Chapter: 02

6K 55 3
                                    

Red POV

8am na ng umaga ng magising ako. Nag tuloy agad ako sa banyo para umihi at mag hilamos. Ng okay na ay bumalik ako sa kwarto ko para ayusin ang higaan ko at kumuha ng bihisan ko dahil maliligo na ako. Uunahan ko na ang kambal dahil pag sila ang naliligo jusko napakatagal. Lalo na mga lasing sila kagabi. Nakakahiya kala sir ang gulo nila kagabi ako tuloy yong tudo awat sa kanila. Pati si khella at sir jiro lasing na lasing rin kagabi. Pero si sir gomez parang hindi tinablan ng alak. Ginawang tubig lang yong beer pag iinomin tuloy-tuloy ba naman.

"Ang aga mo magising nak.?" Tanong sakin ni mama.

"Uunahan kuna po yong dalawa. Alam mo naman pag naka inom ang mga yon ang tatagal maligo." Sagot ko naman kay mama.

"Nga pala san pala nag inom ang dalawang yon.?" Tanong pa ni mama.

"Dyan mo sa tapat. Yong malaking bahay po dyan." Sagot ko naman kay mama na nag hihikab pa.

"Eh bahay ng pulis yon diba?" Tanong pa ni mama. Tumango naman ako sa kanya.

"Mukhang close na sila nila kuya." Sagot ko naman. Tumango-tango naman si mama. Nag paalam naman ako na maliligo na muna. Kahit pa mamayang 12 pa ang pasok ko.

------

"Morning.." sabay na bati ng dalawa na nag hihikab pa. Tumingin ako sa kanila.

"Mag tanghalian na kayo dyan nag luto si mama ng may sabaw." Sabi ko sa kanila. Lumapit naman sakin si kuya marco sabay higa sa hita ko.

"Hayy... Ang sakit ng ulo ko." Reklamo nito.

"Kulang pa yan sa alak. Uminom ka pa." Sabi ko naman sa kanya. Tumingin naman siya sakin kaya napatingin rin ako sa kanya.

"Mamaya uubusin namin yon." Sabi niya naman.

"Talaga iinom kapa eh may hang over kapa nga." Sabi ko naman sa kanya.

"Eh may isa't kalahating case pa don eh. Sayang yon saka sabi ni sir gomez ubusin raw yon." Sabi niya naman.

"Oh kayong dalawa kumain na kayo rito." Sabi ni mama sa kanila.

"Opo ma. Pero ma mag papaalam po sana kami ni kambal." Sabi naman ni kuya mario.

"Bakit? San kayo pupunta?" Tanong ni mama sa kanya.

"Mag iinom ulit kami mamaya. May tira pa kase don pero balak sana namin na dito nalang sa bahay. Okay lang po ba." Sagot naman ni kuya Mario kay mama.

"Okay lang naman nak. Pero anong oras ba sila pupunta dito?" Tanong ni mama sa kanila.

"Mga 7 yata ma." Sagot naman ni kuya marco.

"Sali ka raw sabi ni sir gomez." Sabi naman sakin ni kuya marco.

"Ayoko nga. Kayo nalang." Pag tanggi ko naman.

"Mukha may gusto yon sayo na dalawa." Sabi naman ni kuya mario.

"Sinong dalawa.?" Nag tataka na tanong ko.

"Edi yong dalawang pulis na yon." Sagot naman ni kuya Mario. Tumawa naman ako ng malakas saka ako tumayo.

"Alam niyo hindi mangyayari yon. Saka alam niyo hang over lang yan. Kumain na kayong dalawa at maligo dahil ako aalis na kase may trabaho pa ako.!" Inis na sabi ko sa kanila.

"Matuto ka kase mag ayos at manamit. Mag pasexy ka. Ang taba muna. Kaya walang nanliligaw sayo.!" Sigaw naman ni kuya marco ko.

"Wow hiyang hiya ako sa inyo ah. Kayo ang lalaki ng katawan niyo mga gwapo naman kayo pero wala naman kayong mga girlfriend. Makapag salita to." Sabi ko naman sa kanya.

"Abat!" Inis na sabi ni kuya mario kaya nag madali naman ako pumunta sa kwarto ko saka nilock ito.

------

Nan dito na ako sa parlor ni madam. Si khella hindi pumasok dahil hindi niya raw kaya kumilos dahil sa dami ng nainom niya kagabi. Nag paalam naman raw siya kay madam. Kaya hairstyles lang ang free ngayon.

5pm na pero naka tatlong costumer lang ako dahil karamihan na pumunta ay si khella ang hinahanap dahil mag papakilay raw. Eh hindi naman ako marunong mag kilay. Saka may mag papamake up eh hindi rin ako marunong mag make up. Halata naman sakin dahil hindi naman ako palaayos dahil kuntento na ako sa kong ano itsura ko.

Tumawag si madam dito sa shop niya at sinabi na kahit raw 7 ay mag sara na ako dahil matumal naman raw ang costumer ngayon dahil nga wala si khella. Kaya 7 mag sasara na ako pero hindi pa ako uuwi dahil may pupuntahan pa ako. Hindi ko nalang sasabihin sa mga kuya ko dahil hindi ako papayagan ng mga yon lalo na kong gagala ako ng gabi. Speaking of kuya. Tumawag na nga si kuya mario.

"Oh." Bungad ko.

"Anong oras ka uuwi.?" Tanong niya.

"Mamayang 9 pa." Sagot ko naman sa kanya.

"Bakit 9 pa.?" Balik tanong niya naman.

"Marami kasing costumer." Pag sisinungaling ko naman.

"Sige. Mag iingat ka." Sabi pa ni kuya saka pinatay ang linya. Ayos naniwala nga. Makakagala rin sa wakas. Hayy...

Tamang hintay lang ng oras. Time check is 7pm huhu iready kuna ang gamit ko dahil mag sasara na ako. Hahaha matawagan nga si Ced----

"Tara na." Biglang sabi ng isang lalaki na naka helmet. Nilock ko muna ang shop saka ako tumingin ulit sa lalaki kong sino man to.

"Sino ka?" Tanong ko sa kanya. Inalis niya naman helmet niya.

"K-kuya?!" Gulat na nasabi ko. Tiningnan ko naman ang motor na gamit niya. Hindi naman kanya yon ah.

"Kay sir jiro yan hiniram ko." Sabi niya naman sabay ngisi.

"Bakit nan dito ka?" Nag tataka na tanong ko sa kanya.

"Nag text ako kay khella kanina at tinanong ko kong anong oras out mo. Sabi niya maaga ka raw mag sasara kaya naisip ko na tawagan ka pero sinabi mo naman na 9 kapa uuwi kaya naisip ni kuya mario na sundoin nalang raw kita." Mahabang sagot at paliwanag ni kuya marco. Napanganga naman ako sa sinabi niya.

"Ano ba yan..." Nasabi ko nalang.

"Sakay! Tatakas kapa ah." Sabi niya naman. Napanguso naman ako na sumakay. Kumapit lang ako sa damit niya. Hanggang sa nakarating na kami sa tapat ng bahay namin kaya Bumaba agad ako at nag tuloy sa loob.

"Nan dito kana pala nak. Kain kana muna." Bungad sakin ni mama. Humalik lang ako sa pisnge ni mama saka ako nag tuloy sa kwarto ko.

Ang hirap pala talaga pag may kapatid kang lalaki na hindi ka papayagan na gumala mag isa. 20 years old ako kaya kuna ang sarili ko saka wala naman mangyayaring masama sakin. Nakakainis lang kase never ko pa makagala na mag isa. Yong hindi sila kasama na dalawa. Over protective naman kase masiyado.

"Nak kain kana muna." Tawag sakin ni mama mula sa labas.

"Opo ma. Mag bibihis lang po ako." Sagot ko naman.

"Sige. Ipaghahanda lang kita ng pagkain." Sabi pa ni mama. Hindi na ako sumagot kaya nag bihis na ako. Ng okay na ay lumabas na ako sa kwarto ko. Nag tuloy agad ako sa kusina.

"Ayos ka lang ba nak?" Tanong ni mama pag kaupo ko. Ngumiti naman ako ng pilit sa kanya saka tumango. Nawala kase ako sa mood.

Nag madali lang ako kumain kaya natapos ko agad ang hinain ni mama. Hinugasan kuna agad ang kinainan ko saka ko pinunasan ang mesa.

Pupunta na sana ako sa kwarto ko ng bigla naman ako tinawag ni kuya mario kaya lumapit naman ako sa kanila.

"Sali ka raw sabi ni sir." Sabi nito sakin. Pero umiling ako.

"Ayoko." Maikling sagot ko saka ko sila tinalikuran at walang sabi na nag tuloy ako sa kwarto ko.

Ang arte ko ba? Sorry naman ganito ako lalo na pag naiinis ako sa mga kuya ko kaya nadadamag ang ibang tao na naka palibot sakin. Lalo na kong hindi ko gusto Ang bisita na nan dito samin.

••••••
Itutuloy.....

MR. POLICEMAN IS A WALKING RED FLAG (BOYxGAY)Where stories live. Discover now