Chapter: 22

1.8K 36 22
                                    

Red POV

Tatlong araw ang lumipas simula ng malaman ko ang tongkol kay jacob. Ngayon na dito ako sa labas ng bahay nag aayos ng mga halaman ni mama dahil napabayaan na. Nga pala si papa bumalik na sa manila sinama niya si mama kaya kaming tatlo lang dito sa bahay. Di rin ako makagala dahil hindi ako pinapayagan ng dalawa baka raw mag inom ako tapos gagabihin umuwi. Ayaw raw nila baka raw ano pa mangyari sakin.

"Nag timpla ako ng juice, uminom ka muna." Biglang sabi ni kuya marco. Napatingin ako sa kanya may hawak siya'ng baso. Tumayo ako saka ko hinubad ang gloves na suot ko saka ko kinuha sa kamay niya.

"Thanks." Sabi ko sa kanya saka ko ito ininom.

Ilang saglit pa na kwentohan at kulitan namin ni kuya ng may bigla naman tumigil na itim na sasakyan sa tapat ng bahay ni jacob. Natigil kami ni kuya saka kami napatingin sa gawi nila. Bumaba ang isang lalaki saka nito binuksan ang kabilang pinto. Bumaba si jacob saka ang isang babae naka hawak pa ito sa tiyan niya. Napatakip naman ako sa bibig ko. Malaki na ang tiyan ng babae. So ibig sabihin simula umpisa niloloko niya na ako at hindi niya talaga sinabi sakin ang tungkol dito. Tumingin ako kay kuya marco pero naka tingin rin pala siya sakin. Yong tingin niya halatang nag tataka kaya napaiwas nalang ako ng tingin sa kanya.

"Papasok na ako sa loob." Paalam ko sa kanya. Naka sunod naman siya sakin.

"Ano yon red.? Yon ba ang dahilan kaya hindi na nag paparamdam sayo ang lalaking yon.?" Inis na tanong ni kuya marco. Hindi ko naman siya pinansin.

"Red kinakausap kita." Sabi ni nito saka ako hinawakan sa braso at hinila palapit sa kanya. Hinarap niya ako sa kanya pero tumulo na agad ang luha ko.

"Kuya please. Wag ngayon. Kong anong nakita mo yon na yon. Ayoko na mag paliwanag. Ayoko mag kwento." Sabi ko naman sa kanya.

"Kapatid mo ako red. Dadamayan naman kita. Tutulongan kita at maiintindihan kita." Sabi niya naman saka ako nito niyakap.

"Ano nanaman ang ginawa mo sa kapatid mo.?" Inis na tanong ni kuya mario. Napatingin naman kami sa kanya saka ko pinunasan ang luha sa pisnge ko.

"Wala akong ginawa sa kanya ah." Sagot naman ni kuya marco sa kanya.

"Nga pala nan dyan na ang magaling na boyfriend nitong si red." Inis na sabi ni kuya marco.

"Nakakatawa lang dahil hindi man lang pinansin itong red. Ni hindi nga makatingin dito satin." Dugtong pa ni kuya marco.

"Gusto niyo talaga malaman ang totoo?" Tanong ko sa kanila. Para narin hindi na sila nag iisip pa. Oras na rin siguro para mag kwento ako sa mga kuya ko. Total sila at sila lang dalawa ang kaclose ko at alam ko makakaintindi sakin.

------

2pm na nan dito ako sa may sala ng may biglang dumating na makukulit. Jusko ano nanaman ginagawa ng mga to dito sa bahay.

"Anong kaylangan niyo.?" Bungad na tanong ko sa kanila habang naka tayu ako sa may pinto. Natigil naman sila at napatingin sakin.

"Wew sungit ng baby girl ko." Sabi naman ni marro. Inirapan ko naman siya.

"Baby girl mo mukha mo." Sabi ko. Napakamot naman siya sa batok niya.

"Ano nga kaylangan niyo.?" Ulit na tanong ko sa kanila.

"Mag iinom kami." Sagot naman ni james.

"Bawal." Masungit na sabi ko naman sa kanya.

Naka tayu lang silang lahat sa may labas habang ako naka harang sa may pinto. Si khella, kuya alex, james, marro, chad at may kasama pa silang dalawang lalaki. Jusko si khella lang ang babae sa kanila.

MR. POLICEMAN IS A WALKING RED FLAG (BOYxGAY)Where stories live. Discover now