Red POV
Nan dito ako ngayon sa kwarto ko habang sila si jacob at jiro ay nan don sa sala kasama sila papa at kuya nag iinoman sila. 3pm palang nag iinoman na agad sila. Nga pala linggo ngayon kaya wala akong pasok ganon din si khella at jacob. Napahawak naman ako sa labi ko ng maalala ko ang nangyari kanina sa bahay ni jacob. Di ako makapaniwala na hinalikan niya talaga ako pero ano bang ibig sabihon non. Ayoko umasa na may nararamdaman siya sakin. Na gusto niya ako. Natatakot kase ako masaktan. Napatingin ako sa salamin habang hawak ko ang labi ko. Si sir jacob naka kuha ng first kiss ko. Omg kinikilig ba ako?
"Nak tawag ka ng papa mo!" Biglang tawag sakin ni mama mula sa may pinto ng kwarto ko. Bumangon naman ako saka ko ito binuksan.
"Labas kana dyan nak hinahanap ka ng mga kaibigan mo." Sabi naman sakin ni mama. Tumango naman ako. Naalala ko na nan dyan nga pala si khella at erzo sa sala.
Pag dating ko sa sala naka tingin agad sakin si jacob saka ito ngumiti sakin saka ako inaya na umupo sa tabi niya. Tinatap niya kase yong upoan sa tabi niya. Umiling naman ako na ikinakunot ng noo niya. Lumapit ako kay khella at erzo.
"Tagal mo naman lumabas. Kanina pa kami nag hihintay ni erzo sayo." Sabi naman ni khella pag upo ko sa tabi niya.
"Pwede raw tayo mag inom. Nag paalam na ako sa papa mo." Sabi pa ni khella.
"Baliw ka may pasok tayo bukas." Sabi ko naman sa kanya.
"Kaya yan saka kunti lang naman iinomin natin. Dali na." Sabi naman ni khella. Tumingin ako kay erzo saka ko siya tinuro.
"Ikaw mag iinom ka rin?" Tanong ko kay erzo. Tumango naman siya sakin na nahihiya pa.
Tumayo na ako saka ako lumapit kay kuya mario para humingi ng isang case na alak.
"Sino mag iinom nito?" Tanong ni kuya mario sakin. Tinuro ko naman yong dalawa.
"Kayong tatlo lang?" Tanong naman ni kuya marco. Tumango naman ako.
"Sumali na kayo dito. Mamaya aalis na rin naman ako dahil mapapagalitan na ako ng mama niyo." Sabi naman ni papa.
"Tanongin ko muna po sila papa." Sabi ko naman kay papa. Saka ako lumapit sa dalawa.
"Don nalang daw tayo sa kanila kase maya aalis naman si papa kase papagalitan siya ni mama." Sabi ko kay khella. Tumingin ako kay erzo.
"Okay lang ba sayo?" Tanong ko sa kanya.
"Oo okay lang. Saka maganda nga yon para madami tayo." Sagot niya naman. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Tingnan mo si jacob naka tingin sayo." Sabi ni khella saka ito ngumuso. Kaya napatingin naman ako kay jacob pero ang sama ng tingin nito sakin. Luhh.. ano naman kaya nangyari sa isang yon. Kanina lang ang saya niya pa eh.
"Bat ganyan yan? Ang sama nanaman ng tingin sakin. Wala naman ako ginagawa sa kanya." Tanong ko kay khella.
"Baka nag seselos kay erzo." Sagot naman ni khella. Napairap naman ako.
"Ewan ko sayo. Tara na nga." Nasabi ko nalang. Saka sila inaya ni erzo papunta kala kuya.
Naupo naman ako sa tabi ni kuya marco. Si khella uupo na sana sa tabi ni Jacob ng tumayo ulit ito saka lumapit sakin.
"Don ka nalang sa tabi ni Jacob. Ako na dyan ang uupo." Sabi nito sakin. Tumingin ako kay jacob pero abala naman siya sa pag inom at tingin sa phone niya. Kaya tumayo ako at naupo sa tabi niya.
"Kala ko ayaw mo tumabi sakin?" Tanong niya. Napatingin naman ako sa kanya.
"Nakipag palit kase si khella eh." Sagot ko naman. Lumapit pa ako sa kanya ng kunti.
YOU ARE READING
MR. POLICEMAN IS A WALKING RED FLAG (BOYxGAY)
RomanceAng kwentong ito ay isang katang isip lamang.. sana magustohan niyo. ps: rated SPG ang kwentong ito. 18 pataas lamang ang pwede mag basa ng kwento nito.