Chapter: 12

2.6K 32 2
                                    

Red POV

Kinaumagahan nagising nalang ako na ang sakit ng buong katawan ko lalo na yong ibabang bahagi ko. Para akong nabugbog kagabi. Tumingin ako sa katawan ko pero bwisit lang dahil hanggang ngayon wala parin akong saplot. Tumingin naman ako sa katabi ko na ang sarap parin ng tulog kaya dahan-dahan ko naman inalis ang kumot saka ako dahan-dahan na bumangon. Tatayo na sana ako pero bigla niya naman hinawakan ang kamay ko.

"San ka pupunta?" Tanong niya. Napatingin naman ako sa kanya.

"Mag babanyo lang." Sagot ko sa kanya. Bumangon naman siya saka yumakap sakin.

"Gf na kita. At akin ka lang ah." Sabi niya sabay halik sa leeg ko.

"Alis na muna naiihi na ako saka mag lilinis ako." Sabi ko saka ko inalis ang kamay niya.

"Gusto mo ako na mag linis niya.?" Tanong niya. Umiling naman ako.

"Ayoko nga. Saka lumayo ka nga muna." Sagot ko naman sa kanya. Saka ko kinuha ang mga saplot ko sabay takbo papunta sa banyo niyo. Narinig ko pa siyang sumipol. Bwisit talaga ang lalaking to.

Siguradong wala na talaga akong kawala sa lalaking to.

------

Nan dito kami ni jacob sa kusina niya habang nag aalmusal. Tudo silbi naman siya sakin kunti nalang susuboan niya na ako.

"Kaya kuna ang sarili ko hindi na ako bata." Sabi ko naman sa kanya. Ngumiti naman siya sakin.

"Sobrang saya ko kase gf na kita." Masayang sabi niya naman.

"Wag mo sasabihin sa mga kuya ko o kahit kanina ang nangyari sating dalawa ah. Ayoko may makaalam non lalo na ng magulang ko." Sabi ko sa kanya. Ngumiti siya saka tumango.

"Pero ako parin ang boss sating dalawa kaya lahat ng gusto ko susundin mo." Sabi niya naman sakin.

"Lahat talaga.?" Tanong ko sa kanya. Tumango ulit siya. Napangiwi naman ako na ikinakunot ng noo niya.

"Bakit? Tatanggi ka?" Tanong niya.

"Makakatanggi ba ako?" Balik tanong ko naman sa kanya. Umiling naman siya.

"Hindi na kase ako lang ang masusunod sating dalawa." Sabi niya naman.

"Ano pa nga ba." Nasabi ko nalang.

"Nga pala mamaya aalis ako. May pupuntahan ako." Sabi ko sa kanya. Tumingin naman agad siya sakin.

"At san ka naman pupunta aber?" Tanong niya naman. Ngumiti naman ako sa kanya saka nag peace sign.

"Basta may pupuntahan lang ako." Sagot ko sa kanya. Umiling siya sakin.

"Hindi kita papayagan hanggat hindi mo sinasabi sakin kong san ka pupunta." Sabi naman niya.

"Pag sinabi ko ba sayo papayagan muna ako.?" Tanong ko naman sa kanya. Nag isip naman siya.

"Ewan ko. Baka kase kong sino lang ang pupuntahan mo." Sagot niya naman.

"Kasama ko si khella." Sabi ko naman. Tumingin lang siya sakin.

"Saka si chad." Dugtong ko pa.

"Tsk. Hindi pwede." Inis na sabi niya. Bagsak balikat naman ako na tumingin sa kanya.

"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya. Umiling naman siya.

"Basta ayoko. Kaya wag kang gagala." Sagot niya naman.

"Ano ba yan. Lagi nalang may bawal." Nasabi ko nalang. Tumingin naman siya sakin kaya napairao nalang ako sa kanya.

"Ang kulit. Makinig ka nalang nga." Inis na sabi niya sabay higop ng kape niya.

"Ewan ko sayo. Uuwi na ako mamaya." Nasabi ko nalang.

"Makakauwi ka pero wag kang gagala mamaya. Hindi na rin ako papasok sa trabaho ko. Pupuntahan kita sa bahay niyo mamaya." Sabi naman niya.

"Bahala ka." Inis na sabi ko saka ko inubos ang juice ko saka ako tumayo at iniwan siya sa kusina.

-----

Nan dito na ako sa bahay. Umuwi na ako dahil naiinis nanaman ako kay jacob. Nakakainis kase ang daming bawal. Hindi naman kase porket gf niya na ako eh pag babawalan niya na ako sa mga gusto ko. Kahit sino naman kase maiinis lalo na kong hindi ka papayagan gumala. Dapat pala pag gagala ako hindi ako nag papaalam sa kanya kase kong ganito lang din naman ang mangyayari kong hindi niya ako papayagan eh mas maganda kong tumakas talaga. Hayy.. nan dito ako ngayon sa kwarto ko. Kakatapos ko lang maligo ng may bigla naman kumatok sa kwarto ko. Ng buksan ko ito ay si kuya marco pala.

"May bisita ka sa baba." Bungad nito sakin. Napataas kilay naman ako.

"Sino naman.?" Tanong ko sa kanya.

"Si khella may kasamang lalaki." Sagot naman ni kuya marco.

"Sige. Lalabas nalang ako." Sabi ko naman.

Nag madali agad ako mag bihis habang wala pa si jacob dahil pag nan dito na yon magagalit nanaman yon at mag tataka kong bakit nan dito si khella saka ang masama pa may kasama itong lalaki.

Lumabas na agad ako sa kwarto ko. Naka short lang ako saka t-shirt ni kuya mario ang suot ko. Nag tuloy agad ako sa sala kong nasan sila. Pag dating ko ay naka upo naman si khella katabi si chad.

"Kala ko ba aalis tayo.?" Tanong ni khella sakin. Naupo naman ako sa tabi niya.

"Hindi ako pinayagan eh." Sagot ko naman sa kanya. Napataas naman siya ng kilay niya.

"Sinabi kuna sa mga kuya mo na may lakad tayo. Pumayag naman sila basta raw wag magpagabi." Sabi naman ni khella.

"Hindi naman sila ang tinutukoy ko. Si jacob." Sabi ko naman sa kanya. Lumapit naman siya sakin sabay bulong sa tainga ko.

"Kayo na noh.?" Tanong niya. Tumango naman ako sa kanya. Napatakip naman siya ng bibig niya na halatang kinikilig ng tumango ako.

"Kaya pala hindi kana talaga papayagan non." Sabi pa niya sabay hampas sa braso ko.

"Kayo nalang ni chad ang gumala. Dito lang ako sa bahay." Sabi ko naman sa kanya. Umiling naman siya sakin saka ako tumingin kay chad.

"Sama ka nalang sa bahay. Birthday ni mama ngayon." Savi naman ni chad sakin. Umiling naman ako sa kanya.

"Hindi ako pwedeng umalis." Sabi ko naman sa kanya. Umakbay naman sakin si khella.

"Hindi naman malalaman ni jacob saka maaga naman tayo uuwi." Sabi naman sakin ni khella. Napaisip naman ako. Sabagay saka ngayon lang naman. Basta ang alam niya nan dito ako sa bahay saka sinabi niya na matutulog muna siya sa kanina at gabi pa siya pupunta dito sa bahay. Tumingin ako kay khella saka tumango.

"Sige. Gabi pa naman siya pupunta dito sa bahay." Sabi ko sa kanya. Ngumiti naman kaming dalawa.

"Wag kana mag bihis. Okay na yang suot mo." Sabi pa ni khella sakin.

"Ha? Pero nakakahiya naman kong ganito ang suot ko papunta don." Sabi ko naman sa kanya. Umiling naman siya.

"Okay na yan. Bagay naman sayo eh." Sabi naman ni chad. Ngumiti naman ako.

"Okay. Tara na." Sabi ko naman. Kinuha ko naman ang phone ko saka kami nag paalam kala kuya na lalabas lang saglit. Hindi kuna sasabihin kong san kami pupunta baka sabihin pa nila kay jacob eh. Lalagot talaga ako.

Umalis na agad kami sa bahay ay mabilis naman kami pumunta sa bahay ni chad gamit ang motor niya.

••••••
Itutuloy.....

MR. POLICEMAN IS A WALKING RED FLAG (BOYxGAY)Where stories live. Discover now