Chapter: 30 (𝒕𝒉𝒆 𝒍𝒂𝒔𝒕 𝒄𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓)

1.3K 23 8
                                    

Red POV

"Mommy si daddy may kausap na babae sa labas." Biglang sabi ni jared na kadarating lang galing sa labas. Tumingin naman ako sa kanya.

"Hayaan mo lang yon baby. Nakikipag usap lang naman." Sabi ko naman sa kanya.

"Saka may kausap siya na ibang bata." Sabi pa nito. Ginulo ko naman ang buhok niya.

"Nakikipag usap lang naman baby." Sabi ko naman sa kanya.

"Mommy kase." Naiinis na sabi niya naman habang hinihila ang kamay ko.

"May bagong lipat don sa katabing bahay nila lola." Sabi pa nito. Napatingin naman ako sa kanya saka tumayo.

"Nan dyan na ang lilipat sa katabing bahay?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman siya sakin bilang sagot. Ngumiti ako sa kanya. Hinawakan ko naman ang kamay niya saka kami nag lakad palabas ng bahay.

Nga pala limang taon na ang lumipas. Limang taon na rin si jared, at tatlong taon na kami kasal ni jacob. Taon lumipas pero ang ugali ni jacob hindi nag bago. Ganon parin siya. Mabilis magalit at napakastricto parin niya. Yong pagiging seloso niya naman ay masasabi ko na lumala. Oo lumala ang pagigingseloso niya. Kaya lagi lang ako nan dito sa bahay niya. Si jared ang lagi ko na kasama. Parang papa niya ang bilis din magalit tapos panay sumbong kay jacob lalo na pag may kausap ako sa selpon.

"Daddy!" Biglang sigaw ni jared. Napalingon naman si jacob samin saka kumaway. Nag lakad naman kami papunta sa kanila. May buhat siya na bata. Ang cute niya ang puti kase saka yong mga mata niya ang liit haha nakakatuwa naman.

"Ang gandang bata naman niyan na buhat mo." Sabi ko bigla kay jacob ng makalapit ako sa kanya. Pinisil kuna ang pisnge nito.

"Hello po." Sabi nito sakin. Ang cute din ng boses niya.

"Hello din sayo baby girl." Sabi ko naman sa kanya. Bigla naman tumawa si jacob.

"Hon naman. Lalaki to eh. Hindi naman to babae. Baby girl ka dyan." Natatawang sabi naman ni jacob sakin. Nagulat naman ako ng sabihin niya na lalaki pala to'ng bata na buhat niya.

"Hala lalaki to. Ang cute kase.." sabi ko naman sa kanya.

Nagulat naman kami ni jacob ng may biglang humampas sa hita naman pag tingin namin si jared pala. Ang sama na ng tingin sa amin.

"Asuzs ang baby ko rin na isa nag tampo na." Sabi ko naman kay jared. Bigla naman nito tinuro ang bata na buhat ni jacob.

"Bakit ka nan dyan sa daddy ko.?" Inis na tanong ni jared don sa bata. Napakasungit talaga nito. Umupo naman si jacob hanggang sa mapantayan niya si jared.

"Bad yan jared. Wag ka ganyan." Sabi naman ni jacob sa anak niya.

"Ito si ren. Bagong lipat sila dito ng mommy niya. Kaya dapat maging mabait ka sa kanya para maging magkaibigan kayong dalawa." Sabi pa ni jacob kay jared.

"Ayoko sa kanya. Parang babae. Ayoko dyan." Masungit naman na sabi ni jared sa daddy niya.

"Wag kana mag papabuhat sa daddy ko at wag ka lalapit sa mommy ko ah." Sabi pa ni jared sa kanya.

Nagulat naman kami kase biglang umiyak si ren. Hala, kase naman eh ang sungit ng batang to. Spoiled kase to eh.

"Whaaaaa..Mamaaaa..." Iyak nito habang tinatawag ang mama niya. Binuhat ko naman ito. Si jacob naman binuhat si jared.

Bigla naman dumating ang isang babae na may dalang malaki bag saka ito lumapit samin.

"Nako pasensiya na kayo ah. Nag aayos kase ako sa loob eh. Hindi ko napansin na lumabas pala siya." Paghinge naman ng paumanhin ng babae. Ngumiti naman ako sa kanya.

MR. POLICEMAN IS A WALKING RED FLAG (BOYxGAY)Where stories live. Discover now