Chapter 3

18.5K 821 220
                                    






Maganda ang gising ko kinabukasan. Maaga akong nag gym at nag pokus sa trabaho at katulad ng sinabi ko kay Butler Joe gusto ko ng cherry kaya naman natuwa talaga ako nuong binilhan nya ako.

"Hindi ko po alam kung anong meron pero sana palagi nalang kayong may amnesia."

Natigil ako sa pag kain at sa pagbabasa dahil sa sinabi nitong matandang ito.

"Ah eh, ang ibig ko pong sabihin mas maganda ang aura nyo ngayon kumpara po nuon."

My eyes squinted. What's with my now and my past self?

"Bakit? Ano ba ako dati?"

"Dragon."

"Aish!"

Umirap ako at bumalik ulit sa ginagawa ko. Maya maya ay nagpaalam na din naman sya pero hindi na ako umimik.

Nang ako nalang ang nasa office ay binaba ko ang binabasa ko at pinagmasdan ang isang cherry na hawak ko. Kanina ko pa gusto I reminisce ang nangyaring kiss sa amin ng asawa ko pero pinipigilan ko lang mag day dream dahil kay Butler Joe. Aasarin lang kasi ako nun kapag nakita nya na lutang na naman ako.

Napangisi ako bago iyon isubo at namnamin ang tamis sa loob ng bibig ko. It tasted like her lips.

After doing my work and finishing off the bowl of cherries, I decided to go out of my office and roam around the mansion while holding a glass of water.

I stopped on my track when I saw my wife in the living area. In front of her was her open laptop, and by the looks of it, I know she's doing something. Her glasses suit her. She's really pretty, even if she's in her side view.

Tahimik akong lumapit sa kanya pero hindi naman nya ako tinapunan ng tingin kahit naupo na ako sa tabi nya.

"What are you doing?"

"Working."

Ngumuso ako at binaba sa center table ang hawak kong baso.

"Nag so social media ka lang e."

"I'm working nga."- she said again and exhaled.

She's doing something on her Facebook page. She must be updating her followers here about her whereabouts now.

Ang dami nyang notifications. Buti hindi sumasabog ang phone or gadgets nya kapag tunog ng tunog dahil sa mga notifications na napasok. Napaka famous naman niya, ang sakit sa ulo tignan ng numbers.

Matapos nya sa facebook ay nag punta naman sya sa instagram. May kinalikot muna sya sa phone nya bago ulit tumingin sa laptop nya.

"Cass? Kung ang daga ay mabait——"

"Save your joke to yourself."- she cut me off abruptly.

"Sungit naman ng beshy ko."

"Seriously? Bakit ba ang kulit mo?"

Tinignan pa nya ako habang nakataas ang kilay nya. Ngumiti naman ako at unti unting lumapit hanggang sa makakuha ako ng pagkakataon na makahiga at makaunan sa hita nya.

My cheek landed on her flawless thighs. She's wearing shorts, guys; that's why I can feel the warmth of her skin, and it sent shivers down my spine. Butterflies in my stomach start to get wild as well.

"Get up. I'm working!"

"You're just posting pictures of your travel abroad." - I defend myself and close my eyes.

"It's still a part of my work! Tayo ka na dyan!"

Bahagya pa nya akong tinulak tulak pero hindi ako nagpatinag. Nanatili ang mata ko sa screen ng laptop nya habang inaabot ko yung mouse. Chineck ko yung mga pictures na iuupload nya at napangiti na naman ako dahil lahat iyon ay maganda. Kahit blurred ang ganda.

Lowkey Enchanted 🍀Where stories live. Discover now