Nasa gym ako ngayon, walang sawang nag boboxing. Pawis na pawis na ako at hingal na hingal pero ayaw ko huminto.
It's been two days since the incident happened. My wife postponed all of her schedules due to what happened, and I'm relieved that her management let her rest until her wound healed. The news was still trending, and it's freaking annoying.
Pinuntahan din sya ng parents nya sa hospital at sinabihan na dito na nga sa mansion namin mag asawa mag pagaling para daw hindi nawawalan ng kasama si Cass dahil palagi din silang busy sa work nila.
"Ugh!" - I groan as I throw my final punch. I lean down and put my hands on my knees while breathing hard.
I can feel my sweat falling from my face down to my neck and chest.
Umayos ako ng tindig at lumakad papunta sa gilid kung saan nakapatong ang tubigan ko.
Hindi ko pa ito nabubuksan nang mahagip ng mata ko ang imahe ng babaeng naka sandal sa hamba ng pinto ng gym.
I wipe my sweat and raise my brow at her.
"What are you doing here?"
Hindi ko sya napansin kanina pero mukhang kanina pa yata sya duon. Pakialam ko naman di ba? May karapatan naman syang mag ikot sa buong bahay dahil asawa ko sya.
Tapos na ako sa pag inom ng tubig pero nanatili lamang syang tahimik.
"Why are you even wearing such a--" - I didn't finish what I'm saying and just chose to blow an air.
Ang iksi ng dress nya. I know comfortable naman sya duon pero ang sexy kasi nya sa paningin ko. Nakaka pang hina ng tuhod.
"I'm done eating my breakfast," - she said after awhile. "Are you done here too?"
"Yeah. Papalinis ka na ng sugat mo?"
Binalik ko na sa dating ayos ang mga equipment na ginamit ko. At dinampot ko na din ang mga gamit ko.
"I can wait if you're--"
"I don't want you to wait." - I said, completely ending the topic and walking off.
I'm not being cold. I'm just tired. Habang naglalakad kami ay nilingon ko sya dahil ang tahimik nya. Well, palagi naman syang tahimik around me, but it's different now. I can feel the awkwardness.
"Sa room mo?" - basag ko sa katahimikan.
"Pardon?"
"Tayo."
Pareho kaming huminto sa gitna ng hagdanan at medyo matagal na nag titigan. Ako din ang unang nag bawi dahil hindi ko kayang tignan ang mga mata nyang may pagtingin sa iba.
"Sa room ko nalang ulit." - sabi ko nalang dito at nauna na ulit lumakad.
Nag suot lang ako ng tshirt pagkapasok ko para naman komportable sya na kaharap ako, kahit naman maganda ang katawan ko ayaw ko pa din ibalandra iyon dahil baka ma misinterpret pa nya. Mamaya nalang ako maliligo kapag hindi na ako pagod.
"Take a seat. Kukunin ko lang yung pang linis." - sabi ko at tinuro ang couch.
Hindi ko na sya inantay pa na magsalita at dumiretso na ako sa cabinet sa loob ng banyo. Pag balik ko ay naabutan ko syang nakatitig sa ilalim ng mesa.
Hindi ko nalang sya tinanong kung bakit. Kasi imposible naman na mag taka sya kung bakit wala na duon ang madaming magazines nya na nakita nya nung isang araw. Nilipat ko na iyon ng lagayan dahil nahiya ako nung time na yon.
"Are you alright?" - I speak to catch her attention.
Hinawakan ko na din ang braso nya para matanggal ang benda nito.
