Chevalier Mansion
4:00 AMBumangon ako at napansin mula sa bintana ng kwarto ko na madilim pa sa labas.
May sariling body clock ang katawan ko kaya naman walang silbi ang alarm clock dahil nauuna pa akong magising kesa sa tunog nito.
They said I'm one of the country's best and youngest businesswomen, but I can't remember anything. Wala akong maalala sa nakaraan, basta nagising nalang ako sa hospital at matapos bumalik ng lakas ko ay sinundo ako ng butler ko at napag alaman ko na naaksidente ako at na coma ng ilang buwan nuong gabi mismo matapos ang kasal ko sa isang napakagandang binibini.
Ayaw ko ngang maniwala na kasal ako pero pagtapak ko sa mansion ay nakita ko duon ang isang wedding picture. Impossible naman na maging edited iyon e halos lahat ng tauhan ko sinasabi na totoo ang picture na iyon. We're not wearing fancy clothes there, like what you could see at a wedding. We're just wearing formal attire there. Kung hindi lang dahil sa singsing na pareho namin suot ay hindi mo masasabi na wedding picture iyon.
I'm married to Cassiopeia Imperial. The rising actress in this generation and one of the hottest and best-known models alongside her friend Charlotte Spencer-Antońio, who right now is on hiatus because she's pregnant with her first baby.
Hindi ko alam kung prank lang na kasal nga kami kasi ever since na makalabas ako ng hospital ay mabibilang lang sa daliri kung dumalaw sya dito sa mansion, hindi ko din alam kung dinalaw din ba nya ako sa hospital nuong comatose ako. Mas madalas pa nga na hindi kami nag uusap dahil mailap sya at palaging busy. Kung hindi nasa studio ay nasa taping naman sya at tanging manager lang nya ang nakakausap ko.
I can't remember her, okay? Even the slightest sweet moment with her, ay wala akong maalala.
Nuong tinanong ko naman si Butler Joe ay ang sabi lang nya, ako ang may gusto sa babaeng iyon. Niligawan ko daw at hiningi ang blessing ng parents para mapakasalan.
Gusto ko ngang matawa dahil kung ganuon sya ka espesyal sa akin ay bakit wala akong maalala tungkol sa amin?Nag try din akong mag search online kung nabalita ba na kasal kaming dalawa pero wala naman lumabas. The only thing I saw were her rumored boyfriends in showbiz. She's been linked to different men, mostly co-models or artists, but none of them have been confirmed. The only thing that somehow makes me sad is that she never tells the media that she's married and that she's still an Imperial, even though I saw on the copy of our marriage certificate that she's supposedly using my surname.
Hindi ko sya ni confront tungkol duon dahil baka may rason sya and besides kilala sya sa industry as an Imperial at malaking issue nga naman kapag nalaman na kasal na sya.
Ang daldal ko pero hindi pa pala ako nagpapakilala. Well, my name is Grei Daniele Chevalier, and that's it for now because I can't remember what I'm really like.
************
Pinahinto ko ang treadmill at pawisan na bumaba duon. Dinampot ko ang towel ko at humarap sa pinto ng gym kung saan nandun nakatayo si Butler Joe. Tinaasan ko sya ng kilay habang nainom ako ng tubig sa flask na baon ko at saka ako lumapit.
"Naistorbo ko po ba kayo?"- magalang na tanong nya.
"No, I'm done for today. What brings you here?"
Sinampay ko ang towel sa leeg ko at pinunasan ang pisnge ko. Napahinto lang ako dahil sa sunod nyang sinabi.
"Your wife is here, ma'am."
I sigh and look at my reflection in the mirror. I'm sweaty, but I still look good. My well-toned abs are showing too, and my long legs are defined because of the leggings I'm wearing.
![](https://img.wattpad.com/cover/346512623-288-k198815.jpg)