Red POV
Bago ko umpisahan ang kwento ko gusto ko muna mag pakilala sa inyo. Ako nga pala si red Martinez, 20 years old. Isa akong gay. Tanggap yon ng magulang ko at ng dalawa ko pang kapatid na lalaki. Sa totoo niyan kambal sila. Si kuya Marco at kuya Mario, 25 years old na sila. Dati nalilito ako sa kanila dahil sa sobrang magkamukha talaga sila. Pero ngayon hindi na dahil si kuya mario nag patattoo sa braso niya. Hindi naman nagalit si papa at mama sa kanya. Okay lang raw yon para rin may palatandaan at hindi nakakalito.
"Late kana oy. Tulala ka nanaman." Biglang sabi ni kuya marco. Napatingin tuloy ako sa kanya.
"Saan?" Tanong ko naman. Napailing nalang siya sa tanong ko sa kanya.
"Ewan ko sayo. Maiwan na nga kita dyan." Sagot niya naman saka umalis. Kinuha ko naman ang phone ko. May isang message dito kaya binuksan ko.
"Hoy red asan kana raw sabi ni madam." Sabi ni khella kaibigan ko na nag tatrabaho sa parlor. Teka parlor? Hayy... Yon yata sinabi ni kuya marco kanina na late na ako. Bakit ba kase kinalimutan ko.
Nag madali ako pumunta sa kwarto ko para kunin ang bag ko saka ako pumunta kay kuya marco.
"Kuya pahiram ako pamasahe. Balik ko nalang sa Sunday. Late na nga ako." Sabi ko sa kanya sabay lahad ng kamay ko sa kanya.
"Kinalimutan mo kase. Oh." Sabi niya sabay abot ng 50 pesos sakin. Ngumiti naman ako sa kanya saka nag peace sign.
"Salamat.. Alis na ako." Paalam ko naman. Saka kumaway. Naka salubong ko si kuya mario na pawisan. Galing nanaman to sa gym.
"Late kana ah!." Sigaw niya. Naka sakay na kase ako sa tricycle. Kumaway lang ako sa kanya.
-----
"Bakit late ka.?" Tanong nu khella sakin. Ngumiti naman ako sa pilit sa kanya.
"Nakalimutan ko na ngayon pala ang unang araw ko dito sa parlor ni madam." Sagot ko naman sa kanya. Napailing nalang siya sa sinabi ko.
"Ganon." Nasabi niya nalang.
Naka tuka ako sa buhok hindi kase ako marunong mag make up. Hanggang sa buhok lang talaga. Kaya si khella ang sa make up. Saka parang napilitan lang nga si madam na ipasok ako dito sa parlor niya kaya pakiramdam ko hindi ako mag tatagal dito.
"Good morning sir.." masayang bati ni khella sa lalaking kakapasok lang. Binati ko rin ito.
"Pabawasan ko lang ng kunti yong buhok ko." Sabi nito.
"Ay sige po. Dito nalang po kayo maupo." Sabi pa ni khella. Naupo naman ito. Kinuha ko naman ang suklay saka gunting pero bago yon nilagyan ko muna ng powder ang tissue saka ko nilagay sa leeg ni sir at saka nilagyan siya ng balabal para hindi malagyan ng buhok ang damit niya at hindi mangati sa leeg niya. Tinanong ko pa siya kong alin ba ang babawasan. Ng ituro niya ito saka ko inupisahan na gawin yon. Kunti lang naman pinabawas niya kaya madaling natapos rin naman.
"Bagay naman ba.?" Tanong niya sakin. Tumango naman ako sa kanya. Ngumiti lang siya sakin saka niya inabot ang bayad niya. Nag paalam na ito kaya binigay kuna kay khella yong bayad ng lalaki. Siya rin kay ang pinagkakatiwalaan ni madam. Saka tuwing sabado at linggo lang nan dito si madam.
"Galing naman. Unang araw naka benta agad ah." Masayang sabi ni khella. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Oo nga eh. Kinabahan pa ako kala ko dito ko magagawa eh." Nasabi ko naman. Tinapik niya naman ako sa balikat.
"Wag ka kabahan. Kaya mo yan." Sabi niya pa. Tumango lang ako sa kanya saka ngumiti.
Ilang saglit pa may pumasok ulit na dalawang lalaki. Naka unipormi ito na pang police. Sinalubong agad sila ni khella at masayang binati ang mga ito.
YOU ARE READING
MR. POLICEMAN IS A WALKING RED FLAG (BOYxGAY)
RomanceAng kwentong ito ay isang katang isip lamang.. sana magustohan niyo. ps: rated SPG ang kwentong ito. 18 pataas lamang ang pwede mag basa ng kwento nito.