Chapter: 27

1.9K 26 11
                                    

Red POV

Isang buwan na ang lumipas simula ng manganak si mia. Naiwan nga kay jacob ang anak nila at ako na rin nga ang magiging nanay ng baby ni jacob dahil yon din naman ang gusto ni mia at yon din ang napagkasundoan nila. Wala na rin si mia sa bahay ni jacob dahil bumalik na nga ito ng manila gaya nga ng napagusapan nila. Lalaki nga pala ang anak ni jacob at siya rin ang nag bigay ng pangalan sa baby. Pinagsama talaga ang pangalan naming dalawa kaya naging 'jared' ang pangalan ng baby. (Jacob+Red='Jared') Oh diba galing mag isip ng tatay.

Don na rin ako naka tira sa bahay ni jacob pero umuuwi ako dito sa bahay pag nasa trabaho siya. Katulad ngayon ay nan dito ako sa bahay, dito sa sala kasama si baby jared. Naka upo ako sa sofa habang si baby ay natutulog sa kona. Ang dalawa ko naman na kuya ay sa gym pa pero mamaya ay pauwi na rin naman yon. Si mama naman ay nasa kusina at abala ito mag luto ng tanggalian. 10am na rin kase. Habang nanunuod ng tv ay bigla nanaman tumawag si jacob sa pang limang beses. Sinagot ko naman ito dahil nagagalit siya pag matagal sagutin.

"Oh." Bungad ko naman sa kanya.

"Parang wala ka ng gana kausap ako ah.?" Tanong niya naman.

"Kase naman pang limang beses muna to kakatawag." Sagot ko naman sa kanya.

"Eh namimiss ko agad kayo ni baby eh." Sabi niya naman.

"Tulog pa ang anak mo. Kaya mamaya kana tumawag dahil may pinapanuod ako." Sabi ko naman sa kanya saka ko pinatay ang linya. Bigla naman siya nag text.

"Maaga ako uuwi mamaya. Iniinis mo nanaman ako." Yan naka lagay sa message niya. Ay nako, sigurado nag iisip nanaman ng iba yon. Gaya ng may ibang lalaki ako o may pinapanuod na lalaki. Nakakainis ang boyfriend na tamang hinala mag isip pero ano pa nga ba ang magagawa ko eh wala naman ako'ng kawala sa Jacob na yon lalo na ngayon at may baby na nga kami.

Nakakainis din kase minsan kase naman pag tulog si baby gigisingin niya tapos pag umiyak tatawagin ako kase hindi siya marunong kong pano patahanin. Saka isa pa alam ko naman na seloso siya simula umpisa pero bakit parang naging mas lalo siya naging seloso at possessive. Kahit na alam naman niya na may anak na kami dapat hindi na niya ako pinaghihigpitan at hindi na dapat siya nag iisip ng kong anu-ano na ikakaselos niya. Bakit kase napaka seloso ng pulis na yon.

"Lapit kana dito nak at kakain na tayo. Habang tulog pa ang apo ko." Biglang tawag naman agad sakin ni mama. Pinatay ko naman ang pinapanuod ko saka ako tunayo. Lumapit pa ako kay baby para lagyan ito ng unan sa tabi niya.

"Sila kuya po hindi pa ba uuwi.?" Tanong ko kay mama ng makaupo ako.

"Pauwi na rin sila kaya nilagyan kuna rin ng plato dito para sabay-sabay na tayo." Sagot naman ni mama sakin.

Ilang minuto pa na pag hihintay sa dalawa ng bigla naman itong dumating. Napatayo rin ako dahil sa lakas ng boses nila ay sigurado na magugulat si baby. Hindi nga ako nag kamali dahil nagulat nga at bigla itong umiyak. Sinamaan ko naman ng tingin yong dalawa. Kainis talaga ang dalawang yon. Binuhat ko naman si baby saka ko ito sinayaw-sayaw. Kinuha ko pa ang gatas niya saka kami ng tuloy sa labas.

Mamaya nanaman ako nito makakakain. Kaylangan ko pa patulogin to. Kainis kase yong tawa ni kuya marco. Alam na may baby dito sa bahay kong makatawa kala mo siya lang tao dito sa bahay eh.

Sinayaw-sayaw kuna nga si baby jared habang nasa bibig niya ang dede. Kumakanta pa ako para makatulog na ito. Ganito kami lage lalo na pag nan dito si jacob. Gigisingin niya tapos pag umiyak hindi niya na alam ang gagawin kaya lalapit sakin tapos sasabihn panay iyak si baby jared.

Ilang saglit pa na pag sasayaw ay naka tulog na nga ito kaya pumasok na kami sa loob at dahan-dahan ko siya hiniga sa kuna niya. Naupo muna ako sa sofa saka ko kinuha ang phone ko. May tatlong miscalls si jacob at limang messages. Sigurado galit nanaman to. Mag rereply na sana ako ng tumawag ulit ito. Sinagot ko naman agad ito.

MR. POLICEMAN IS A WALKING RED FLAG (BOYxGAY)Where stories live. Discover now