Chapter 2

20.3K 791 196
                                    




Nagmulat ako ng mata at pinakiramdaman ang paligid. Nasa loob ako ng kwarto at nakahiga sa malaki kong kama. Bumuntong hininga ako at pinatong ang braso ko sa noo ko dahil naalala ko na nahimatay pala ako sa harap pa mismo ng asawa ko.

"Stop arguing with yourself and get up. Your food already ran out of heat."

Napalingon ako sa may bintana at duon nakita ko ang babaeng nakatalikod at naka cross arms habang nakatanaw sa labas.

Bumangon ako at inantay ang pagharap nya sakin. Napalunok naman ako dahil ramdam ko ang paglakas ng tibok ng puso ko nuong dahan dahan na syang umikot paharap sa akin. Parang nag slow motion pa nga e at yung liwanag sa bintana ang nagsisilbing pinagmulan nya.

Dyosa..

"Kumain ka na."

Umalis sya sa pwesto nya at naupo sa single couch na nanduon sa kabilang banda at nagsimula na syang magbasa ng magazine's.

Namilog ang mga mata ko dahil halos lahat ng magazine na meron ako ay patungkol sa kanya. Kaya naman bago pa nya makita lahat ng cover niyon ay nakatalon na ako pababa ng kama at hinablot sa kamay nya yung hawak nya. Pati yung ibang naiwan sa ilalim ng maliit na mesa ay tinanggal ko at nilayo sa paningin nya.

I don't know if I had them before, but some of those magazines were old. Mukhang totoo nga yung sinabi ni Butler Joe na may gusto ako sa babaeng ito dahil meron ako lahat ng magazines na sya ang cover. Oh my gosh!

"You don't get to touch my things."- I said, facing her after I hid those inside the cabinet.

Mukha naman syang hindi na offend. She even leans her back on the chair and puts her legs over another, as if she's the owner of this room.

My eyes unconsciously landed on her exposed legs. I swallowed hard and gripped the hem of my shirt.

"K-Kakain na ako."

"Wala sa hita ko ang pagkain mo."- matabang nyang sabi at umismid.

Napatalikod ako agad at hindi nalang sya pinansin. Lumapit ako sa tray ng pagkain at tinanggal ang takip niyon. Naupo na ako at kumain na hindi sya tinitignan kahit ramdam na ramdam ko ang pagtitig nya sa akin. Kung nakakabutas nga lang ang tingin nya baka kanina pa ako nakahandusay dito.

"May masakit ba sayo?"- tanong nya matapos akong kumain.

Taka ko syang tinignan dahil first time ko marinig iyon sa kanya.

"Don't be mistaken. I'm just asking on behalf of your doctor. She told me to update her if something was not right."

Napanguso ako. Matutuwa na sana ako e pero binawi agad.

"I'm feeling good."- cool na sambit ko at nagpamulsa sa sweat pants na suot ko.

She stood up and unfolded her arms. "That's good. I'll get going now."

"Aalis ka?"- hindi ko naman gusto magtunog na kabado pero kusang naging ganon ang dating ng tanong ko lalo pa at humarang pa ako sa dadaanan nya.

She looked at me strangely and slowly shook her head. "I'm going to my own room."

"You can stay here.. I mean ano..Ah——"

Her eyes squinted, and it makes me nervous because maybe she conveyed my message in the wrong way.

"I'm not asking you to sleep with me!"- depensa ko agad kahit wala naman syang sinasabi.

"May naalala ka na ba?"

Umiling ako at napabuntong hininga naman sya saka natawa ng walang buhay.

"Buti ka pa. Bakit kasi ikaw? Kung pwede naman ako edi sana mas madali sa akin ang iwanan ka."- walang prenong sabi nya.

Lowkey Enchanted 🍀Where stories live. Discover now