Chapter: 14

2.3K 34 3
                                    

Red POV

Pag dating namin ni jacob sa sala ay nan dito nga sila kuya naka upo sa sofa. Tumayo naman agad ito ng makita kami na papalapit sa kanina.

"Pinapauwi ka ni papa." Bungad agad sakin ni kuya marco.

"Bakit raw?" Tanong ko naman sa kanya.

"Aalis raw tayo kase bukas birthday ni lola kaya pupunta tayo sa bahay nila." Sagot naman ni kuya mario. Ngumiti naman ako saka ako kumapit ako sa braso ni kuya mario.

"Yhiieee.. ngayon na ba tayo aalis?" Masayang tanong ko pa.

"Oo kaya tara na." Sagot naman ni kuya marco.

Tumingin naman ako kay jacob.

"Alis muna kami. Tatawag nalang ako sayo pag nakarating na kami kala lola." Paalam ko naman sa kanya. Hinila niya naman ako saka niyakap.

"Wag kang lalabas don ha. Don ka lang sa bahay ng lola mo." Bulong niya naman sakin. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Yes boss!" Masayang sabi ko saka ko siya hinalikan sa pisnge.

Hinatid naman kami ni jacob sa labas ng bahay niya.

"Lagi akong tatawag sayo." Sabi niya pa. Tumango nalang ako sa kanya. Nakatakas rin kay jacob.

Jusko ko sobrang kinabahan talaga ako sa kinilos niya kanina. Bakit ba siya nagkaganon. Sobrang ibang-iba siya kanina. Parang hindi siya si jacob. Parang may ibang tao sa katawan niya na kumukuntrol sa kanya.

------

Nan dito na kami sa bahay ni lola ang mama ni papa. Dito kami matutulog tapos bukas ng gabi kami uuwi. Nag mano naman ako sa lolo at lola ko. Niyakap pa ako nito dahil ang laki ko na raw at ang ganda. Natawa pa ako dahil sinabihan ako na dalaga na raw ako.

"Luhh dalaga na si red oh." Naka ngiting bati naman sakin ng pinsan ko si kuya alex. Nag apir naman kaming dalawa.

"Naman.. ako pa ba.. "natatawang sabi ko sa kanya.

"Nako alex may boyfriend na nga yan eh." Biglang sabi naman ni kuya marco.

"Ang daldal mo talaga kuya." Nasabi ko naman kay kuya marco. Bigla naman tumunog ang phone ko kaya sinagot ko agad ito.

"Nakarating na kayo?" Bungad na tanong niya agad.

"Oo." Maikling sagot ko naman.

"Baby sino yang kausap mo.?" Biglang tanong naman ni kuya alex kaya nailayo ko ang phone ko saka ko siya hinampas sa braso. Tumawa lang siya.

"T*ng'in*! Sino yon.!?" Galit na tanong naman ni jacob.

"Pinsan ko yon. Nang aasar lang." Sagot ko naman sa kanya.

"Baby nag seselos na ako." Dagdag pa ni kuya alex. Kaya nasipa ko siya. Nag apir naman sila ni kuya marco.

"Fuck! Red, san yan. Susundoin na kita.!" Galit na sabi naman ni jacob. Jusko napakaseloso pa naman ng isang to. Malalagot nanaman ako nito.

"Pinsan ko nga yon. Nang aasar sila ni kuya marco." Sabi ko naman kay jacob. Tinalikuran ko naman silang dalawa saka ako lumabas ng bahay. Narinig ko pa na tumawa yong dalawa.

"Umuwi kana nga. Bwisit na yan." Inis na sabi niya. Galit na talaga siya.

"Wag mo nalang pansinin yon. Inaasar ka lang eh. Saka bukas ng gabi pa kami uuwi." Sabi ko naman sa kanya.

"Napipikon na ako red!" Sabi pa nito. Napabuntong hininga nalang ako. Isipin ko pa lang kong pano siya magalit kinakabahan na ako.

"Alam mo naman na seloso ako diba? At alam mo rin na ako lang nag mamayari sayo." Sabi na niya.

"Oo alam ko. Saka hindi naman ako nag lalandi eh. Ikaw lang ang boyfriend ko." Sagot ko naman sa kanya.

"Saka pinsan ko lang talaga yon si kuya alex. Mapagbiro lang yon kaya wag mo nalang pansinin." Dugtong ko pa sa kanya. Napabuntong hininga naman siya.

"Uwi kana muna dito. Ihahatid nalang kita dyan bukas." Sabi naman niya.

"Baka hindi ako payagan ni papa. Babawi nalang ako pag uwi ko dyan." Sabi ko naman sa kanya.

"Baka naman ayaw mo lang talaga umuwi dito dahil kasama mo ang baby mo dyan!?" Sabi naman niya na halatang galit na talaga. Hayy ang hirap naman mag paliwanag pag seloso ang boyfriend.

"Hindi ko baby yon. Pinsan ko nga yon si kuya alex." Naiinis na sabi ko naman sa kanya. Nakakainis na kase parang wala siyang tiwala sakin. Parang pinagdududahan niya pa ako. Parang kahit anong paliwanag ko ayaw niya paniwalaan.

"San ba kase yan?" Tanong niya. Kaya sinabi ko nalang sa kanya ang address para tumigil na rin siya. Bahala na kong pupunta siya rito.

"Pupuntahan kita dyan mamaya. Pag out ko sa trabaho. Wala ka naman kase dito kaya papasok nalang ako sa trabaho tapos dyan agad ako pupunta." Sabi niya pa.

"Okay. Mag iingat ka." Nasabi ko naman dahil kahit sabihin ko na wag na siya mag punta dahil baka pagalitan ako ni papa hayaan ko nalang. Ako na bahala mag explain kala papa mamaya. Dahil kong sabihin ko na wag na siya mag punta siguradong magagalit to at mag iisip nanaman ng kahit ano. Baka lalo lang siya mag hinala.

"Sige na. Mamaya nalang ulit." Paalam niya naman.

"Okay." Maikling sagot ko naman.

"I love you" sabi niya. Napangiti tuloy ako.

"Okay." Sagot ko.

"Anong okay!?" Inis na tanong niya.

"H-ha? I mean i love you too." Kinakabahang sagot ko sa kanya. Jusko kong kelan naging sweet na saka pa ako nagkamali ng sagot..

"Akin ka lang red." Sabi niya pa.

"Oo sayo lang ako." Sagot ko naman sa kanya

Nag paalam na siya dahil naka ready na raw siya papunta sa trabaho niya. Nag paalam na rin ako dahil hinahanap na rin nila ako sa loob.

-----

Nagkasiyahan na rin kahit bukas pa ang birthday ni lola. Nag aya kase nang ibang pansin ko mag inom kaya napasama na rin. Para raw sa mag pipinsan at mag enjoy na rin dahil ngayon nalang nga rin nag sama-sama.

Bali dito kami sa sala nag inom. Katabi ko si kuya mario at sa kabila naman si kuya marco, kaya napagitnaan nila ako. Ayaw ko rin kase may katabi akong lalaki lalo na si kuya alex dahil baka tumawag si jacob at mag loko nanaman si kuya alex malalagot na talaga ako kay jacob nito. Alam niyo naman na napakaseloso ng pulis na yon.

9pm na ng mag text si jacob na kakaout niya lang raw at papunta na rin siya dito. Hindi na rin siya pumunta sa bahay niya para mag palit. Huminga naman ako ng mamalim dahil alam kuna ang mangyayari mamaya pag dating niya dito.

••••••
Itutuloy....

Sorry guys kong now lang ako nakapag publish.. medyo busy lang kase para sa birthday ng pamangkin ko.

MR. POLICEMAN IS A WALKING RED FLAG (BOYxGAY)Where stories live. Discover now