Red POV
8pm na kaya nag sara na kami ni khella sakto naman na dumating si sir gomez pero hindi nito kasama si sir jiro dahil may pupuntahan raw ito. Inalis naman ni sir gomez ang helmet niya sa ito tumingin sakin.
"Si khella nalang sir isabay mo. Mag papasundo nalang ako sa kuya ko." Sabi ko sa kanya saka ko kinuha ang phone ko pero bigla niya naman ito kinuha sabay lagay sa bulsa niya.
"Sabay na kayo ni khella. Pareho kuna kayo isabay pauwi." Sabi naman niya sakin.
"Sakay kana khella ako na sa likuran mo." Sabi ko naman kay khella. Kumunot naman ang noo ni sir.
"Dito ka sa gitna." Sabi naman ni sir sakin.
"Pero mauuna ako kay khella na bababa." Sagot ko naman sa kanya.
"Ihatid nga muna natin si khella tapos sabay na tayo umuwi. Magkatapat lang bahay natin. Saka pulis ang kasama mo walang mangyayari sayo." Sabi niya naman. Di na lang ako nag salita pa. Saka ako sumakay. Sumakay na rin si khella.
"Yumakap ka kase kay sir para hindi nagagalit." Sabi naman ni khella saka pinulupot ang dalawang kamay ko sa bewang ni sir.
"Yan ganyan dapat. Hindi yong nakikipag talo kapa." Sabi naman ni sir. Hindi ko nalang siya pinansin dahil pakiramdam ko sinabihan niya si khella na gawin to.
Nakarating na kami sa bahay ni khella. Saka ito bumaba at nag pasalamat kay sir. Kumaway naman ako sa kanya.
"Bukas ulit." Sabi ko sa kanya saka nag paalam. Kumapit lang ako sa damit ni sir na ikinainis niya naman. Kaya wala akong nagawa para yumakap ulit sa kanya.
"Makikipag kaibigan lang ako sayo pero parang ayaw mo naman ako maging kaibigan mo." Pag uumpisa niya.
"Ang bilis mo kase mainis at magalit pag hindi ka nasusunod." Sagot ko naman sa kanya.
"Eh sanay ako na ako ang masusunod eh kaya dapat sundin mo nalang at hindi nakikipag talo para hindi tumagal ang usapan." Sabi niya naman.
"Ay nako. Oo na lang." Yan nalang nasabi ko. Dahil hahaba nanaman ang usapan.
"Sige na baba kana." Mahinang sabi niya pero rinig ko naman. Bumaba na ako sakto naman lumabas si kuya sa gate.
"Salamat sir." Sabi ko sa kanya. Lumapit naman samin si kuya.
"Talagang sumabay kapa kay sir gomez nakakahiya." Sabi naman ni kuya marco.
"Ayos lang yon. Ako naman nag aya sa kanya na sumabay sakin." Sabi naman ni sir gomez kay kuya marco. Dumila naman ako kay kuya.
"Pasok na kayo sa loob. Uuwi na rin ako." Sabi pa ni sir.
"Sige po sir. Salamat ulit." Sabi ko naman saka kami nag tuloy ni kuya sa loob. Naka akbay pa sakin si kuya.
"Mag bihis kana muna don. Para sabay-sabay na tayo kumain." Sabi pa ni kuya marco.
Nag tuloy naman ako sa kwarto ko sabay higa sa kama ko. Pero bumangon din naman agad saka ako nag hubad ng saplot ko. Maliligo na muna ako. Parang ang lagkit kase ng katawan ko. Napatingin pa ako sa salamin ko sabay tingin sa tiyan ko. Malaki na nga talaga ang tiyan ko. Pero hindi naman subra. Pero maputi naman ang katawan ko. Yong mukha ko makinis rin pero may tumubong epal sa may ilong pa talaga. May pimple ako sa may ilong pa talaga tumubo. Pumasok na ako sa loob ng banyo saka ko inumpisahan maligo.
Ng matapos ako ay nag bihis na agad ako. Malaking t-shirt na pang lalaki galing kay kuya marco at maikling short na nabili ko sa ukay-ukay. Sinuklay ko ang buhok na na humahaba na dahil balak ko rin mag pabaha ng buhok. Hanggang balikat na nga eh. Lagi lang ako naka tali ng buhok kase nakakahaba raw pag lagi naka tali. Lumabas na ako ng kwarto ko saka ako nag tuloy sa kusina para kumain.
YOU ARE READING
MR. POLICEMAN IS A WALKING RED FLAG (BOYxGAY)
RomanceAng kwentong ito ay isang katang isip lamang.. sana magustohan niyo. ps: rated SPG ang kwentong ito. 18 pataas lamang ang pwede mag basa ng kwento nito.