Chapter: 09

2.7K 37 1
                                    

Red POV

Nan dito na nga kami ni jacob sa bahay. Magkatabi kami na naka upo habang nag aalmusal. Kumain na raw muna bago sila mag usap ni jacob sabi ni papa. Binulongan kuna nga si jacob na umalis na pakatapos kumain dahil may trabaho pa siya ayaw naman makinig dahil makikipag usap pa raw siya kay papa.

So yon nga natapos na kami kumain kaya tinulungan kuna si mama mag ligpit ng kinainan. Si papa naman inaya sa sala si jacob kaya ang dalawa ko na kuya. Naka sunod naman ako ng tingin sa kanila. Tumingin pa sakin si jacob saka ngumiti sabay kindat.

"Gusto ka talaga niyan anak." Biglang sabi naman ni mama habang nag pupunas ako ng mesa.

"Ma naman." Nahihiyang sabi ko.

"Hindi yan pupunta dito sa bahay kong hindi ka niya gusto. Tingnan mo makikipag usap pa sa papa mo at mga kapatid mo. Kumindat pa sayo kanina." Sabi pa ni mama.

"Pulis kase kaya walang kinakatakutan." Nasabi ko nalang. Natawa naman si mama. Nag hugas ako ng kamay saka ako pumunta sa sala para tingnan sila at kong ano ba pinag-uusapan nila. Naupo ako sa tabi ni papa na kaharap si jacob.

"Seryoso kaba talaga sa anak ko?  kase kong hindi eh hindi kana rin pwede pumunta dito sa bahay." Tanong ni papa kay jacob. Pinandidilatan ko naman si jacob ng mata habang umiiling. Ngumiti naman siya sakin.

"Opo sir. Seryoso po ako sa anak niyo. Seryoso po ako kay red." Sagot naman ni jacob. Napatampal naman ako sa noo ko. Tumingin naman sakin ang mga kuya ko saka si papa.

"Bakit ganyan reaction mo?" Tanong ni papa sakin.

"Wala po papa." Sagot ko naman.

"Pag naging kayo ba ng anak ko iingatan at mamahalin mo ba siya kahit sino pa siya.?" Tanong nanaman ni papa kay jacob. Tumango naman si jacob na naka ngiti.

"Opo sir. Mamahalin at iingatan ko po siya kahit sino pa siya kase seryoso po talaga ako sa kanya kaya sana po payagan niyo ako na ligawan si red. Hindi ko po siya sasaktan sir. Pangako po yan." Sagot naman ni jacob kay papa.

"Seryoso ka talaga sa mga pinagsasabi mo?" Tanong ko naman sa kanya.

"Oo seryoso ako." Sagot niya naman. Ngumisi naman siya sakin.

"Alam ko gusto mo rin ako kase hinalikan mo nanaman ako kanina pag punta mo sa bahay." Sabi niya naman ng nakakaloko. Napanganga naman ako sa sinabi niya.

"Hoy kapal mo. Ikaw ang humalik sakin kanina. Binabaliktad mo nanaman ah." Sabi ko naman sa kanya. Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Nagustohan mo naman. Ngumiti ka lang nga kanina eh." Pang aasar niya pa.

"Baliw ka. Ewan ko sayo." Yan nalang nasabi ko sa kanya saka ko siya inirapan sabay kapit sa braso ni papa saka ako tumingin kay jacob saka dumila.

"Payag na po ba kayo na liwagan ko si red.?" Tanong nanaman ni jacob.

"Oo papayag na kami basta tuparin mo lang yong pangako mo." Sagot naman ni papa.

"Salamat po sir." Masayang sabi naman ni jacob kay papa.

"Tito nalang itawag mo sakin." Sabi naman ni papa kay jacob.

"Sige po tito." Sabi naman niya kay papa.

"Hindi naman ako pumayag eh." Nasabi ko naman.

"Pumayag ka man o hindi liligawan parin kita hanggang sa mapasakin ka." Seryosong sabi niya naman. Hindi naman ako naka sagot sa sinabi niya.

"Oh sige na basta yong pangako mo tumarin mo." Sabi pa ni papa saka ito tumayo. Tumayo naman si jacob saka lumapit sakin at umakbay.

"Tara na." Sabi niya. Inalis ko naman ang kamay niya.

"Umalis ka kong aalis ka." Sabi ko naman sa kanya.

"Late na tayo hoy. Nag text na nga sakin si khella hinahanap ko." Sabi niya pa. Hala nakalimutan ko may trabaho nga pala ngayon.

"Hala naman late na ako. Ikaw kase." Sabi ko naman saka ko siya hinampas sa braso niya.

"Nasisipa tuloy ako." Nasabi niya naman. Humawak naman siya sa kamay ko pero binitawan niya naman agad ito saka nag tuloy sa kusina kong nasan si papa at si mama.

Pero ilang saglit lang bumalik din naman agad siya na naka ngiti. Humawak ulit siya sa kamay ko sabay hila sakin paalis. Sumigaw nalang ako para makapag paalam kala papa.

"Bakit bumalik kapa don sa kala papa.?" Tanong ko sa kanya.

"Nag paalam lang ako. Buti nalang nag paalam si tito." Sagot niya naman. Lumapit naman siya sa kutse niya saka ako pinagbuksan ng pinto.

"Sweet natin ah." Nasabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya saka kumindat.

"Siyempre para mainlove ka agad sakin at para sagutin muna agad ako." Sabi niya naman. Umirap lang ako sa kanya na ikinatawa niya naman.

Ilang saglit pa nakarating na agad kami sa shop. Bumaba siya saka ako pinagbuksan ulit ng pinto. Bababa na sana ako ng pigilan niya ako ng halikan niya nanaman ako sa labi kaya naitulak ko siya.

"Kanina kapa. Nakakarami kana." Sita ko sa kanya.

"Bakit ba. Eh akin naman yan." Sabi niya naman na mukhang nag yayabang pa.

"Alis na nga dyan late na ako ng dahil sayo." Sabi ko nalang sa kanya.

Sinara niya naman ang pinto kaya nag tuloy na ako sa loob ng shop. Pag pasok ko may naka upo naman na tatlong lalaki.

"Ang tagal mo naman. Kanina pa sila kakahintay sayo." Bungad sakin ni khella sabay turo don sa mga lalaki. Lumapit naman agad si Jacob sakin.

"Bakit? Sino ang mga yan at hinihintay nila si red.?!" Masungit na tanong naman ni jacob kay khella.

"Ay sir mag papagupit po ang mga yan." Sagot naman sa kanya ni khella saka ngumiti ng pilit. Ano ba iniisip ng isang to.

Nilagay ko naman ang bag ko sa may tabi ni khella kong sang naka lagay din ang bag niya. Saka ko pinaupo ang isang lalaki na mag papagupit. Nag spray muna ako sa buhok niya ng tubig saka ko ito sinuklay. Tinanong ko pa kong anong style ba na gupit gusto niya. Ng sabihin niya kong ano yon ay inumpisahan kuna siya gupitan.

"Aalis na ako. Tatawag ako sayo mamaya para sabay na tayo umuwi." Sabi naman ni jacob. Tumango lang ako sa kanya saka ko tinuloy ang ginagawa ko.

"Sabi ko aalis na ako." Sabi pa niya. Kala ko naka alis na siya. Tumingin ako sa kanya pero naka kunot naman ang noo nito.

"Okay po sir. Ingat." Sabi ko naman sa kanya saka ngumiti. Ngumiti naman siya pabalik. Lumapit pa siya sakin saka may binulong.

"Kiss ko." Sabi niya saka ngumiti ng mapang-asar kaya ang ginawa ko ay inisprayhan ko siya sa mukha.

"Alis na nga." Sabi ko sa kanya.

"Oo na aalis na po." Sabi niya. Nagulat pa ako ng humalik siya sa pisnge ko kaya natigil ako sa ginagawa ko.

"Yah!" Inis na sigaw ko sa kanya. Pero wala na siya dahil mabilis na ito naka alis. Tumingin naman ako kay khella na nanlaki ang mata at naka takip pa sa bibig niya na halatang nagulat sa ginawa ni jacob.

Jusko sigurado hindi nanaman ako titigilan ni khella asarin dahil sa nakita niya. Mag tatanong nanaman to mamaya.

Baliw kase na jacob to nakakainis. Pero wait lang. Bakit parang kinikilig ako?!

•••••
Itutuloy......

MR. POLICEMAN IS A WALKING RED FLAG (BOYxGAY)Where stories live. Discover now