ang gusto ko "I want to be wasted!"

The hell!

Nang ilapag ng bartender ang inuming hiningi ko agad ko itong tinungga. Tiningnan ko ang mga babaeng nagsasayaw. Puro sila mga sexy at hot para silang mga ahas kong makasayaw sa dancefloor.

Tsk! Napangisi ako. Maraming mga imahe akong naiisip.

Pero unti-unti din nawala ng maalala ko ang mukha ni Lian. Matamis ang ngiti at ang kanyang mapupungay na mata.

Shit! Para na akong mababaliw. Napahilamos ako ng mukha.

Bakit ganito kasakit?

Bakit?

Nasa ganoong posisyon ako ng may magsalita.

"Sir nandito na po." Sabay abot niya ng isang transparent na pakiti. Kita doon ang puting pulbos.

Ngisihan ko siya sabay tayo ko para maglakad sa kwartong nirerentahan ko dati.

Dating gawi!

Nang makapasok ako sa kwarto agad akong umupo sa isang malaking upuan at nagdekwatro. Hinayaan kong gawin ni Dos, isa sa mga bodyguard ko ang dapat gawin. Alam na niya ang gagawin dahil parati ko itong ginagawa noon.

Wala siyang imik habang minamaniobra ang mga dapat gawin.

Nang matapos inabot niya ito sa akin.

Mabilis ko itong sininghot na para bang excited na excited akong tikman ito ulit.

Shit!

Parang nabuhay ang dugo ko habang simisinghot nito. All the familiar feeling before is all coming back. I felt I came back after a long long journey. Naramdaman ko na naman na para akong lumilipad, na parang ang gaan ng feeling.

And that's what I want!

Marami at iba't-iba ang naramdam ko habang sinisinghot ito. Maraming mga imahe, mga bagay na parang lumulutang kasama ko.

Ang saya naman, naabot ko ang langit. Nahahawakan ko ang mga ulap.

Yuhooooo! Sigaw ko.

Ilang sandali pa ng naagaw ang atensyon ko ng makita ko si Lian. Nakangiti nang matamis at mapungay ang mga matang tumitingin sa akin. Papalapit siya sa akin habang unti-unti at isa-isang kinakalas ang kanyang mga damit.

Damn woman!

"Baby, I love you!" she said seductively. " I love you too. . . so much."

Nang tumapat sya akin, hinubad niya ang nag iisang saplot niya.

And she's naked. Parang biglang nagwala ang dugo ko. Ura-urada ko siyang hinalikan sa labi at hinablot ang kamay niya patungo sa alaga ko.

You are my PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon