"Actress and supermodel Cassiopiea Imperial was seen roaming around France with her rumoured boyfriend.
The two were seen first eating in a restaurant with their Parisian friends and later walking down the city together."
My grip on the glass I was holding tightens as I listen to the news headline.
Ang aga aga ayan agad ang bungad. Buti sana kung hindi ako puyat e.
"Kakaalis lang nya may issue na naman." - malamig na sabi ko at tinignan si Butler Joe.
"Masanay ka na sen--"
"Stop calling me that. Use ma'am instead." - suway ko sa kanya.
"Okay ma'am. Ang sabi ko nga po masanay ka na. Nasa showbiz industry po ang asawa mo at hindi talaga maiiwasan na may ganyan balita sa kanya."
Tinulak ko pa layo ang baso na hawak ko at sumandal ako sa swivel chair ko.
"Why is it so hard for her to say that she's married? Or that she's dating someone else and not that man?"
"Marketing strategy po yan ma'am. The more na may tumangkilik ng tandem nila, the more na ipipilit ng management na meron kunwari sila para din sa pera na papasok dahil sa mga fans. Pera pera lang naman ho kasi ang ganyan, pero minsan ano..."
"What?"
He cleared his throat. "Sometimes, the people involved are falling in love for real. Instead of fan service only, it'll become real."
Napairap ako at binuksan nalang ang files na nasa ibabaw ng mesa ko. Subukan lang nya. Gagawin kong bankrupt lahat ng taong malilink sa kanya.
Ay no! That's too much. Ang OA ko naman.
"Iwan mo na muna ako. Mag babasa ako."
Yumuko ito bago tumalikod at nagtungo sa pinto ng office ko. Nang ako nalang mag isa ay pinatay ko na ang television. Napahaplos ako sa mukha ko at pinagpatuloy na lamang ang pag babasa.
It's always like this. When she's far away from home, I'm busy with my own work. It's okay that she's going in and out of the country, but these rumours about her are not funny.
Lahat nalang ng galaw nya may issue pero sabi nga ni Butler Joe, pera pera lang kaya siguro hindi din nya magawang magsalita dahil management pa din nya ang ma susunod dahil naka pirma sya ng kontrata.
*******
"Ma'am Daniele?" - isang baritonong boses ang pumukaw sa atensyon ko.
Napalingon ako sa buong paligid at ngayon ko lang napag tanto na nasa conference room pala ako at napapaligiran ng mga tao na weird nang nakatingin sa akin.
"What is it again?" - I asked, confused.
May ibang napailing kaya napa taas ang isa kong kilay.
"Pardon me for not listening well. I forgot to drink my medicine," - I coldly said, watching them one by one.
These employees were so two-faced. I can read them. Some are afraid, but some are just so thick-faced that their disapproval of me being their boss is evident.
"Repeat what was being said. I will listen now, or if you don't want to, the door is open. You can all resign and leave quietly."
May ilang nag reak at yung iba hindi pa magkumahog sa pagsisikuhan kung sino ang kakausap sa akin.
Tumayo na ako---
"Ma'am! Wait lang po. Aayusin nalang po namin ulit ang trabaho namin. Sa ngayon po pwede naman po namin isend ito sa email mo para mabasa mo po ng maayos." - the head of the team said.